Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Total Pageviews
Friday, January 13, 2006
The Donselya Blog
Wow, nakaka-pressure naman ang napili kong pamagat. I should say something kick-ass here. But i can't. I shouldn't because i can't.
Anyway, a long, long time ago in a far away land called Glorietta, I had an epiphany at blogging. Here's how it went:
"Hay, matagal na akong nangangating gumawa ng blog. Kung bakit ang pakiramdam ko ngayon ay marami akong nasayang na sandali o oras o buwan, hindi ko alam. Isang malaking tanong at taning na hindi na nararapat pag-aksayahan pa ng panibagong sandali.
Action... Reaction... Action
Aug. 6, 8pm, Bo's Café - Glorietta. Dinala ako rito ng imaginary express train ng '2046'. Naubusan na ako ng sine at pangnood ng sine. I'm broke, gimik-wise. Naghihintay na lang akong mag-alas-nuwebe para habulin sa Hardrock Café ang Cueshé. Sa conundrum na 'to ako naipit para subukang sulatin ang aking virgin blog entry. For the heck of it, I need to write something virginal.
This is life....
Masarap daw sambitin 'to habang nakaupo ka sa isang upuan na 'pinipinid ng isang glass wall. Sa kabilang 'mundo' ay isang malaking 'video screen' ng mga taong naglalakad, may kanya-kanyang arangkada at estilo, depende sa bigat ng kanilang pinapasan. Ano kayang meron sa nga espasyo nila? Madrama kaya, punung puno ng stunts o wala lang? Habang nandito naman ako sa kabilang panig, nakaupong-mayaman at hinihigop ang huling higop ng aking special blend coffee.
Gusto kong magpapansin, kumaway o kumamay sa bawat nagdaraan dahil in one way or another, naitulak nila ako sa bangin ng blog-making.
Thank you, Ayala Mall shoppers. Ng dahil sa inyo, napunta ako sa aking nais marating…."
I just don't find it kick-ass now. As Junnie Lee would always say, "wala na akong sasabihin pa....".
Credits: Jengaloid did this blog account for me. I think she initially did it with "Kiko Matching". She got the pa-cute photo from my Photobucket. She said it's the cutest shot. Oh, well.... it took me (May 18 minus January 13 equals.... hmmm...) a few days to finally jumpstart this. So there.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
nicely done bes... true to form as always. :)
nakanang! bakit hindi mo man lang binigay sa akin yung link nung nagtatanong ka ng blog related questions ha?
hay nakapagcomment din! nag expire na ata un account na ginawa ko para mag post ng comment kay vistan, kaya eto na lang account gagamitin ko...haha...Welcome! Ni-link ko blog mo ah :)
Post a Comment