Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Total Pageviews
Tuesday, June 06, 2006
Ode to Hemp
Saan ka naman makakakita ng alas-9 na ng gabi, maliwanag pa ang araw? Sa katunayan, natatanaw mo pa sa kalayuan ang buwan na akala mo ay inumaga pero ang totoo, sisikat pa lamang ito. Kahit hindi ito minsanang mangyari, alam mong ito’y hindi pangkaraniwan.
Pero hindi mo masisisi ang panahon sa iyong kalagayan. Ganoon talaga. Minsan, may mga bagay na likas na sumusulpot kahit hindi mo inaasahan. Kailan ka ba huling tinawagan ng iyong kaibigan at naglabas ng sama ng loob? O hindi kaya’y tumawag siya dahil kailangang kailangan ka niya sa oras na hindi ninyo parehong inaasahan? Pero wala kayong magawa. Hadlang ang pagkakalayo.
Ang naiwan sa iyo ay ang pagsulyap mula sa nakapinid na bintana at muling pansinin ang kakaibang pagsasama ng isang bubot na buwan at isang paligid na nasisikatan pa ng araw. Pero sinubukan mong gumawa pa ng paraan. Hindi mo lang basta sinulyapan ang buwan sa kalayuan. Inisip mong sa likod nito’y meron ding nagmamasid na isang kaibigan. Kung hindi man kayo parehong ganap na masaya o parehong ganap na malungkot dahil ang isa ay masaya at ang isa ay malungkot, nagkasundo kayo sa isang bagay: ang ibigin ang buwan sa kakisigan at misyeryo nito. Ito ba’y isang pagtitiwala na ang lahat ay matutugunan ng buwan?
Bahagya kang napabuntong-hininga at hinayaang pumalaot ang hanging nanggaling sa iyo. Ito ay banayad na dumampi sa apat na sulok na iyong kuwarto. Ipinikit mo ang iyong mga mata. Inisip mong ikaw ang hiningang lumabas sa iyong katawan. Nagliwaliw ka sa katotohanang ikaw ay madaling nadadala ng hangin. Tila wala kang iniisip. Tila wala kang pinapasan. Sa sandaling ito, naalala mo kung anong mundo meron ka. At sa mundong ito ikaw ay nagbigay-pugay at nagpasalamat.
Alam mong kahit sumapit ang dilim, mananatili kang walang bigat. Mananatili kang nakalutang….
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
oks lang yan manny... hahahaha
naka juts ka ba manny? :P
ang sagot ay hindi. hindi "hindi pa". hehehe. pero parang nagiging immune na ako sa idea. tingnan natin. ;-)
Post a Comment