Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Total Pageviews
Tuesday, November 06, 2007
Cine Europa 2007 Naman!
Diyeta muna (hehehe). Medyo tumapat din kasi sa long weekend at kailangang umuwi sa probinsya. Oh, well… Heto lang ang mga napanood ko:
1. Kolya (Czech Republic) – Isa yata ito sa mga sikat na entry sa filmfest. It’s both feel good and crowd-pleaser. Siguro kung napanood ko ‘to a few years ago, medyo bago pa ang concept. Pero andami nang nagawang pelikula tungkol sa isang lalakeng elderly na nag-alaga ng isang cute na cute na tsikiting. Sinahugan na lang ng konting relevance at tumalakay na rin sa kalagayan ng Czech at mga Ruso.
2. The Leap (Denmark) – May gustong ikwento ang pelikula. Tungkol ito sa “pagtalon” sa nakaraan upang bigyang solusyon ang kung anumang meron sa kasalukuyan. Isang may kaedarang lalake ang binigyan ng taning ng isang matandang doktor. Hindi makapaniwala ang lalake na malapit na s’yang mamatay dahil wala naman itong nararamdaman. At s’ya ay nagbalik tanaw. Isa sa mga ala-alang ito ay ang malikot na pagsibol kasabay ng isang kapit-bahay na babae. Nahuli sila minsan ng tatay ng babae at nagkaroon ng pagbabanta at pananakot. Sa kalaunan ay nadiskubre ng bidang lalake na ang doktor na nagbigay sa kanya ng taning at ang tatay ng kaibigan n’yang babae ay iisa.
3. FC Venus (Finland) – Very mainstream ang pelikulang ito. Hindi naman masama. Tungkol ito sa mga kababaihang nakipagpustahan sa kanilang mga nobyo o asawa para sa isang laban ng soccer o football. Ang hamon ay naganap dahil ang mga kalalakihan ay lasing na sa sports na ito at ang mga kababaihan ay namamalimos ng panahon at pagtingin. Comedy ang genre. Sex comedy to be exact.
4. Umbrellas of Cherbourg (France) – Hindi ko alam kung nagustuhan ko talaga ang pelikulang ito. Siguro for the experience, oo. Kakaiba ang musical na ito. Sung-through, walang main theme o sugarry theme song na pwedeng ihanay sa “West Side Story” at iba pa. Parang ang mga tauhan ay tila nag-uusap sa paraang may tono at malambing. Nakatulong naman kahit papaano na ang musika ay isinulat ng batikang si Michel Legrand (“Windmills of my Mind”, etc.). Mas experimental siguro ang pelikulang ito kesa mainstream. Subukang tanggalin ang musika at ang maiiwan ay isang manipis na kwento ng pagmamahalan, pag-asa at paglimot.
5. The Leopard (Italy) – Isa raw ito sa mga pelikulang kailangang mapanood bago ka mamatay. Ang unang impression ko: Peque Gallaga’s “Oro, Plata, Mata” less the brutality of war and nudity. Mahaba ang pelikula. Lumakbay ito ng tatlo at kalahating oras pero hindi ako nabato. Mala-Vic Silayan si Burt Lancaster dito (pasenya na at masyado akong pro-Pinoy ngayon). May ilang eksenang parang gusto mo nang tapusin (o i-pause, kung DVD ang format), masyadong talky para sa iba. Pero hindi ganito ang buong produkto. Sa umpisa ay marangya at mabilis ang mga pangyayari samantalang sa may dulo, bago matapos, ay bumagal na at naging payak. Meron yatang punto ang direktor dito. Ang huling imahe sa pelikula ay kamukha ng ilang eksena sa “Death in Venice” na mahusay ring idinirehe ni Luchino Visconti.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment