Wednesday, December 05, 2007

Paalam, Rene O. Villanueva

Nakakagulat ang isang posting sa isang film Yahoogroup. Pumanaw na ang manunulat na si Rene Villanueva. Heto ang nilalaman:

Our beloved writer friend Rene Villanueva has passed away last dec. 3. You can visit his wake at Sanctuarium in Araneta Corner Quezon Avenue until dec.7. He will be laid on Dec. 8 at UP Diliman (Fairies Garden). His famous works as writer include Batibot, May Isang Sundalo, Asawa, Kaaway sa Sulod, The Bomb, Watawat, "Botong" (Carlos Francisco Life Story), Tiktipaklong, Ibong Adarna and more. please pass. thanks

Doods J.
Cineaste moderator
Kamakailan lamang ay humingi pa ako ng autograph sa kanya. Mukha na s'yang mahina noon pero itinago ito ng polo n'ya na kulay green. Nakita ko s'ya sa isang pagtatanghal ng Virgin Labfest sa CCP kung saan kabilang ang kanyang obra na "Bertdey ni Guido". Tungkol ito sa isang batang kasing-kaarawan ng EDSA People Power. May nalikha akong blog tungkol dito kung hindi ako nagkakamali. Ang hindi ko lang makalimutan ay ang nag-iisang pangungusap na nasambit ko sa kanya: "Sir, I owe you my childhood."

No comments:

Post a Comment