Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Tuesday, April 15, 2008
Convenience Store
Stitched unedited celfone pics, 1.3 megapixels.
Introducing: Mini Stop at The Fort. Malaking bagay na meron nang malapit na murang tindahan (ulam, toothpaste, atbp.) sa may opisina. Kahit papaano, meron nang ibang option maliban sa Mc Do, Mr. Poon at ang paglalakad ng ilang bloke para sa pinakamalapit na convenience store. Mukhang na-pressure ang franchisee ng Mini Stop sa The Fort. Maliban sa pangkaraniwang convenience store na merong malaking salaming bilog sa loob (para sa mga shoplifter at artsy photo-op), may naghihintay na cozy lounge sa second floor ng "aming" convenience store. Maluluma ang Starbucks o anumang tambayan sa Greenbelt 3. May kakaibang ningning ang mga state-of-the-art na ilaw rito, isang pagkakataon na kahit panandalian ay puwedeng maging Don Romantico.
No comments:
Post a Comment