Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Friday, April 25, 2008
Tanghali
Stitched unedited celfone pics, 1.3 megapixels.
Isa sa mga pakiusap ng kaopisinang malapit na kaming iwanan para sa "family business" ang mag-lunch sa Manang's sa THE Ateneo(!). Ganyan minsan mag-trip sa amin kaya naman nakakaaliw rin. Dati, n'ung nasa bangko pa ako sa may Paseo de Roxas, sa Megamall naman kami nagti-trip mag-lunch lulan ng MRT. Umulan kaninang tanghali. Suwerte raw ito kapag merong nagpapaalam (pero minalas ako dahil hindi ako umabot sa house specialty na grilled pork liempo). Unang beses ko sa nasabing kantina. May ilang estudyante na konyo pero halos ang delegasyon namin ang nagpahaba sa pila na malapit sa tennis court. Dahil sa kakaibang karanasan, kakaibang panahon at pagkakataon, nag-enjoy ako.
No comments:
Post a Comment