Total Pageviews

Sunday, May 04, 2008

Ani


Stitched unedited celfone pics, 1.3 megapixels.

N'ung nakaraang pista sa bayan namin (Foundation Day ng bayan at hindi patronal town fiesta), sumaglit ako sa munting Agri-Trade Fair sa tabi ng plaza. Taunan itong ginagawa at medyo matagal-tagal na rin 'yung huli kong pakikigulo sa ganitong pagdiriwang. Walang masyadong bago sa mga kubol na magkakadikit malapit sa may DC Grocery. Bumisita pa rin ang ilang staff mula sa Philippine Flour Mills sa Hondagua, Quezon, para magbenta ng masasarap na donut at ilang higanteng tinapay. Tulad ng inaasahan, ito pa rin ang pinakamalakas ang hatak sa mga taga-Lopez. Sa entrance ng tiangge ay may isang maliit na lamesa na bumabandera ang entry ng aming bayan para sa OTOP (One Town, One Product) Philippines. Aprubado na raw ng DTI ang aming coconut candy at polvoron. Naikuwento ng tindera rito na ang mga unang sample na pinadala para suriin ay masyado raw matamis. Maganda ang tetra pack version ng mga produkto. Hindi ko lang nakunan ng larawan dahil naghihingalo na ang celfone battery ko n'un. Nawa'y ang mga ganitong pagkakataon ay magbukas-daan sa ilan pang opurtunidad para sa aking mga kababayan. Quezon, Lopez naman!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...