Total Pageviews

Monday, June 16, 2008

Ipinakikilala: Frankfort, Kentucky


Ha? Di ba sa Germany ang Frankfurt? Hehehe. Well, enough of Euro adventure. US is the "now" thing. And what do I get on my second weekend here at the US? A back-to-back weekend work! Yehey! Pero syempre, hindi ko naman pinalampas ang weekend ng hindi ini-explore 'yung city, kahit pa mga apat na bloke lang ang main street (meaning, isang street na merong mga shops and establishments) sa Frankfort at 'yun na 'yun. May pinuntahan kami last Friday na dining place na sosy sa Midway (sa Kentucky pa rin) at di na ako nagulat na ang main street ay isang street lang. Pero sulit naman 'yung dinner na 'yun kaya masaya na rin.

By the way, sa Google Maps, heto ang aking location.

Sa mga mapapadaan dito sa planetang ito, heto ang mga pwede n'yong makita:

Kentucky Capitol Building - Since Frankfort ang capital ng Kentucky, nandito ang capitol building. Sinasabi nila na madalas daw, kung alin ang capital, 'yun ang hindi talaga matao o touristy. Siguro merong explanation on security and other stuff. Madali lang makita 'yung lugar at minsan, sa mga highway, visible 'yung dome n'ung building. Meron yatang viewdeck para sa ibang angle n'ung building pero di ko na pinuntahan.

The Singing Bridge - Nakalimutan ko 'yung 'saktong pangalan n'ung bridge pero may kakaiba s'yang charm. Tinawag s'yang ganyan dahil everytime na dumadaan ang mga motorista, merong tunog na ginagawa 'yung bridge. Para s'yang nagha-hum. Ang catch, 'yung bridge ay hindi solid. Meron s'yang maliliit na frame at tumatagos ang hangin mula sa ilalim.

Broadway Street - Well, walang kinalaman ang Broadway sa New York pero 'yan na 'yung main street na merong mga restaurants and shops, plus isang street na perpendicular dito na kulay pula naman ang kalye. Mula opisina, nilalakad namin 'tong street na 'to to hunt for food. So far, paborito ko 'yung Serafini na merong napakasarap na serving ng guava salmon.


Kentucky Fried Chicken - Nothing fancy pero alam mo na, may kakaibang dating kapag sinabing Kentucky Fried Chicken sa Kentucky. First time kong na-try kahapon at wala namang kakaibang special. I can say na 'yung gravy ay thicker at mas masarap kumpara sa Pinas.

Marami pang ibang point of interest katulad n'ung First Baptist Church, Department of Revenue building, Kentucky River, Grand Theater na under renovation at ilang Victorian-style na bahay pero di ko alam kung paano sila ide-describe. Check n'yo na lang dito.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...