Kagabi ko lang nalaman (through Benjie and Ruth’s instant message) na meron daw nahulog na elevator sa Net Square (kung nasaan ang office). As per Ruth’s link (na isang blog), nahulog daw from the 14th floor. Fortunately, walang pasahero n’ung nahulog. Kinilabutan ako nang konti kasi nga naka-VL ako tapos may nangyaring ganun. May mga ganyan na kasing scary thought n’ung college dahil may ganyang aksidente na raw r’un sa isang elevator at meron daw namatay.
Ruth said, konting ingat. But I think I replied something like “Balewala naman ang pag-iingat dahil aksidente ‘yun.” Pero s’yempre, na-appreciate ko ‘yung concern. It’s just that sa mga ganung pagkakataon, wala ka nang kawala. Unlike sa isang bus na babangga sa isang puno, pwede ka pang tumalon mula sa window. Pero kung eroplano na, wala ka nang magagawa kundi i-initiate na mag-flashback ang iyong buhay mula sa mga bagay na kaya mong i-recall.
According to this link, di naman daw pala nakamamatay ang isang elevator na nahuhulog. At ‘wag mo na ring tangkain na tumalon bago ito bumagsak (as if alam mo kung kelan tatama sa lupa, hahaha).
Accidents happen. Kahit nasa pinakakomportable ka pang lugar, kung oras mo na, oras mo na. I believe merong God’s timing na tinatawag. Di ba nga, kahit nasa isang five-star hotel ka, puwedeng lumindol o puwedeng mabomba? Walang ligtas na lugar (I remember my highschool PE teacher saying that). Pero hindi ko ito sinasabi para manakot. Ang motibo ko talaga ay para bisitahin natin ‘yung faith. As Rogue said in the first “X-Men” movie, “You have to hold onto something”. Wala na akong sasabihin pa.
No comments:
Post a Comment