Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Total Pageviews
Sunday, January 25, 2009
Pagharap sa "Melancholia"
Kuha ang mga larawan mula sa site ni G. Oggs Cruz, isang film critic.
Medyo mahirap i-assess kung ano talagang na-experience ko after watching Lav Diaz' 8-hour film entitled "Melancholia". Parang hindi na lang talaga ito tungkol d'un sa pelikula kundi 'yung buong experience na rin.
THE FILM
To summarize the film, it's about three characters who are trying to cope with depression. May isang elite na teacher na naging desaparasidos ang asawang komunista. Isa pang akademista naman ang namatayan ng asawa. At isa pang karakter. Inumpisahan ang pelikula habang nasa Sagada ang tatlong karakter na ito. Si teacher ay isang puta. Si akademista ay isa namang bugaw at 'yung ikatlo ay isang madre. They're trying a particular program that should help them overcome their sadness. Tinapos ang Sagada episode sa magkakahalong epekto. Ipinakita sa mga huling parte na 'yung "madre" ay hindi nakayanan ang buong proseso at nagpakamatay.
Tumuloy ang pelikula pagkatapos ng Sagada. Si teacher/puta ay merong struggle sa kanyang ampon na anak na madalas lumayas at nagpuputa. Si akedemista/bugaw naman ay tuluyang nabaliw sa dulo. May naka-allot na mga eksena para sa asawang komunista ng teacher/puta. Sa gubat ay namatay rin ito matapos isulat ang ilang angst sa buhay tungkol sa kalungkutan. Dito na itinanong kung bakit nga ba malungkot ang mundo.
Understatement nang sabihin na mahaba ang pelikula. Kung ang tanong ay hindi ba ito pwedeng gawing dalawang oras na lang, ang sagot ay hindi. Tingin ko ay marami ang mawawala kung ito'y kakapunin sa maikling oras. Merong gustong ipakita ang direktor kung bakit kailangang nakakapagod panoorin ang movie, kung bakit hindi kina-cut ang mahahabang sequence. Halimbawa, mahigit isang oras ang inilaan sa struggle ng komunista sa gubat. Halos walang dialog, naglalakad lang sila sa gubat, natutulog o nakamasid lang kung merong kalaban. Kung puputulin ito, mawawala 'yung magic na totoo ngang mahaba ang struggle ng asawa ng isa sa mga karakter. Kung ito'y Star Cinema movie, malamang ay nakapag-away na sina Piolo at Angel at hihintayin mo na lang magkabati sila sa susunod na 30 minuto.
Napansin ko rin na ang unang tatlong oras ay puwedeng magkaroon ng sariling buhay. Nakaka-fascinate actually 'yung puta, bugaw at madre na kunyari ay hindi sila magkakakilala. Sa ikatlong oras na nalaman ng viewers na role playing lang pala lahat. Maganda 'yung twist sa part na 'to. Hindi rin masyadong alienating, makakapasa sa mainstream kumbaga.
Tinapos ang pelikula na lumayo ang akademista/bugaw habang tinatawag ni teacher/puta. Sabi ni akademista/bugaw, "Hindi ako si Julian." Isang execution ng eksena na mapapatanong ka kung role playing pa rin ba ang lahat o katotohanan na. Sa ganito ring doubt ipinasok ang mensahe ng pelikula: malungkot ang mundo dahil mula rito tayo mabubuhay. Sabi nga ng isang karakter dito, wala raw music, walang pelikula, walang nobela kung walang sadness.
THE EXPERIENCE
Nag-lunch ako ng mga bandang 12:15pm sa Pho Hoa (reception sa binyag ng aking bagong inaanak, si Zaccheus Nigel Quincina) at mula Libis ay sinundo na ako ni Jaejay papuntang UP. We're using his Garmin GPS on his mobile. Mayabang, I agree (hehehe). We reached UP Film Center/Cine Adarna 10 minutes before the screening. I didn't manage to buy chicha and Kopiko and water. For eight hours, walang food, walang pee break at walang break at all except during disc switches. And I survived it. Pati na rin si Jaejay, nakalabas ng sinehan nang buhay (hehehe).
To cope with "Melancholia", Jaejay and I ended tagging the actors with names from the office. Kapag kamukha ni officemate ang isang karakter, we utter the name. Merong Jubs, Mel, Jim, Donna, Louie, Joey, Jen, Ge Tan (dito lang kami pareho nang inisip), Beth, Chochoy (surprisingly, 'yung torero na karakter sa film) and Angie. But don't get us wrong. We have nothing against our officemates, of course, and the actors. Kailangan lang talagang matawa minsan para hindi antukin. Jaejay, at one point, even invented concoctions like "Kung magkakaanak sina Topeng at Ben, ganyan".
As reward, we had dinner at Chocolate Kiss Cafe at Bahay ng Alumni (which is just on the other side of the theater). I had mushroom soup, chicken kiev and bottomless iced tea (unsweetened) while Jaejay had Salisbury steak and same soup and drink.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment