One fine day, nag-decide si Felixberto na mag-abroad at iwanan ang Pilipinas. Nasa IT s’ya n’un sa isang bigating multi-national company (na nagbebenta ng sabon, shampoo at kung anu-ano pang nabibili sa sari-sari store). Ang resume n’ya ay nagsasabing matagal s’yang nagtrabaho sa isang leading bank, gamit ang mainframe. Hindi man s’ya ganap na handa o hindi lubusang kumpleto ang motivation (dahil wala naman s’yang pamilya o kapatid na pinapaaral), lumabas pa rin s’ya sa kanyang comfort zone at sumubok ng kapalaran sa Singapore. Ito’y sa udyok na rin na ang karamihan sa kanyang mga dating kaopisina ay matagumpay na ring nakikibaka sa City of Fines.Mga Tanong (quiz pala ito, hahaha):
Taong 2001 noon nang umalis si Felixberto (buwan ng Hunyo to be exact). Maayos ang kanyang pagpasok sa Singapore kahit na ito ang kauna-unahang flight n’ya palabas ng Pilipinas. Relatively mataas ang suweldo at napaka-safe na option ng bansang kanyang pinili. Boom ang mainframe sa Singapore dahil isa itong financial hub sa Asia. Plano n’yang magtagal ng limang taon sa nasabing bansa.
Sa Singapore n’ya nasaksihan through CNN ang pagsabog ng World Trade Center sa New York. Ang unang hinala n’ya ay aksidente lamang ito pero kumplikado pala. Biniro pa n’ya ang kanyang mga kaibigan sa Pinas tungkol sa kaganapan. Hindi n’ya alam ang hatid na kumplikasyon nito.
Isang araw ng December, 2001 pa rin, tila may kakaiba sa ayos ng mga planeta. Para kay Felixberto, ito’y isang regular na araw lamang. Matamlay ang kanyang mga kaopisina subalit nakangiti pa rin sa ating bida kapag sila ay nagkakatinginan. Parang merong gustong sabihin, ‘yan ang impression ni Felixberto. Parang merong gustong sabihin pero hindi magawang sabihin.
Pasado alas-dos ng hapon nang tawagan si Felixberto ng kanyang boss mula sa telepono. Meron daw meeting sa isa sa mga silid doon. Pumasok si Felixberto at nakangiting sinalubong ang kanyang boss at ang boss ng kanyang boss. Mabilis ang mga pangyayari. Cost-cutting daw. “It’s hard to let you go but we have to do it.” Hindi pa agad na-absorb ni Felixberto ang mga pangyayari pero alam n’ya kung anong meron. Sinabi ng kanyang boss na kung kinakailangan daw ni Felixberto na hindi pumasok para mag-job hunt, wala raw silang problema rito. "Last-in, first-out" ang naging hatol.
Hindi na matandaan ni Felixberto kung paano pa lumipas ang sumunod na dalawang oras ng hapon na ‘yun. Malamang ay tinawagan n’ya ang kanyang nag-iisang kapatid na nasa New Zealand para ibalita ito. Malamang ay kinausap n’ya ang kanyang mga kaibigan. Pero ang lahat ng ito ay hindi na nag-sync in agad. Pinalipas na lang ni Felixberto ang gabi sa panonood ng “Monsters, Inc” sa Cine Leisure. Madilim ang pasilyo pabalik sa kanyang HDB flat at tila napakababa ng 16 floors para sa kanya.
Hindi madali ang kinaharap ni Felixberto. Nariyang nahiya s’yang sabihin sa kanyang mga kaibigan dahil ayaw na ayaw n’ya na kinakaawaan s’ya. Dito n’ya nakilala ang totoong kaibigan. Dito n’ya nakilala ang mga nagpapanggap lamang. Dito n’ya natagpuan ang kanyang sarili.
Inisip n’ya rin ang despedidang inihanda sa kanya ng mga kaibigan n’ya sa Pilipinas. Inisip n’ya ang hirit na pwede n’yang sabihin tungkol sa mga going-away gifts na ibinigay sa kanya. Tinanong n’ya ang Diyos kung bakit napabilis naman ang five years na sana ay panahon ng redemption na pinansyal at karagdagang work experience.
Christmas season pa naman n’un. Mabuti na lang at binisita s’ya ng kanyang kapatid at asawa nito bago tumulak patungong Canada. Nakaramdam nang kaunting Pasko, kahit papaano. Dito n’ya narinig ang pinakamabisang payo na narinig n’ya mula sa kanyang kuya, “Felixberto, God will provide.”
And God did fulfill that. Bumalik ng Pilipinas si Felixberto (matapos sumubok magyosi kahit konti). Hinarap ang mga dapat harapin. Nagtago sa pakpak ng kanyang mga magulang, humabi ng lakas at nagpakatatag. Bumawi sa mga dating kababata na nakalimutan n’yang kumustahin n’ung nasa kolehiyo. Dito s’ya nakatikim ng unang bakasyon dahil kahit n’ung matapos ang college, dumiretso agad s’ya sa pagiging empleyado.
Muling nag-umpisa si Felixberto. Bumangon, naghintay at nakaginto sa nakuha n’yang trabaho during his birth month. Taong 2002 ito. Sa Makati, dito sa Pilipinas. Unti-unting nagliwanag ang lahat. Nagkaroon ng sigla at naging ganap ang katotohanang hindi siya pababayaan ng Diyos. Nakakita ng bagong “pamilya” si Felixberto at hindi na s’ya umalis dito. Isang bagong yugto ang nabuksan.
1. Naging madali kaya kay Felixberto ang mga hirit o biro tungkol sa lay-off o retrenchment? Bakit?
2. Ano ang una mong gagawin kapag na lay off ka?
3. Sino ang unang taong babalitaan mo kapag nangyari ito?
4. Sa panahon ng depression, alam mo ba ang bagay na magpapasaya sa ‘yo?
5. Naniniwala ka ba na God will provide? Kung hindi pa, maniwala ka na.
No comments:
Post a Comment