Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Monday, March 09, 2009
Ilang Afterthought sa Eraserheads: The Final Set Concert
Hay, kakatapos lang dalawang bote ng San Mig Light courtesy of Jaejay, the birthday boy. Kakauwi lang din at ngayon ko lang ulit nakapiling ‘tong laptop. Since a bit tipsy, I thought that this is the best time to blog about the experiences I had on Eraserheads: The Final Set concert at MOA grounds last Saturday (March 07).
We went to the gate at around 3:45pm. May pila na. Sabi kasi sa concert details, 3pm daw mag-o-open. Merong mga four – six queues sa left side ng entrance for VIP. Kasama ko si Mel F sa line and we strategized na maghiwalay ng queue para lang makauna kung sinuman sa amin. At 4pm, they announced that leftmost queues are for girls and the other side, for boys. Nag-swap pa kami ni Mel F to my advantage dahil mas kokonti ang pila sa right side. Meron lang sigurong mga three persons in front of me. Nakita ko pa nga ang isang highschool friend na parang hindi man lang yata na-excite n’ung nagkausap kami. Mga pitong taon ko yata s’yang hindi nakita but she chose to end the conversation prematurely before queueing for her gate. I think she was mad about the long lines.
After the thorough inspection (for sharp objects, banners, food, etc.), I rushed to the center trying to catch a “front seat” pero merong mga nauna sa akin na two or three persons. Pinasunod ko na lang si Mel F sa puwesto ko. Not bad ang nakuha naming space dahil merong cameraman platform sa likuran namin.
And we waited for four hours. For the record, ito na yata ang pinakamahabang paghihintay ang nagawa ko sa isang concert. Para kaming Manila Bay na nilubugan ng araw at sinikatan ng buwan. Dinner at 6pm with Double Cheeseburger from McDo (95 bucks plus water for P25).
At 8pm, pinakita na ‘yung parang ginawang montage ng MTV sa mga interview nila sa Eraserheads. Na-stress pa rito ‘yung isang session na sinasabi nilang hinding hindi sila maghihiwalay. Kung sa unang concert ay in numbers ang countdown, sa Final Set ay alphabets naman, from Z to E.
Lumabas ang banda (definitely the best Pinoy rock band for me) at tinugtog ang “Magasin”. Less the goosebumps from the first set, nakakamanhid pa rin ang mapanood silang mag-perform. I have to admit that I can’t remember any Eheads gig that I attended. Hindi kasi ako gimikero n’ung college. Ang recollection ko lang ay isang autograph signing sa Megamall noon para sa libro nilang “Fruitcake”.
Sa second set ay bumulaga mula sa ilalim ng stage ang isang sala set with lampshades and stuff. Nandito na sina Marcus, Raimund, Buddy at Ely para sa kanilang acoustic set. If they were still together as a band, they might have done something similar to that. So it’s an overwhelming experience for me. Kung merong effort ang concert, ito na ‘yun. Kinanta rin nila ang paborito kong “Minsan”. I think that song alone spoke of the whole thing: friends who are reuniting, friends who don’t forget. Ito lang yatang song na ‘to ang na-video ko.
Matapos ang encore ay isa pang encore. Naglalabasan na nga ang mga tao at nagdi-disassemble na ang staff ng mga cable. Inudyok ni Raimund (na nakita namin sa Team Manila shop sa MOA mga 30 minutes bago magbukas ang gate) ang tao kung gusto pa raw ba naming marinig silang kumanta. Ang sagot ay isang three for the road kabilang ang pinakahuling kanta na “Toyang”. Dito ko na nakitang at peace ang mukha ni Ely. Dito ko na nakitang hindi lang kaming mga fans ang nag-enjoy. Dito ko rin napatunayan na isang dakilang poser si Tim Yap.
I can’t wish for anything more. I just would like to thank the Eheads for giving in to our whims. Alam ko na hindi madali sa kanila ang magsama-samang muli pero ginawa nila na alam mong hindi lang pera ang dahilan. Salamat din sa musika. Salamat sa ala-ala. Salamat sa buhay.
No comments:
Post a Comment