Ilang opinyon lang na puwede kong sabihin habang bumibili ng Fit ‘N Right sa tindahan ni Aling Mosang sa kanto:
1. Unang una, evil si Dr. Hayden Kho dahil hindi s’ya nagpaalam sa kanyang partner sa kama. Mahalaga sa isang relasyon ang maging open, one-night stand prospect man ito o pangmatagalan. Communication is a must. Period. Pero kapag nagsusulat ako ng journal (yes, meron ako pero hindi kasing colorful siguro ng kay Doc kung meron s’ya), hindi rin naman ako nagpapaalam for a simple reason na wala naman akong dapat pagpaalaman (hehehe, single is sexy, dude). ‘Yun nga lang, ang kaibahan ng diary sa video, parang fiction at non-fiction. Huling huli ka sa video. Sa text, mas marami kang pwedeng isipin. So what if I’m never gonna dance again and guilty feet have got no rhythm? Iba ‘yung nakasulat lang at iba kapag kinakanta mo na ito live in your own bedroom.
2. Puwede na tayong mag-conclude na faithful naman pala ang mga porn scenes sa totoong buhay. At least ay hindi tayo dinadaya sa poor script, bad acting and monotonous musical scoring na very 80’s. Siguro naubusan na ng concept ang mga porn producer kaya pinauso nila ang semi-docu style na scandal videos.
3. Merong isang silver lining ang kaguluhang ito. Pinakita ni Dr. Hayden Kho kung paano dapat “rumesponde” ang isang Pinoy pagdating sa kama. Isa s’yang pro, isang master, isang guru sa larangang hindi naman inakalang kasisikatan n’ya. Foreplay ba ang hanap n’yo? Meron si Doc. Pasensya? Meron si Doc. Romansa Espesyal? Meron si Doc. Health awareness? Meron din si Doc. Pansinin ang tatlong babaeng kanyang naka-sex. Lahat sila ay nag-enjoy (well, sa tingin ko lang ito). Case in point ang act nina Katrina at Doc kung saan sa sobrang excitement ni babae ay hindi na s’ya nag-atubiling tanggalin ang sariling underwear. Hindi ko na siguro kailangang idagdag ang kaso ni Maricar Reyes dahil baka magmukhang masyado na akong nagpapaliwanag. Kung lahat ng Pinoy ay magiging sensitibo lamang sa pangangailangan ng kanilang chikababe sa kama eh di mas masaya siguro ang mundo.
4. Para sa akin, mas kriminal ‘yung taong nagkalat n’ung video. Kriminal din si Dr. Hayden Kho kasi hindi s’ya nagkakasya kay Bb. Vicky Belo pero mas dapat ninja-hin ng CDRs na ginawang blade ang nag-distribute n’ung kopya. Kung meron mang sisisihin ang mga kamag-anak ng biktima, sila na dapat ‘yun. Pero on second thought, wala pala tayong pinagkakaabalahan ngayon maliban as A(H1N1) kung hindi pumutok ang sex video scandal.
5. Mababa ang sense of history ng karamihan sa ating mga Pinoy. Nakalimutan na natin ang horrors ng Martial Law. Nakalimutan na rin natin na dati ay nakatutok ang buong bayan sa STD ni Kris Aquino na nakuha raw mula kay Joey Marquez. Makakalimutan din natin itong mga sex video ni Dr. Hayden Kho. Siguro dahil tayong lahat, in one way or another, ay may deep dark secret na handang kumawala kahit anong oras. Sabi nga ng isang officemate na sinabi ng isang officemate, with pun intended, “kanya-kanyang out lang ‘yan”.
No comments:
Post a Comment