Tuesday, May 19, 2009

Ilang Eksena Mula sa "The Amazing Race - Season 14"


Picture is taken from www.cbs.com.

Last week ko pa sana na-blog ‘to pero dahil ito ang “Greatest Show on Earth” para sa akin, heto ang ilang eksena mula sa Season 14:

1. Asians can do it. Sa latest season, isang Chinese – American team ang nanalo, ang magkapatid na sina Tammy and Victor. Pero hindi naman kasi basta-bastang team. They happen to be both lawyers and Harvard grads. Napaka-superior kahit sa credentials pa lang. Plus, physically fit naman sila pinaka-strategic among all the teams. Lahat game lang for them and at the end of the day, wala silang nakaaway kahit na ni-U Turn nila ang isang team. Though sa isang task, naligaw sila at dito nag-breakdown si Victor. But he learned his lesson well, that is to listen to his sister Tammy, and ended up as topnotch. Kahit n’ung nag-U Turn, lumabas pa rin ang pagiging senti ng mga Asians. They politely left a message to the yielded team saying “Sorry, we cannot outrun you”. They were at their best during the Beijing leg (second to the last pit stop) as they communicated in Mandarin. But it was at the last Road Block that the team really shone. Ang task is to collect 12 surfboards that would remind them of all the pit stops. Nauna sa venue ang isang finalist, sina Margie and Luke, but Tammy and Victor outdid them by accomplishing the task almost single-handedly. Napaka-heart-pounding n’ung part na ‘yun. Imagine, nagkasabay-sabay sa isang task ang tatlong teams?

2. Medyo disturbing ‘yung episode na nag-away ang teams na sina Keisha and Jen and Margie and Luke. Nagkakabanggaan na kasi sila when retrieving a clue and it didn’t help na deaf si Luke. Prior to that leg, tinawag nilang “bitch” ang isa’t isa nina Keisha and Luke. And during the pit stop, nagsumbong pa talaga sila kay Phil. The mother in Margie defended Luke from sisters Keisha and Jen. Nag-walk out si Luke sa pit stop na ‘yan after they checked in. The mother-and-son team contested that people with disability should never be called “bitch”. Parang teka muna, paano kung bitch talaga ang isang tao regardless kung may disability o wala? I am not sure kung puwedeng magamit na excuse ang kapansanan.

3. Kasali rin sa season ngayon ng TAR ang sa tingin ko ay pinaka-weak na team ever n’ung show, sina Linda and Steve. Medyo senior na sila (read: lolo/lola) and it’s a big disadvantage to the race lalo na kung sobrang draining ng task. On top of that, medyo mahina rin ang loob ni Linda at wala s’yang masyadong sense of direction. I have nothing against them being lolo/lola pero heartbreaking kapag di ka na nakakakita ng enthusiasm sa kanila. Pero it’s good na hindi sila ang unang team na natanggal and better that they didn’t last until the second episode.

4. Hindi yata masyadong napino ang mga tasks this season. For instance, unang Detour pa lang nila, meron nang hindi suwabe. Ito ‘yung kailangan nilang ibaba ang sangkaterbang cheese by using a backpack-like wooden stuff. Slippery ‘yung bundok at minsan, nasisira nila ‘yung “item” or gumugulong ang keso paibaba. Kung madaya lang ako eh di kunyari, madudulas ako at mabibitawan ko ang keso, solb ang problema. Naulit ito r’un sa isang task na nakadepende sa kondisyon ng hangin. One team cannot accomplish the other task dahil sa injury. And yet, they waited for the wind to settle. It worked to their advantage pero paano kung hindi nagkaroon ng ganitong chance? Ganito rin ang nangyari r’un sa swimming task na halos magpa-give up kina Tammy and Victor at Keisha and Jen. Hindi naman kasi talaga sila swimmer.

5. Isa sa mga nakakatawang Detour task ‘yung Avenue of Happy Smiles challenge nina Margie and Luke sa Thailand. There were five senior ladies in a row. Each had a basin containing of a couple of false teeth sets soaked in water. Ang task ay hanapin ang tamang dentures na kasya sa lola. It was only Margie and Luke who accomplished it.

6. Finale was really a finale. Hindi ko na matandaan pero ngayon lang yata nangyari na ang final three ay nag-abot lahat sa isang challenge right before the final pit stop. Nakakakaba kasi hindi mo ma-predict ang mananalo. Though hindi kasing dramatic ang final race kamukha ng first ever TAR (kung saan, nag-overtake ang winning team sa isa pang team), alam mong palaban lahat ang final three.

No comments:

Post a Comment