Total Pageviews

Sunday, May 31, 2009

Special Edition ng mga Himala ni Ricky Lee


Kahit umulan kanina ay sumugod pa rin ang mga patron ni Ricky Lee para maki-uzi, magpapirma at masaksihan ang book launching ng special edition ng “Si Tatang at Mga Himala ng Ating Panahon” sa Powerbooks sa SM Megamall. Meron ako n’ung second edition (1990) pero gusto ko ring magtago ng kopya nitong bago dahil in-update ang lay-out at merong idinagdag. Given na lang siguro na sabihin na malaki ang impluwensya ng mga akda ni Ricky Lee sa akin, personal man o malikhain.

Si Ricky Davao ang host kaninang hapon. Tinawag n’ya ang National Artist for Literature na sa Bienvenido Lumbera para sa opening remarks. Katulad n’ung ginawang book launch sa Bahay ng Alumni sa Peyups last year, meron ding reading na bahagi ng program. Ang mga readers this time ay kinabibilangan nina (in order): Dingdong Dantes, Jackyn Jose, Allan Paule, Philip Salvador, Jean Garcia, Robbie Domingo, Danton Remoto, Ogie Alcasid, Nanding Josef, Ricky Davao, Chanda Romero, Angel Locsin at Vangie Labalan. Binasa nila ang ilang excerpt sa portfolio ng mga works ni Ricky Lee na naka-compile sa “Tatang”. Merong reportage, interview, short story, feature at ang buong script ng “Himala” nina Ishmael Bernal at Nora Aunor.

Intense ang delivery ni Ipe. Halos nakakadalawang pangungusap pa lang ay nakaka-engage na. Starstruck ako kay Jaclyn Jose at entranced ako sa kanyang kakaibang accent. Sayang nga at di ko man lang nahabol para magpapirma. Pinakamabenta ang ginawa ni Ogie na pagasabuhay sa anecdote ni Joel Lamangan habang ginagawa ang “Himala”. The rest ay masasabi ko namang sulit dahil para na rin akong nanood ng libreng stage play. Pinakamahirap ang nakaatas kay Angel Locsin dahil pinabasa sa kanya ang script ng “Himala”, particularly ang pamoso at imortal na monologo ni Ate Guy sa finale. Nakaka-believe si Angel dahil sa umpisa pa lang ay nagpaumanhin na s’ya sa mga tagahanga ni Nora. Sinabi n’yang nag-iisa lang daw talaga ang Superstar. Pero sa delivery niya, tingin ko ay hindi naman s’ya napahiya. Sa katunayan, binigyan niya ng kakaibang timpla ang sagrado nitong version. Ganito siguro ang delivery kung wala ang stagey accent. Tingnan dito ang video ng kanyang ginawa.

Sa dulo, pinapila na ang mga tao para sa signing. Generous sa oras si Ricky Lee at wala ni katiting ng pagmamadali. ‘Yun ang masaya sa kanyang mga book launch, bidang bida ang mga fans. N’ung nagsalita s’ya para magpasalamat, isiningit na rin n’ya ang concern tungkol sa kawalan ng hunger sa pagbabasa ng mga libro sa Filipino. Posibleng totoo ito pero naniniwala s’yang meron pa rin naman kumakalam ang tiyan sa librong Pinoy. Katunayan na lang ang dami ng mga pumunta na halos nagmukhang tiangge ang buong Powerbooks. N’ung turn ko na at ibinalik n’ya ang pirmadong libro, nag-sorry s’ya kung generic daw ang dedication. Sabi ko, “OK lang”. Idinagdag ko na isinuot ko ang (John) Legend shirt ko sa hapong iyon para sa picture-taking with a legend. Sambit lang n’ya, “Aba, dapat makita ‘yan sa picture.”

More pics here.

2 comments:

Anonymous said...

I'm so thankful to Mr. Ricky Lee for giving Ms. Angel Locsin a task in reading the immortal monologue line "WALANG HIMALA".

Im very proud to Ms. Angel Locsin also for giving justice at mas napakita nya she's growing as an actress.

Go Ms. Angel Locsin.

Unknown said...

peborit ko ang ogie at angel na book reading... worst ang kay dingdong. masaya ang book launching ni ricky. i'm happy at part ulit ako nun.

jeman

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...