Sunday, June 28, 2009

Ang Pinakamalaking Pagkakamali ng “Transformers 2”

Sa wakas ay naibsan (read: na-satisfy) na rin ang aking pagnanasang mapanood ang “Transformers 2” ni Megan Fox, este, ni Michael Bay sa unang araw (allegedly) ng pagpapalabas nito. At heto ang aking mga napansin (warning: spoiler alert!):

1. Magaling pa rin ‘yung mga CGI-filled na eksena. Lahat na yata ng pinakaguwapong adjectives ay puwede mo nang gamitin: cool, awesome, astig, etc. May wow factor pa rin s’ya kahit na isang formula film. Pero para sa akin, napanood ko na sa unang “Transformers” ang lahat ng puwedeng magpagulat. Nakakatulo-laway kasi ‘yung pagkaka-visualize ni Michael Bay. This time around, hindi na-outdo (o na-outwit) ng sequel ang husay ng first installment.

2. Astig ‘yung eksena na na-resurrect si Optimus Prime. Andaming kumabit sa kanya. I was wondering kung ilang plug-in algorithms kaya ‘yung dumagdag at kung anong event sila mati-trigger. On that regard, nakakasawa na minsan ‘yung merong namamatay tapos sobrang may idea ka na mabubuhay rin naman sa dulo by accomplishing something. At hindi lang si Optimus Prime ang pinag-uusapan natin, may iba pa. Ang good point nga lang: maganda ‘yung panlilito na ang “fallen” sa title ng movie, na isang character (‘yung The Fallen), ay ginamit na devise to also mean Optimus Prime. Cute din 'yung planting na sa sementeryo nag-usap sina Shia at ang mga robots.

3. Mukhang ang direksyon ng movie ay maging macho flick talaga. Pinatunayan ito ng maraming “masasayang” eksena kasama si Megan Fu… Fox. Halimbawa, ang POV ng camera ay nasa likuran ng isang motorsiklo. Naka-bend dito si Megan Fox na nakatalikod din sa camera habang naka-short shorts. Hindi mo alam ang nangyayari pero nagsasalita s’ya sa phone kausap si Shia. Si Megan pala ay nagpipinta sa harapan ng motor. Bakit kailangang nasa likod ang tutok ng camera? ‘Yung eksena rin na nagpalit si Megan ng damit to surprise Shia, kailangan pang ipakita na ibinaba n’ya ang pantalon at panandaliang sayaran ng camera ang kanyang white panty. Ito naman ay comment lang. Hindi talaga ako nagrereklamo.

4. Muntik na akong mag-walk out d’un sa parang dream sequence ni Shia na kausap n’ya ang (ano ba ‘yung mga ‘yun?) robot gods. Sabi nga ni Mr. Fu, “May gan’un?” After that scene, na-realize nating mga moviegoers na ang matrix of leadership thingy pala ay hindi talaga thing kundi something intangible. T*ng ina! Oooops, excuse my French, monsieur.

5. Pero ang pinakamalaking pagkakamali ng “Transformers 2” ay ang kawalan ng love scene nina Shia at Megan. Hindi realistic, isoli ang bayad! How could that be? I understand na nakakawala ng gana kapag siguro mga robots and machines ang nasa paligid mo but that’s relative. Puwede ring analogy na wala silang pinagkaiba sa mga robot na hindi nagko-copulate. Nasa Egypt ka, parang remote masyado ang lugar na kahit mag-ingay ka ay walang bearing, you only have clear sky and the stars, at alam mong malapit nang mag-end of the world dahil sa mga alien, papalampasin mo pa ba ang pagkakataon? Eh kung si Megan Fox ang girlfriend mo eh baka nga hindi ka na mag-college in the first place.

No comments:

Post a Comment