Saturday, June 06, 2009

Isang Bed Weather na Sabado

Wala lang, para catchy lang ang title. This has nothing to do with being naughty and stuff. Ayun, kahit maulan at mas masarap makinig sa Energy FM (hay, pangga!) habang nakahiga at nagbabasa ng libro ay lumabas pa rin ako ng apartment.

Around a little past 11 in the morning when I hit the road (puwede namang sabihin ‘to kahit commute lang, di ba?). Nag-Guadalupe Ilalim ako na jeep. Sa kahabaan ng JP Rizal, aba eh hindi ko maintindihan kung bakit hindi yata pumepreno si manong driver n’ung papalapit kami sa isang kanto. Nasa harapan pa naman ako nakaupo! Ayun, bumangga ang jeep sa isang bangketa at tumuloy pa sa isang jeep na papalabas ng kanto. Nawalan daw s’ya ng brake. It’s good na mabagal lang ang takbo. I almost backed out. I thought that this could be a premonition that I won’t enjoy the rest of the day, that I should just lie down in bed and cuddle my pillows.

Pero I went on to enjoy the following:

1. “Un Secret” sa French Film Festival, 12:30pm

Definitely a good way to start the film fest. Nagustuhan ko ang memoirs/not-another-haunting-film-about-Nazis na ito. Dito ko na nga nakalimutan ‘yung aksidente kanina sa jeep. I’ll just compile the Frechies to another blog. I won’t say a thing more about the film for now. Sa Shangri-la Cineplex pala ito ginawa.

2. “Baby Angelo” sa IndieSine, 3:00 pm



Just like “Un Secret”, I’ll just include this in my usual Movie Digest blog. I went to Robinsons Galleria from Shang by cab. I had 45 minutes to cinema-hop/mall-hop kaya di na ako sumugal mag-commute. Ang reward ko naman dito sa mall ay ‘yung Dulce de Leche na slice ng cake sa Red Ribbon. Plus brewed coffee (wow, one week yata akong nagkakape!). Nakita ko rin si Hubes sa isang escalator na parang nagmamadali pero di ko tinawag. Parang may dalang laptop bag.

3. Anticipated Mass at Edsa Shrine, 5:30pm



I know that I should have not included this in the list here. I just want to note that the recent turn of events in the Congress made me revisit this iconic church. The priest, though indirectly, mentioned about greed and that’s good enough for me to feed my spirit.

4. Longsilog and Halo-Halo Stop sa Halo-Halo Heaven, 7:30pm



From Robinsons Galleria, commute ulit. I took a bus to Cubao then walked through Farmer’s then Gateway. Nakita ko pa si Arian G kasama ang kanyang nanay. Nagmamadali raw ako. True. Since commute (LRT2 then lakad), hahanapin ko pa kasi ‘yung venue ng Blind Haikus sa kahabaan ng Xavierville. Di pala ganun kalapit ang 63-B na nasa tapat ng Belcap. I was sweating by then kahit na hindi mainit. Tapos nakita ko ‘tong Halo-Halo Heaven na maliit lang na resto pero sobrang cool ng mga posters nila. I tried their Batotaysilog which is just your usual longsilog. Galing pang Cabanatuan ‘yung sausage at pwedeng makipag-espadahan ang lasa sa Lucban longganisa. P90 lang ang isang serving. Dahil naintriga ako r’un sa halo-halo nila na “may surprise sa ilalim”, I tried it, too. As the poster claims, leche flan is home made tapos ‘yung ube ay Good Shepherd’s. Suwabe rin ‘yung yelo nila, Chowking quality at hindi ‘yung old school na parang nabubuo. P70 naman ang isang serving d’un sa malaking baso at parang P39 ‘yung maliit. Best part syempre ‘yung “surprise” na slices ng chewy pastillas de leche, complete with sugarcoat. Heaven nga!

5. “Blind Haikus” ng Actors' Pleygrawnd sa Tomato Bomb HQ, 8pm



Isa ito sa mga events na nalaman ko sa tulong ng Facebook. Met Emman dela Cruz there and we briefly talked about the event and affiliations. He knows Titus and glad that it sealed the movie addiction in us. Medyo maliit lang ang Tomato Bomb HQ. Kamukha ito ng ibang inuman na merong resto sa ibaba then another space sa itaas. Sa second floor ang recital. Isa itong rectangular space na nakapalibot ang mga upuan sa tabi. The center is obviously the stage. Walang fancy lighting maliban sa mga ilaw n’ung bar. Si Soliman Cruz na nasa audience ang nagdirek at kasali sa mga “graduating students” ang magkapatid na sina Nathan Lopez (of “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” fame) and his twin brother Gamy. Mga 20 to 30 people siguro kaming nanood. Mahirap i-describe kung ano ‘yung form ng performing arts ang pinakita nila. Minsan, para itong bahagi ng workshop kung saan isa-isang lalabas ang mga aktor at tatawa lahat, iiyak lahat, magiging lolo lahat at magsa-shagidi-shagidi-shapopo. In between these acts, there’s a short rendition of lines from the works of Pete Lacaba, Rolando Tinio and more. If there are short films, the renditions are probably the stage play equivalent. They also did intrepretations to some songs like Joey Ayala’s “Walang Hanggang Paalam” and the Beatles’ “All We Need is Love”. ‘Yan naman ang masasabi kong free verse in motion. All in all, I had a great time. Kakaibang adventure, bagong trip. To ufo workshoppers and mentors, kudos and break a leg on this new dimension.

More pics here and a video here.

No comments:

Post a Comment