Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Saturday, August 29, 2009
An Evening of (Good) Pop Music
ASAP Sessionistas Live!
Araneta Coliseum
August 28, 2009
There are those instances that you give in to guilty pleasures. This concert is, on personal note, one of them. I have been a follower of this little segment in ASAP called Sessionistas which features a mix of different music genres: MYMP, Duncan Ramos, Sitti, Nina, Richard Poon and Aiza Seguerra. Never mind their titles such as “Bossa Nova Queen”, “Asian Acoustic Sensation” and “Soul Siren” but I oddly enjoy their act.
So, last night, Sessionistas invaded Araneta Coliseum through a three-hour concert that was close to a jampack. It was an evening spent with pulsating pop covers and each artist was given a space to showcase their craft. It started with two numbers wherein the performers all shared the stage followed by three songs each from Richard then Aiza then another number from the group. Same sequence followed with Sitti and Duncan then MYMP and Nina then the group reunited again to cap the show.
I can’t remember all the songs but on top of my head, here’s what my memory can serve: Ne-yo’s “Miss Independent” sung by Duncan complete with a dance choreography, Sitti doing a hardcore samba song which made me awestruck for three minutes, Aiza’s fiery rendition of Eraserheads’ “Ang Huling El Bimbo” with a little help from a violin solo and Mike Villegas, MYMP singing an Alanis Morisette song and Paramore’s “That’s What You Get” (a surprise for me), Richard doing “Laklak” in a throaty rock star manner and Nina’s take on Lady Gaga’s “Poker Face” accompanied by acoustic piano.
They also did “production numbers” like the girls (excluding Aiza) doing (and wearing) another Lady Gaga song, “Just Dance”. Aiza, Richard and Chin of MYMP, on the other hand, did Itchyworms’ “Beer” to my delight. A surprise number came up when Gary V joined them on stage to do a beautiful rendition of “Di Bale Na Lang” and “’Wag Mo Na Sanang Isipin”. This time, Sessionistas were now playing a musical instrument each (i.e. Richard as a guitarist, Duncan and Aiza on percussions, etc.). But the surprise of all surprises came in the middle of OPM duets act. Aiza asked the music to stop and called on a guy that eventually proposed to his future wife. This was abruptly followed by Richard and Nina’s version of an old ditty “Hagkan”. The major gig ended with a medley of Michael Jackson songs.
I just realized after the concert that talents like Sessionistas should bar us from watching singing contests on TV. The experience was like watching a show done by different artists doing different themes. It was so good that you would even think they were competing. It’s just that they don’t need to be booted out because everybody was good on their own right.
Thursday, August 27, 2009
Anatomiya ng Isang Krimen
Kinatay
Direksyon: Dante Mendoza
Iskrip: Bing Lao
Sinematograpiya: Odyssey Flores
Paglalapat ng Musika: Teresa Barrozo
ISTORYA
Tumakbo ng halos 24 oras ang paglalahad ng kuwento ng pelikula. Nag-umpisa ang araw ni Peping (Coco Martin), isang criminology student, sa pagpunta sa munisipyo kasama ang kanyang kabiyak (Mercedes Cabral). Ipinakitang inihabilan muna nila sa kapit-bahay ang sanggol na anak bago sumakay ng jeep. Sa daan, isang eksena tungkol sa isang lalake na nais tumalon mula sa mataas na billboard ang kanilang nasaksihan. Lumipad ang POV ng pelikula mula kina Peping at dumapo sa ina ng lalake na nagsusumamo na sana ay bumaba na ang anak.
Ang sumunod na mga eksena ay nakalaan sa pagpapakasal ni Peping sa huwes at sa payak na wedding reception pagkatapos nito, mga eksenang naglalarawan ng galak, liwanag at pag-asa. Kinahapunan ay nasa classroom naman si Peping na walang pakialam sa lecture na binibigay ng teacher tungkol sa crime scene investigation. Sa katunayan, ang buong klase ay wala sa ayos. Dito na pinakitang nakatanggap si Peping ng text mula sa kaibigan tungkol sa operasyon na gaganapin sa gabi.
Nawala ang araw, pumasok ang dilim.
Ang nasabing operasyon pala ay isang sideline ni Peping sa pangongolekta ng kotong. Sa dulo nito ay pinakitang iniabot ni Peping ang bag na naglalaman ng pera sa kanyang kaibigang si Abyong (Jhong Hilario). Dito na nagkaroon ng offer para sa isang next-level operation na hindi tinanggihan ni Peping.
Ang buong gabi na habang lumalalim ay nagiging mas malagim. Isang has-been na pokpok, si Madonna (Maria Isabel Lopez), ang dinukot ng ilang kalalakihan at itinaling parang kakarnehing kambing sa loob ng van kung nasaan din sina Peping at Abyong. Isinagawa ito ng mga aninong nagtatago lang sa mga pangalang Chico, Kap at Sarge na pawang konektado o kasapi sa kapulisan. Ang sumunod ay isang nakakabagot na road trip palabas ng Metro Manila papuntang Bulacan. Ito ay sa kabila ng gising na gising na pagkabalisa ni Peping sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay.
Tinumbok ng van ang isang safehouse na, sa sobrang liblib, kahit sumigaw ang biktima ay walang makakarinig. Ipinakita rin na nagkaroon ng crossroads si Peping kung tatakasan ang nasadlakan o mananatili sa gravitational pull nito. Tila wala s’yang kawala. At dito’y nasaksihan n’ya ang pinakamadilim at pinakamalagim na pagtawid sa kanyang buhay: isang krimen.
Tumakas ang dilim, unti-unting pumasok ang bukang-liwayway.
Nagtapos ang pelikula sa isang epilogue kung saan nakatanim ang mga paa ni Peping sa dalawang magkaibang direksyon. Isusuka ba n’ya ang sistema o magpapalamon s’ya rito? Ang sagot na hindi man tahasang binanggit ay malinaw namang ibinigay.
ANG KRITIKO BILANG SI PEPING
Sa totoo lang, hindi ako pumalakpak agad matapos ipakita ang huling frame. Natameme ako at walang nasabi. Para kasing nakasaksi rin ako, first hand, ng krimen at ganito pala ang pakiramdam. Parang pagbukas ng ilaw ay isa na akong preso.
Maliban siguro sa iilang bahagi na mapapansin ang flaw ng editing (halimbawa, ang pagpasok ni Allan Paule, ang ninong sa kasal, sa sala ng judge ay medyo nabitin), masasabi kong pulido ang pagkakagawa ng pelikula. Wala akong maisip na ibang direktor na Pinoy na maaaring maipalusot ang ganitong antas ng pelikula sa paraang malinis, matalino at hitik sa atensyon. Maging kumpara sa “Serbis” ay naiangat ni Dante Mendoza ang kanyang sarili sa larangan ng paggawa ng pelikula. Mas clear cut ang kanyang vision sa “Kinatay” at halatang determinadong maiparating ang kanyang boses tungkol sa mga sungay ng lipunan. Kung ang hinahanap natin ay pelikulang nakahulagpos sa pantasya ng pangkaraniwang film language (melodrama, romantic comedy, feel good at nakakabobo), ito na siguro ‘yun.
Hindi puwedeng itanggi na ang direksyon ng pelikula ay nakaakbay sa realistic na cinematography nito. Wala akong nakitang peke o pretentious sa pag-iilaw. Maging ang absence ng kinakailangang ilaw (ang kalahati ng pelikula ay naganap sa gabi) ay nagamit nang ayon sa konteksto at nasa riles ng pananaw ng direktor. Dito masusubok kung hanggang saan ang kakayanin ng mga mata na nasanay sa mga pelikulang mainstream.
Nakatulong din ang non-acting mula sa mga artista ng pelikula. Si Coco Martin, sa murang edad, ay wala nang kailangan pang patunayan bilang isang aktor. At hindi s’ya natapilok sa “Kinatay”, bagkus ay lumutang pa. Nadala n’ya ang POV ng manonood nang walang kulang o labis. Kapuri-puri rin ang iba pang mga nagsiganap mula kay Maria Isabel Lopez hanggang kay Mercedes Cabral. Bagamat hindi nakasentro sa kanila ang materyal ay naibigay naman ang kapusyawan ng kulay na hinahanap sa isang itim na obra. Kung tutuusin ay sa aspeto pa lang ng kabawasan, kung hindi man kawalan, ng babaeng bida sa pelikula ay isa nang masasabing paglihis sa mold ng Philippine cinema. Nararapat ding banggitin ang mga pangalan nina Jhong Hilario, Julio Diaz, John Regala at Lauren Novero dahil ni isa ay wala akong nakitang kapuna-puna sa kanilang execution.
Sa kabila ng kahusayan ng mga aspetong nabanggit sa itaas, ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang musical score ng pelikula. Wala pa akong napapanood na pelikulang Pinoy na ganito kataas ang sensibilidad pagdating sa paglapat ng musika. Lahat ng naririnig na awit ng manonood ay ayon sa nararamdaman ng central na karakter na si Peping. Kung masaya s’ya, isang novelty/dance song ang maririnig. Kung romantiko (sa loob ng jeep kasama ang kabiyak), isang awit naman ng pagsusumamo mula sa radyo. At sa panahon ng takot, pagkabalisa at pagkasukol, isang nakakapanindig-balahibo na instrumental lang ang maririnig.
KONKLUSYON
Kung tema rin lang ang pag-uusapan, siguro ay mas satisfied ako sa “Serbis”. Para sa akin, sa dami ng mga nakalutang na elemento rito, mas challenging itong gawin. At mas merong puso. Pero siguro ay ganun talaga ang “Kinatay”. Itinuturing niyang patay ang manonood upang buhayin at maging vigilant sa katotohanang ang mundong ito ay hindi ligtas. Ganito rin siguro ang katotohanang nasumpungan ni Peping sa aking paboritong eksena sa pelikula. Sa kanyang pagkaidlip sa loob ng taxi, dahil sa pagod at puyat, ay biglang nagising dahil sumabog ang gulong. Dali-dali n’yang kinapa ang baril sa loob ng kanyang bag hindi lang upang siguraduhin na hindi ito ang pumutok kundi upang tanggapin din sa sarili na ang lahat ay hindi panaginip lang.
PAHABOL
Sa dami ng nais pang makanood, uulitin ng Adobo Magazine ang pagpapalabas ng "Kinatay" sa September 8 (Martes) sa Cinema 2 ng Greenbelt 3. Merong cocktails ng 6pm at 7pm naman ang showing. Tumawag sa 8450218 o 3846566 para sa reservation ng ticket (na sulit sa P300).
Wednesday, August 26, 2009
Ang Tatlong Dulang Muntik ko nang Makalimutang I-blog
N’ung August 15 – 16 na weekend, sinagad ko na naman ang libog ko sa panonood ng play. For the record ay pinatos ko ang tatlong dula sa loob lamang ng dalawang araw. Kung bakit, hindi ko alam. Kung bakit ngayon ko lang naisulat, mas lalong hindi ko alam.
First stop ang Filipino translation ng “Lulu” na isinulat ni Frank Wedekind. Dulaang UP ang bumanat. Tungkol ito sa isang babae, si Lulu, na object of desire ng mga kalalakihan. At hindi s’ya basta-bastang object. Kumakapit ang kanyang alindog sa sistema ng sinumang naghangad nito at bumabalot sa katauhan hanggang kaluluwa. Dalawa lang ang maaaring puntahan ng kawawang biktima: pagkabaliw o kamatayan.
Sa mga nakanood na ng mga obra ni Nonon Padilla, medyo pamilyar na ang pagkakadirek ni Dexter Santos sa “Lulu”. Symbolic ang ilang movements na ang purpose primarily ay patingkarin ang naratibo ng dula. Ginamit din ang ilang bahagi ng payak na stage upang maging hagdan, hukay, upuan at kung anu-ano pa. Sa Filipino (meron din itong English version), wala akong matandaang lubos na umangat sa mga artista. Para sa akin ay pantay-pantay sila at walang sumapaw o nasapawan. Hindi na rin ako nagulat na dahil sa tema ng dula ay naglipana ang walang patid na hubaran. At nagamit naman ito nang maayos at sagrado.
Kinabukasan ay sumugod naman ako nang pagkaaga-aga sa CCP para habulin ang “Apples from the Desert” ng Tanghalang Pilipino. Isinulat ang dula ni Savyon Liebrecht, isang Israeli na ipinanganak sa Munich, Germany. Tumalakay ang dula sa isang pamilya sa Israel na nakikipag-patintero sa supresyon at paglaya sa pagitan ng ama at kanyang asawa at anak.
Isa lang ang naisip ko sa buong pagtatanghal, si Wilfrido Ma. Guerrero. Ganitong ganito ang mga temang kanyang paboritong talakayin. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit madaling kumapit ang mga karakter sa Pinoy audience. Medyo nakakailang lang ‘yung paggamit ng multimedia sa pagpapakita ng mga eksenang pisikal na hindi saklaw ng stage. Para itong isang pag-concede sa kahinaan ng teatro. On the contrary, bumenta naman sa akin ‘yung pinakamatapang na babaeng karakter na isang kuba. Ginamit s’ya ng playwright bilang oxymoron.
N’ung kinahapunan din ay ratsada naman sa PETA Theater Center sa Quezon City para sa “The Three Penny Opera” nina Bertolt Brecht at Kurt Weill na idinirek ni THE Anton Juan para sa World Theater Project. Isa itong musical, sikat na musical, tungkol sa isang rascal na pamoso sa underbelly ng lipunan. Kapiling n’yang umangat, bumagsak at umangat muli ang mga kriminal, pokpok, pulubi at kung anu-ano pang kasamaan at utot sa London.
Ang pinakapopular na piyesa sa dula ay ang “Mack the Knife” na inawit ni Ricci Chan, isang cabaret singer, sa pagtaas ng telon. Marami pang role si G. Chan dito at minsan ay nagmumukhang palabas na n’ya ito. In general, naaliw naman ako sa pagkakadirek ni THE Anton Juan sa musical. Sisiw rin pala sa kanya ang mga ganitong genre. Ito rin ang unang pagkakataon na na-introduce ako sa music ni Kurt Weill. Ang puna ko lang ay ‘yung hinog sa pilit na pagsisingit ng anti-PGMA propaganda sa dula. Wala akong reklamo sa komentaryo pero most of the time ay wala naman sa konteksto. Mas pipiliin ko pa rin sana kung nanatili sila sa orihinal na hubog ng dula.
Sa tatlong dulang ito, merong common denominator. Ito ay ang German connection nina Wedekind, Liebrecht at Brecht. Pero for sure, wala namang kinalaman ang pagiging German nila sa pagkalimot ko kung bakit ngayon ko lang ito naisulat.

Sunday, August 16, 2009
Movie Digest # 062
PUBLIC ENEMIES
Glorietta 4, Cinema 7, July 27, 7:25pm
It’s some sort of a film bio for John Dilinger (played by Johnny Depp), a notorious bank robber during the 1930s America. To give weight to the material’s tale of infamy and mischief, another character is introduced in the form of Melvin Purvis (played by Christian Bale). What follows is a tale of cat and mouse, done in the same guerilla filmmaking-like manner previously seen from Michael Mann’s works like “Collateral” and “Miami Vice”. If not for a bland acting from Mr. Depp (here’s wishing for him to stick to his guns on playing twisted characters) and a forgettable delivery from Mr. Bale, I would appreciate the film. Perhaps the film’s best part is watching Marion Cotillard do a Hollywood film with aplomb.
Friends who might appreciate it: Our dear president.
ADVENTURELAND
Glorietta 4, Cinema 4, July 27, 10:15pm
If there’s one film that we can call this decade’s closest homage to Woody Allen films, sans the satire, this must be it. It tackles a budding romance between a geeky guy (Jesse Eisenberg) and too-good-to-be-true pretty lass (Kristen Stewart), set during one summer in a theme park. Speaking lines are crisp and realistic; acting is subtle (including a support from Ryan Reynolds) and direction is OK.
Friends who might appreciate it: This is an understatement and bizarrely humorless, fans of Bella.
G.I JOE (THE RISE OF COBRA)
Glorietta 4, Cinema 3, August 7, 9:30pm
The problem with Stephen Sommers’ “G.I. Joe” is that it doesn’t have the usual three-part storyline. It starts and ends in the middle, which is basically the tug of war with the briefcase containing nanomite bombs. And the poor acting didn’t help either considering that the film boasts of impressive cast that includes Christopher Eccleston, Jonathan Pryce and Dennis Quaid. For me, its only saving grace is the edge of your seat action sequence shot in Paris.
Friends who might appreciate it: The 80’s babies, who else?
LAST VIEWING
Robinsons Galleria, Cinema 8, August 9, 7:00pm
Press released as Janice de Belen’s comeback project, the film attempts to profile a sad and emotionless crematorium supervisor. Beyond the distinction of being the first female for such job, she has a lot of evils to confront. She has issues with her dad who passed away, she lost her autistic daughter somewhere in Baclaran and she’s unfeeling towards the people she interacts with. Nevertheless, after two hours of screening time, everything is painfully settled in the end. The material is actually impressive. I like it to be dark and the whole shebang requires a dose of underacting. I just don’t see the play on Janice’s side, particularly her vision on how to go over the role. Past that, I appreciate the film.
Friends who might appreciate it: Fans of the original “Flor de Luna”.
AND I LOVE YOU SO
Power Plant Mall, Cinema 3, August 14, 4:50pm
This film’s another proof that Star Cinema still banks on formula. Too bad that the effort is clearly there to undertake complex themes on death and moving on. When can we get away with cheesy ending? Acting is serviceable from the main cast to support but being Star Cinematic just ruins almost everything.
Friends who might appreciate it: Mel Fule, bar none.
THE PROPOSAL
Power Plant Mall, Cinema 5, August 14, 7:30pm
Now if there’s such thing as Star Cinema ending, there’s also a Hollywood ending. Where else can we copy it? The film tells a story of two opposing poles. One, a “Devil Wears Prada”-like boss and the other, a budding and hungry editor. Their worlds collide when an incident forces them to get married amidst the indifferences. It’s very, very predictable and supposedly cute. For sure, I’ve seen something like this before. I just want to single out one scene wherein the two characters are quietly opening up while trying to sleep separately. It was a bird’s eye view shot and all you can hear aside from the whispering is the sound from the fireplace.
Friends who might appreciate it: Neo Baquing, bar none.
THE HANGOVER
Power Plant Mall, Cinema 6, August 14, 10:15pm
No contest, the film is superiorly good. First, I like the treatment that what happened during the night was only told and resolved on the next day. It respects the sensibility of its audience by providing the morning after with a lost tooth, a tiger in the kitchen, a baby and a missing groom. It didn’t give in to the usual adult male slapsticks. For a film of that genre, it’s very talky. And I love it that way. A must-watch.
Friends who might appreciate it: Prolly all my drinking buddies during one weekend away in Lobo, Batangas.

Thursday, August 06, 2009
Si Tita Beth
Tinext ko si Tita Beth kagabi. Nagulat s’ya. Na-surprise. ‘Yan ang ‘saktong text n’ya, na-surprise s’ya. Ako rin naman, hindi pa rin ako sanay na nandito na nga s’ya sa Pinas. Wala na yata s’yang planong bumalik sa Germany. Kinumusta ko kung anong dinner nila sa Calauag na sinagot naman n’ya ng “yanong sarap na pansit bihon”.
Three years ago, nakilala ko si Tita Beth through our highschool alumni Yahoo group. Taga-Batch ’65 s’ya at koboy na koboy. Dahil na rin nasa Utrecht (Netherlands) ako n’un at s’ya naman ay naninirahang kasama ang pamilya sa Munich, isang weekend ay nakipag-EB ako.
Patpatin s’yang babae, siguro ay hanggang balikat ko, nakasalamin at may konting puti na ang buhok. Hindi na siguro kinailangan ng mahabang kilatisan o pakiramdaman. Nagkasundo kami agad. Ayun, ipinasyal n’ya ako sa downtown Munich (taga-Dachau talaga sila) at sa Salzburg sa Austria kasama ang anak na si Hiyas (na puwedeng ihanay kay Nicole Scherzinger) at kasintahan nitong isang Korean. Karaniwang inuubos namin ang oras sa pagbibiyahe sa train sa kwentuhan at daldalan. Halos narating na yata namin ang lahat ng dulo ng family tree ng mga angkan sa aming bayan sa Lopez. Sa kanilang bahay na rin ako nakitulog at nakikain. Doon ko na nakilala ang kanyang mister na si Tito Rainer, isang German na mahilig sa birdwatching.
Naulit pa ng dalawang beses ang pagbisita ko sa Munich. Kahit si Tito Rainer ay nagugulat na nagkakasya ako sa isang weekend na pamamasyal habang tinitiis ang mahabang trip sa night train. Isa na siguro sa memorable naming adventure sa mga pagbisitang ito ay ang paghahanap ng puntod ng direktor na si Rainer Werner Fassbinder. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, hindi talaga s’ya tumigil sa paghahanap ng nawawalang kapilya dahil alam n’yang gustong gusto ko itong makita. Hindi rin nawala ang pagtitiwala n’ya sa akin, sa kakayanan ko sa aking karera at sa naiibang talent sa Amazing Race (hindi s’ya makapaniwalang naikot ko ang Deutsches Museum sa loob ng isang oras!). Sa pag-aalaga ni Tita Beth at sa lahat-lahat, para na rin akong nakatisod ng pangalawang nanay sa Europa.
Nag-decide si Tita Beth (at Tito Rainer) na mag-stay na lang sa Pilipinas matapos ang matagal na pananatili sa Germany. Kung hindi ako nagkakamali, base sa edad ni Hiyas, ay halos 20 taon siyang “hindi Pilipino”. Malamang ay binili nila ‘yung pangarap ni Tita Beth na isang bahay na malapit sa isang beach sa Calauag.
At dito na niya itinuloy ang naunsyaming pagka-Pinoy. Nakakagulat lang na merong taong sobrang sabik maging local muli. Kokonti lang siguro ang mga kababayan nating binibigyan pa ng option ang bumalik sa Pilipinas matapos ang matagal na pamamalagi sa ibang bansa sa paghahanap ng kaginhawahan. Sino ba naman ang nais balikan ang isang lugar na walang kasiguraduhan at ang bukas ay aandap-andap ang liwanag?
Sa aming pagpapalitan ng text, tinanong n’ya kung pasado na raw ba ang kanyang Pinoy text lingo. Sabi ko ay pasadong pasado. Baka nga mas Pinoy pa s’ya sa iba. Nagpaalam s’ya agad dahil manonood pa raw s’ya ng “Tayong Dalawa”. Muli ay ibinandera n’ya ang kanyang pagiging “in”. Sumagot na lang ako na sana ay bumait na si Ramon.
Monday, August 03, 2009
Bagoong Clubbers In Da House!
Clockwise from the Bagoong Club logo: singkamas with bagoong, sisig, bagoong rice, crispy pata binagoongan, sinigang na salmon belly sa miso at bagoong and ukoy. More pictures here.
Since it's the fly-back season again for some of the DTO Manila Mafia peeps, it's a must that a little chikahan session be done over dinner. It's some sort of our version of SONA less the serious stuff and the bad hair day part. We also have our share of hitlist and da who items. Last time we did this was probably early this year at a pepper steak house in Glorietta 5.
We chose Bagoong Club this time for some reasons: somebody suggested that the food's great, it's in QC (north, for a change) and it's a place where we can laugh our lungs out. For directions on how to reach the place and for the complete price listing, check out the restaurant's website at bagoongclub.multiply.com.
Out of the bagoong-inspired dishes we've tried, I love Sinigang na Salmon Belly sa Miso at Bagoong the most. Soup is thick, has the goodness of traditional sinigang broth and with a little surprise that bagoong is hiding somewhere. Crispy Pata Binagoongan is as sinful as Quezon Ave and should therefore be bowled over in moderation. Ukoy, on the other hand, is a surprise. It's not served in the usual flour-coated cake style but more of a tossed up deep fried thinly sliced sweet potato (a la Piknik) and shrimp. Their version of sisig is a tad saucy with a dash of mushroom bits. Just be careful with the fatty crumbs.
The place, a residential turned into restaurant, is homey enough for the five of us (Leah, Jen, Allan, Jonard and I) to mark the evening with tales of bloopers, mishaps, violent reactions and simple joys. We won't be seeing each other for another couple of months but for sure, we're going to laugh again over the same set of stories with a different menu and in a different venue.
Saturday, August 01, 2009
Mga Kamalayan at Alaala ng Cinemalaya 2009
Tinuldukan na ang Cinemalaya last weekend at isang taon na naman ang hihintayin para sa susunod. Parang ambilis ng isang linggo para sa isang film festival pero ganun talaga. Merong hangganan, merong dulo. At kailangang mag-move on. To effectively do this, memories must be kept somewhere so that along the way, it wouldn’t be that sad.
Maraming ‘pinakita ang mga entries this year. Naghubad ang mga baguhang filmmakers at nagpakita pa ng kaluluwa. Hindi man kasing igting o kasing giting ng Cinemalaya 2007 (absent akosa Pinas last year), marami silang ipinamanang kamalayan at alaala. Heto ang sampung mga eksenang hanggang ngayon ay ayaw akong iwanan:
1. Ang manunulat sa “Colorum” na matapos makatagpo ng matandang karakter ni Lou Veloso ay pinili pa ring magpakamatay. Ang POV ay nasa likod ng isang cliff at parang malapit nang gumabi pero hindi poetic ang sunset. Ipinakitang tumalon ang manunulat. Cut to the sea. Sa kalmadong dagat ay umahon ang isang bigo na tapusin ang kanyang buhay. Nang makitang muli ng manunulat ang langit, ipinakita na overflowing ang kaligayahan sa kanyang mukha. Ganitong ganito siguro ako kapag nakakanood ng isang magandang pelikula;
2. Binisita ng bidang nagbibinata sa “Nerseri” ang kanyang kuya sa isang rehab. Tahimik ang eksena at simple lang ang anggulo. Pinakitang kumakain ang kuya at pakonti-konting nakikipag-usap. Sa kapayakang ito, ramdam na ramdam ang pagkalungkot ng dalawa. Sa isang beat ay dinampot ng mas nakakabata ang tissue at ipinahid sa bibig ng kanyang kuya. I was reminded of one scene in the film “Finding Neverland” where Johnny Depp is seen talking to a kid. Sinabi ni Mr. Depp na sa ganitong pagkakataon ay dapat daw tinatandaan dahil ito ang magse-separate ng innocence sa maturity;
3. Sa “Boy”, allegedly romantic ang love scene sa pagitan ng “Young Boy” at “Interpretative Dancer” na ikinahon ng camera sa isang aquarium na well lighted at maraming isda. Habang merong nagse-sex sa kalahati ng frame sa ibaba, sa itaas naman ay merong mga isdang nagpapasikot-sikot. It enhances the dreamy/fantasy aspect that the scene requires;
4. Nadurog yata ako r’un sa eksenang tumulo ang luha ni Jaclyn Jose sa “Nerseri”. Nangyari ito matapos ipakita through a tight shot na sinusundot ni Ms. Jose ang ilang “seedling” ng orchids mula sa isang bote at inilatag ang ilan sa lamesa. Magandang metaphor para sa isang inang pinapasan ang dilemma ng mga anak na may samu’t saring problema;
5. ‘Yung pagsasadula ng tribe ritual sa “Mangatyanan” ay memorable din. Ang gumanap na ama sa ritual ay may issue sa kanyang anak na, as part of the staging, ay itinaling parang kambing sa isang kahoy. Ang bidang babae sa pelikula, na nagko-cover ng ritual bilang photographer, ay may issue rin sa kanyang amang umaabuso n’ung s’ya ay bata pa. Sa ritual, mula sa kung saan ay pinalo ng ama ang ulo ng kanyang anak. Cut to the facial expression of the female lead character. Ang galing!;
6. Statement ang huling eksena sa “Baseco Bakal Boys” kung saan ang bidang batang lalake ay ‘pinakitang lumalangoy papunta sa isang tunnel na parang walang dulo. Ang buong araw n’ya ay naubos sa paghahanap sa kaibigang hindi na nakitang lumutang sa dagat matapos ang isang metal diving session. Kakarampot lang ang kanilang kinita at ang kanyang ipon ay ibinigay n’ya sa kanyang mga magulang upang merong makain. The ending scene leads to the film’s vision to impart that in poverty, death is sometimes a relief;
7. Simple lang ‘yung eksena sa “Nerseri” sa isang sementeryo na merong dalawang bata na naglalaro ng football. Nothing special really. Pero kapag naisip mong ginagawa nilang escape ang sementeryo upang makalayo sa “ingay” ng kanilang buhay, dito na nagiging malalim. For instance, ang bidang batang lalaki ay nalulunod sa responsibilidad na alagaan ang mga elder sibling. Marami pang eksena na pabalik-balik sa sementeryo ang nasabing character upang huminga at mag-regain ng lakas;
8. Bago matapos ang pelikulang “Dinig Sana Kita”, ipinakita ang reunion ng deaf character/dancer played by Rome Mallari at ang kanyang ina na umiwan sa kanya n’ung bata pa. Sa halip na mag-resort sa madramang eksena ang pagtatagpo, isinadula na lang ito by showing the mother, also a dancer, perform on stage. Talking about subtlety;
9. Artsy para sa akin ‘yung pagkaka-frame ng death scene ni Osang sa “Aurora”. Muted ang kulay at halos ‘yung pagkapula lang ng dugo ang naka-highlight. In contrast ang dead body sa buhay na buhay na agos ng ilog. Parang andaming gustong sabihin ng shot tungkol sa journey na kinaharap n’ya sa gubat; at
10. Gripping. ‘Yan ang conclusion ko sa huling sequence sa “Engkwentro”. Inubos ng bidang karakter, si Felix Roco, ang ilang oras ng kanyang buhay para ibuhol ang mga issues sa paligid n’ya bago n’ya ito iwanan. Ang balita kasi ay s’ya na ang nakatakdang itumba ng mga vigilante dahil isa s’yang social dirt. Isa sa mga multo na kanyang kinaharap ay ang tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na nais n’yang ilihis sa landas na kanyang pinasok. Sa matinding desire to settle things up, kailangang lumabas ng bida sa kanyang teritoryo. This is where tragedy strikes him. Ang dalawang gunshot sa dulo ng pelikula ay pumasok sa aking sistema. Tingin ko, may dalawang bullet na nagtatago sa ilalim ng utak ko ngayon. Hindi naman siguro masyadong halata na “Engkwentro” ang personal favorite ko sa mga entries this year.