Wednesday, August 26, 2009

Ang Tatlong Dulang Muntik ko nang Makalimutang I-blog

N’ung August 15 – 16 na weekend, sinagad ko na naman ang libog ko sa panonood ng play. For the record ay pinatos ko ang tatlong dula sa loob lamang ng dalawang araw. Kung bakit, hindi ko alam. Kung bakit ngayon ko lang naisulat, mas lalong hindi ko alam.

First stop ang Filipino translation ng “Lulu” na isinulat ni Frank Wedekind. Dulaang UP ang bumanat. Tungkol ito sa isang babae, si Lulu, na object of desire ng mga kalalakihan. At hindi s’ya basta-bastang object. Kumakapit ang kanyang alindog sa sistema ng sinumang naghangad nito at bumabalot sa katauhan hanggang kaluluwa. Dalawa lang ang maaaring puntahan ng kawawang biktima: pagkabaliw o kamatayan.

Sa mga nakanood na ng mga obra ni Nonon Padilla, medyo pamilyar na ang pagkakadirek ni Dexter Santos sa “Lulu”. Symbolic ang ilang movements na ang purpose primarily ay patingkarin ang naratibo ng dula. Ginamit din ang ilang bahagi ng payak na stage upang maging hagdan, hukay, upuan at kung anu-ano pa. Sa Filipino (meron din itong English version), wala akong matandaang lubos na umangat sa mga artista. Para sa akin ay pantay-pantay sila at walang sumapaw o nasapawan. Hindi na rin ako nagulat na dahil sa tema ng dula ay naglipana ang walang patid na hubaran. At nagamit naman ito nang maayos at sagrado.

Kinabukasan ay sumugod naman ako nang pagkaaga-aga sa CCP para habulin ang “Apples from the Desert” ng Tanghalang Pilipino. Isinulat ang dula ni Savyon Liebrecht, isang Israeli na ipinanganak sa Munich, Germany. Tumalakay ang dula sa isang pamilya sa Israel na nakikipag-patintero sa supresyon at paglaya sa pagitan ng ama at kanyang asawa at anak.

Isa lang ang naisip ko sa buong pagtatanghal, si Wilfrido Ma. Guerrero. Ganitong ganito ang mga temang kanyang paboritong talakayin. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit madaling kumapit ang mga karakter sa Pinoy audience. Medyo nakakailang lang ‘yung paggamit ng multimedia sa pagpapakita ng mga eksenang pisikal na hindi saklaw ng stage. Para itong isang pag-concede sa kahinaan ng teatro. On the contrary, bumenta naman sa akin ‘yung pinakamatapang na babaeng karakter na isang kuba. Ginamit s’ya ng playwright bilang oxymoron.

N’ung kinahapunan din ay ratsada naman sa PETA Theater Center sa Quezon City para sa “The Three Penny Opera” nina Bertolt Brecht at Kurt Weill na idinirek ni THE Anton Juan para sa World Theater Project. Isa itong musical, sikat na musical, tungkol sa isang rascal na pamoso sa underbelly ng lipunan. Kapiling n’yang umangat, bumagsak at umangat muli ang mga kriminal, pokpok, pulubi at kung anu-ano pang kasamaan at utot sa London.

Ang pinakapopular na piyesa sa dula ay ang “Mack the Knife” na inawit ni Ricci Chan, isang cabaret singer, sa pagtaas ng telon. Marami pang role si G. Chan dito at minsan ay nagmumukhang palabas na n’ya ito. In general, naaliw naman ako sa pagkakadirek ni THE Anton Juan sa musical. Sisiw rin pala sa kanya ang mga ganitong genre. Ito rin ang unang pagkakataon na na-introduce ako sa music ni Kurt Weill. Ang puna ko lang ay ‘yung hinog sa pilit na pagsisingit ng anti-PGMA propaganda sa dula. Wala akong reklamo sa komentaryo pero most of the time ay wala naman sa konteksto. Mas pipiliin ko pa rin sana kung nanatili sila sa orihinal na hubog ng dula.

Sa tatlong dulang ito, merong common denominator. Ito ay ang German connection nina Wedekind, Liebrecht at Brecht. Pero for sure, wala namang kinalaman ang pagiging German nila sa pagkalimot ko kung bakit ngayon ko lang ito naisulat.

No comments:

Post a Comment