Total Pageviews

Saturday, September 05, 2009

Gamot sa Pagkalimot


Kanser
Produksyon: Gantimpala Theater Foundation
Direktor: Adriana Agcoili
Mandudula: Jomar Fleras (hango mula sa “Noli Me Tangere” ni Dr. Jose Rizal)
Mga Nagsiganap: Jao Mapa (Crisostomo Ibarra), Melisa Reyes (Maria Clara), atbp.

Isa na siguro sa mga perks n’ung minsanang pagkakabili ko ng painting ni Jao Mapa ang ilang passes sa movie premier nights at kung ano pang events. Best example na itong complimentary ticket ko para sa “Kanser” na ginawa sa AFP Theater. At hindi naman ako nagrereklamo kahit na napanood ko na ang isang lumang version ng dula na pinag-Ibarrahan ni Neil Ryan Sese.

Base sa unang bersyon na napanood ko, wala namang significant na update sa dula. Siguro, sa blocking at ilang gimik pero hanggang d’un lang. Kahit sa pagkakadirek ay hindi umilaw ang genius bulb para sa akin. Maliban siyempre sa isang tableux sa dulo kung saan sa pagtugis ng fugitive na si Crisostomo Ibarra ay humarap sa audience ang heneral at binaril ang tao. “Fuego!” At sumambulat ang dugo sa kurtina ng entablado mula sa audio-visual projector.

Struggle kay Jao ang maglitanya ng ilang linya sa Filipino pero pasado naman. Hindi n’ya rin kasi malagyan masyado ng ad-lib kamukha ng ginawa ni Dante Balois sa kanyang Pilosopo Tasyo. Sa isang eksena na nakikipaglaro ang matanda kina Crispin at Basilio ay huminto muna s’ya upang tanggalin ang tsinelas dahil sabi n’ya ay sagabal lang ito. Para sa akin, ang tingin kong kumpleto ang rendition ay sina Manolet Concepcion bilang Padre Damaso at April Anne Dolot bilang Doña Victorina. Ang slutty interpretation ni Hazel Orencio sa karakter ni Doña Consolacion ay memorable din.

Pero maraming odd sa “Kanser” ngayon. Una, first time kong makakita ng totoong aso sa stage. Akala ko n’ung una ay umeepekto lang ang gamot na ininom ko pero hindi pala. Lumabas ulit ang aso n’ung curtain call. Ikalawa, akala ko ay si Lou Veloso ‘yung gumanap na Don Tiburcio. Kuhang kuha kasi ang nuances at delivery ng mahusay na aktor. Hindi ko alam kung sinasadya ito ni Niesty Lopera. At ikatlo, sa montage ng visual na nagpapakita ng pag-aaklas ng taong-bayan, isang eksena ang ginamit na pamilyar na pamilyar sa akin. Ito ‘yung merong silhouette ng mga taong naglalakad at nakasakay sa karitela habang nilalamon ng apoy ang sugarcane plantation sa likod. Oro, Plata, Mata!

Hindi na masyadong mahalaga kung na-entertain ako sa “Kanser”. I guess, ang importante ay ‘yung message na naibahagi nito sa akin at sa lahat ng mga high school students na nanood noon. Maraming reminder d’yan sa tabi-tabi tungkol sa pagsugpo sa sakit na nakamamatay pero hindi mamatay-matay. Ang pagpanaw ni Cory Aquino, for instance, ay isang tubig sa bukal sa disyerto ng opresyon at korupsyon. Nandyan din ang ilang advocacy kamukha ng Ako Mismo at ilang t-shirt design na nagpapaalala ng ating pagka-Pinoy (at kakulangan nito). Pero the best pa rin ang magbalik-tanaw sa mga akda ni Dr. Jose Rizal katulad ng “Noli Me Tangere”. Nakakagulat lang na wala namang nasugpo sa sakit na kanyang tinalakay noon. Year 2009 na ngayon at wala na akong statistics na kailangang idagdag upang panindigan ito. Siguro ay lubos na malilimutin lang talaga ang ating lahi.

1 comment:

kutitap said...

Maraming salamat po sa comment. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...