Total Pageviews

Friday, September 18, 2009

MMK Presents…. Librarian Glasses


In My Life
Direksyon: Olivia Lamasan
Iskrip: Olivia Lamasan, Raymond Lee at Senedy Que
Mga Nagsiganap: Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano

ISTORYA

Masasabi kong madaling mainitindihan ang isang pelikula kapag madali mo itong i-storytell sa mga kapit-bahay mo o mga kaibigan. Ganyan ang kaso ng ilang mainstream melodrama natin na para ka lang nakikitsismis sa buhay ng ibang tao. At ganyan din ang kaso minsan kapag gusto mong i-share ang isang movie na too artsy o masyadong poetic, napakahirap bumuo ng salita. Sa ganitong mold tumagal ang Maalaala Mo Kaya? (na mas sikat ngayon bilang MMK) ng ABS-CBN nang 18 years. Uumpisahan sa isang bagay (halimbawa, tsinelas) at uusbong mula rito ang isang kwentong hango sa totoong buhay na maaaring kwento mo rin o ng mga tao sa paligid mo.

Ang “In My Life” ay isang madaling kwento na maaari mong ikwento sa mga kapit-bahay o mga kaibigan. Tungkol ito sa isang babae, isang librarian, na nilamon ng kahapon at pabigla-biglang humaharap sa changes. Tungkol din ito sa isang ina na nakorner sa isang maling paniniwala na ang pagkakaroon ng maraming anak ay kasiguraduhan ng pagtanda nang may kasama. Nasa ganitong edge ang central character (Vilma Santos) nang napilitan s’yang pasukin ang mundo ng kanyang anak na bading (Luis Manzano) at ng kasintahan nito (John Lloyd Cruz).

VILMA MOVIE

Kahit saan pa lumiko at kumambyo ang movie (lagay ng mga OFW sa Amerika, ang pagiging taboo ng homosexuality, ang pagiging obsolete ng marriage sa Pilipinas, atbp.), hindi puwedeng itanggi na ang materyal ay na-conceptualize para kay Vilma Santos. Hindi naman ito nakakagulat. Sa industriya ay ganito talaga ang kadalasang kalakaran. Maging si Mother Lily at iba pang mainstream film producer ay guilty sa ganitong sistema.

Pero kumusta si Vilma sa movie?

Mixed ang reaction ko. Magaling s’ya r’un sa mga eksenang hindi n’ya kailangang umiyak kamukha n’ung sinabi n’ya sa doktor na s’ya ang ina ng pasyente o ‘yung mga eksenang ina-outwit n’ya ang kasintahan ng anak. Pero sa mga eksenang bumabaha na ang luha, nare-remind na ako ng mga dati at nakakasawang melodrama.

Sa mga support, hindi naman nagpatalo si John Lloyd Cruz. Swak na swak sa kanya ‘yung karakter na parang bulkang sasabog anytime. Forte n’ya ito. Ang problema lang, n’ung sumabog na s’ya, hindi ko na nakita ang karakter. Si Luis Manzano ay magaling d’un sa isang eksena na kailangan n’yang maglabas ng sama ng loob sa kanyang ina. Dito naging selyado ang notion na si Olivia Lamasan ay isang actor’s director.

Pero on top of that, may ilang eksena na merong effort. ‘Yung execution ng huling eksena ni Luis, maganda ‘yun. ‘Yung editing d’un sa kung paano nalaman ni Vilma ang tungkol sa sakit ni Luis, mahusay rin ‘yun. Ang pagpapakita na kumain ang mga karakter sa Gray’s Papaya, considered na best hotdog stand sa New York, ay suggestion na may taste ang nakaisip. Pero may ilan ding sumablay. ‘Yung pag-cast d’un sa artista na gumanap na Pamela ay parang sumobra naman. Ganun din ‘yung isang eksena kung saan naligaw si Vilma, lumabas sa isang station sa Harlem at pinakita sa isang corner ng frame na merong isang nagsasayaw ng… Harlem!

KONKLUSYON

Good melodrama ‘yung movie kung ikukumpara sa ibang pelikula na kaparehas ng genre. Kaya lang, masyadong angat pa rin ang vision na kumita ang movie at bigyan ng film vehicle si Vilma. Maging ang paggamit ng New York bilang location ay parang dagdag-pambenta lamang. Puwede namang nasa Metro Manila o Cebu ang mga tagpo. Sa kabuuhan, meron pa sana itong ilalalim. Puwede pa sanang gawing mas subtle at mas epektibo. Maging ang topic tungkol sa marriage of convenience ay isang magandang plot na puwedeng bigyan ng sariling buhay. Pero mukhang wala naman sa ganitong path ang mga gumawa ng pelikula. Ang final product ay isang tearjerker na papanoorin mo para lang sa face value nito.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...