Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Friday, September 18, 2009
Walang Kuwento Pero May Kuwenta
Maicling Pelicula Nañg Ysañg Indio Nacional
Direksyon: Raya Martin
Iskrip: Raya Martin
Mga Nagsiganap: Bodgie Pascua, The Barasoain Kalinangan Theater Group, atbp.
ISTORYA
Sabi nga sa title nitong entry, wala s’yang kuwento. Ang structure ay basically hinati sa dalawa. Ang una ay isang nakakabagot na “bed scene” na pinapakita ang isang mag-asawang nakahiga sa banig. Ang asawang babae ay tila hindi makatulog kaya’t ginising n’ya ang kabiyak upang magpakuwento at pinagbigyan naman. Ang second part ay isang series ng mga eksena n’ung turn of the century sa black and white. Wala itong direksyon, walang gustong ikuwento at walang ulo o buntot.
ALTERNATIBO
Ito na siguro ang best example ng isang alternative film. Walang kuwento kaya sabihin nating absent ang iskrip dito. Ang musical score ay sunud-sunod na mga kundiman at wala sa konteksto ng mga images. Ang naiwan lang marahil ay kung paano naidirek ang mga eksena at kung paano ito iginawa ng production design. Iniisip ko, ito siguro ang gustong sabihin ni Raya Martin. Parang, “Tingnan n’yo ako sa aking unang pelikula bilang direktor.” At sa aspetong ito ay elated naman ang kagalingan n’ya. Kahit na “silent film” ang series ng mga eksena, natural at mukhang totoong totoo ang pagkaka-execute. Sa tulong na rin ito ng mahusay na production design. Memorable para sa akin ang isang eksena kung saan nakatulala sa langit ang mga bata na nanonood ng eclipse.
KONKLUSYON
Sa tingin ko, ang point ng pelikula ay magbigay ng glimpse sa isang period na wala tayong sapat na documentation. Nire-remind siguro ang viewers na ganito ang lagay ng Pilipinas noong unang panahon. At siguro, kung may technology na tayo sa filmmaking n’ung panahong ‘yun ay ganito ang kalalabasan. Sa point din na ito na-justify ang estilong experimental ng pelikula. Umaasa lang ako na sana’y dumating ang maturity ni Raya Martin na makakapagkuwento na s’ya nang diretso. Naniniwala ako na ang promise ng kanyang sining ay deserving na maranasan nang mas marami.
No comments:
Post a Comment