Thursday, October 15, 2009

Paggunaw ng Kaalaman

The Age of Stupid
Direksyon: Franny Armstrong
Iskrip: Fanny Armstrong
Mga Nagsiganap: Pete Postlethwaite

ISTORYA

Isang documentary ang “The Age of Stupid” na tumalakay sa climate change. Nilagyan ng konting twist ang storytelling sa pag-uumpisa ng kwento sa taong 2055 kung saan nasa huling hininga na ang planet Earth. Isang matandang archivist, si Pete Postlethwaite, ang nag-browse sa mga old files at gustong alamin kung saan nagkamali ang tao.

Part ng archive ang ilang makukulay na kuwento ng pag-asa at pagkabigo: (1) isang young magnate sa India ang naghahanda sa unang flight ng kanyang airline business, (2) isang babaeng African ang nais mag-aral ng medicine dahil ang kanilang lugar ay sinalanta ng pagtatayo ng isang center ng Shell (Gasoline), (3) mag-asawang British na tinutulan ang paggamit ng wind turbine ng sariling community, (4) isang 82-year old na lolo na halos buong buhay ay nanirahan katabi ang Mont Blanc at (5) isang survivor ng hurricane Katrina.

KUNG HINDI TAYO, SINO PA?

Parang ang hirap punahin ng isang advocacy film kamukha nito. Mas sasabayan ko na lang ang kampanya ng filmmaker para maikalat pa nang mabuti ang propaganda tungkol sa climate change kesa pintasan ang pelikula kung meron mang kapintas-pintas. Ito ay sa kabila na rin ng ilang theory na baka naman hindi totoo ang climate change, na baka isa lang itong conspiracy theory though hindi ito ang piniling daan ng “The Age of Stupid”.

Ako, personally, malaki ang tiwala ko na malakas (at maliwanag) ang mensahe ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Mahirap tanggapin ang idea na weather-weather lang ito. At ang mga humihingang kwento sa documentary ay ilang pagpapatunay sa anumang kinakaharap natin ngayon. Scientific naman ang pagpapaliwanag ng pelikula tungkol sa ilang bagay na nakasanayan na natin kamukha ng emission na dulot ng mga eroplano, ang pagkawala ng yelo sa Alps at ang masaklap na kapalit ng consumerism.

KONKLUSYON

Paglabas ko ng sinehan, na-remind na naman ako ng pwede kong magawa (o hindi ko nagawa) para iligtas ang kung anumang natitira sa atin ngayon. Ganito rin ang epekto matapos kong mapanood ang “Inconvenient Truth”, “The 11th Hour” o “Home”. Pero hindi ako natakot. Umaasa akong sa lifetime na ito ay hindi naman magtatanga-tangahan lang ang tao at iisiping parang wala lang ang mga signos. Isang pagpapatunay rito ang pag-encourage sa inyo na bisitahin ang website na www.notstupid.org upang malaman (at maging matalino) sa kung ano pang pwedeng magawa.

SIDETRIP

Biglaan lang 'yung invite sa akin sa film showing na sponsored ng Greenpeace sa Glorietta 4 nitong Martes. Thanks kay Jesse Villanueva (ang batang Playboy, hehehe). May ilang pictures dito.

No comments:

Post a Comment