Wala naman akong masyadong alam sa boxing. Or let me rephrase that. Wala akong alam sa boxing in the same manner na wala rin naman akong alam sa mga sex scandal dati (pero may sinabi ako sa isyu ni Hayden Kho). Gusto ko lang ulit mag-share ng mga naisip ko n’ung maging historic ang pagkapanalo ni Pacman n’ung isang linggo.
1. Ang pinaka-corny sa lahat: we should all strive to be doing our best. Ganyan ang nakita ko kay Pacquiao. May sense of faith s’ya, na tipong it’s all up to God kapag meron s’yang hindi na kaya. I guess merong magandang point dito. Just dig deeper;
2. Masarap maging kapangalan si Manny Pacquiao. Nakiki-ride talaga ako sa kasikatan n’ya. Pinatulan ko yata lahat ng status update sa Facebook na nagko-congratulate kay Pacman. Sabi ko, “thank you”. Umeepal lang. Minsan nga, sa Starbucks, n’ung tinanong ako ng isang female staff kung anong pangalan ko (para ilagay sa in-order kong kape), sumagot ako ng “Manny, as in Manny Pacquiao”. Napa-wow ang chikas. Sabi ko, mga one month akong sikat. Napangiti lang s’ya. Ang sumunod sa pila ko ay parang lolo na at may pangalang Erik. Sabi ng staff, “Ah, Erik Morales!”;
3. Ang yaman-yaman na lalo ni Pacman. Kung ako siguro ang mananalo, lilibutin ko ang buong mundo at hindi ako magpapatalo sa poker (though I understand na nakaka-high ding manalo). Pero ang sad note dito ay ang papalapit na eleksyon. Naaamoy ko na kung saan mapupunta ang kanyang premyo. Kung paano natin pinagbibigyan ang pagkanta ni Manny ng “Sometimes When We Tats” ay parang ganito rin ang luho na hinahayaan natin s’yang pumasok sa pulitika. Nakakalungkot lang mabahiran ng dumi ang isang bagay na malinis. Kung ako sa kanya, iha-hire ko na lang si Manny Pangaruy upang mag-take charge sa mga projects na pro-Filipino. In short, ayoko talagang maging congressman si Pacman. Tama na ang maging isang history. Well, kung si Snooky ay kakandidato, pipigilan ko rin s’ya;
4. Hindi ko masyadong maintindihan kung bakit parang na-shock ang mga Pinoy na merong Krista Ranillo ngayon. Na kesyo heto nga’t nagdala ng bacon si Pacman ay intriga naman ang ibinabato ng tao. Hindi ko lang gets. Alin ba rito ang nakakagulat? Ang isang personality na merong ganyan kataas na antas ng celebrity-dom eh magnet talaga ng kung anu-anong dirt. Nagsasalita ang fame dito na parang isang karinderyang bukas 24 oras. Marami talagang kustomer ang kakain. Ang analogy nga, though medyo malayo, ng isa kong kaibigang mahilig sa artista eh tingnan daw si Kris Aquino. Hindi lahat ay nasa kanya. In short, fair naman ang Diyos; at
5. Sinasabi ng mga akda ni Neale Donald Walsch, particularly ang “Conversations with God” series, na ang tao raw ay di na kailangang magdagdag ng kaalaman. Lahat daw ng pwede nating malaman ay nasa atin nang katawan at kailangan lang itong i-tap para lumabas. Very New Age ‘yung ideya at di ako magugulat kung Walsch fan si Pacman (tulad ko). Basta ang alam nating lahat, you know.
No comments:
Post a Comment