Saturday, November 28, 2009

Kanya-Kanyang London

Sweeney Todd (The Demon Barber of Fleet Street)
Produksyon: Repertory Philippines
Direktor: Baby Barredo at Michael Williams
Libretto: Hugh Willer (hango sa adaptation ni Christopher Bond)
Musika at Titik: Stephen Sondheim
Mga Nagsiganap: Audie Gemora, Menchu Lauchengco-Yulo, Franco Laurel, Marvin Ong, atbp.


ISTORYA

Inumpisahan ang musical sa pagbalik ni Benjamin Barker (Audie Gemora) sa London matapos ang mahabang panahon ng pagkakakulong. Sa kanyang dating tahanan ay nakilala n’ya ang may-ari ng meat pie shop sa ibaba na si Mrs. Lovett (Menchu Lauchengco-Yulo). Dito n’ya nalaman na ang kanyang asawa na nais balikan ay nagpakamatay at ang kanyang anak na si Johanna (Lena Mckenzie) ay nasa pangangalaga ni Judge Turpin (Roger Chua, na gumahasa sa kanyang asawa at dahilan ng kanyang pagkakakulong).

Mula sa revenge sa umabuso sa kanyang mga mahal sa buhay, nabuo ang tambalang Barker (na nagtago sa pangalang Sweeney Todd) at Mrs. Lovett. Dito nila isa-isang itinumba ang mga dapat singilin. Naging kumplikado ang lahat nang sumingit sa eksena sina Anthony (Franco Laurel, na naging kaibigan ni Sweeney Todd at na-in love kay Johanna) at Tobias (Marvin Ong, isang paslit na maagang namulat sa maling halaga ng buhay).

KUWENTONG BARBERO

Sobrang mataas ang expectation ko sa musical, salamat sa mga nabasa kong paunang rebyu. At hindi ito kuwentong barbero sa ilang bagay. Halimbawa, given na ang performance na ipinakita nina Audie Gemora at Menchu Launchengco-Yulo. Without having seen the play yet, alam ko na kung anong meron (hindi ko alam kung compliment nga itong matatawag). Pero ang pinakanapansin ko sa lahat ay ang mga sumusunod: ensemble (hindi nagpaagaw ng eksena, ang sarap pakinggan), ang baguhang si Marvin Ong (malayo ang mararating ng batang ito, kahit si Lea Salonga ay na-single out s’ya) at si Liesl Batucan (na tila inangkin ang role ng beggar woman). Maganda ring pakinggan ang boses ni Franco Laurel particularly sa mga awit n’ya kay Johanna. Pero hanggang dito lang ang masasabi ko.

May konting disappointment lang ako sa set. Hindi ako masyadong napa-wow. Siguro ay sa kakulangan na rin ng budget para rito. Lalong hindi nakatulong na napanood ko sa Youtube ang ilang stage adaptation sa material. Halimbawa, sa napanood ko, meron talagang dugong sumisirit mula sa biktima. Mas stagey sana ito kung nagawa rin ng Repertory Philippines. Isa pang hindi masyadong malinaw ay ang barber chair na ginamit ni Sweeney Todd. Normally, steady lang ito at madalas na ganito ang makikita sa mga totoong barber shop. Ang props na ginamit ni Mio Infante (set designer) rito ay isang upuan na meron yatang gulong. Mapupunang gagalawin muna ito ni Audie sa isang side bago ihulog ang biktima at matapos ay ibabalik ulit sa gitna.

KONKLUSYON

Kahit alam ko na ang konsepto ng dula dahil napanood ko ang film version ni Johnny Depp, pinag-isip pa rin naman ako kahit papaano. Na-realize ko na ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang London na maaaring balikan. Hindi maiiwasan na pumasok sa buhay natin ang ilang karanasan na kailangan nating masaktan o magalit. It’s up to us kung maghihiganti ba tayo o ipagpapasa-Diyos na lang ang lahat. Sa kaso ni Sweeney Todd, pinili n’yang balikan ang London na naging simbolo ng madugo, marahas at mapaghiganting makina.

No comments:

Post a Comment