N.O.A.H. (No Ordinary Aquatic Habitat)
Produksyon: Trumpets
Direktor, Libretto at Titk: Jaime Del Mundo
Musika: Rony Fortich
Mga Nagsiganap: Carlo Orosa, Sheila Francisco, Sam Concepcion, atbp.
ISTORYA
Most of us ay pamilyar naman sa kuwento ni Noah sa Bible. Isang simpleng Juan na binigyan ng task ni God para gumawa ng arko na magsasakay ng isang pair ng lahat ng hayop. Sa kabila ng pag-aalingalangan at pangungutya ay ginawa n’ya ito. Hindi alam ng taong-bayan na isa pala itong paghahanda sa isang paparating na pag-ulan at pagbaha, isang malawakang cleansing, isang genesis. Ganitong ganito rin ang binaybay ng musikal. Isinapanahon lang ang mga tauhan, damit at iba pa upang mas madaling ma-perceive.
MGA HAYOP!
May mga dulang pambata pero pwede sa matatanda o sa parehong bata at matanda. Ang “N.O.A.H” ay pambata na sadyang ginawa para sa mga bata. Ang set design, halimbawa, ay simple lang pero nang lumabas ang arko at nang bumuhos ang ulan, naagaw agad ang atensyon ng mga tsikiting. Isama pa rito ang parada ng mga “hayop” na dumaan sa harap mismo ng mga manonood (naalala kong bigla ang reaksyon ng audience dati nang biglang lumabas ang isang “elepante” sa musikal na “Rama Sita”).
Gusto ko lang i-single out ‘yung paghahati ng dula ayon sa 15-minute break nito. Sa una, inilahad na lahat mula sa pagpapakita ni God kay Noah hanggang sa pagbuo ng arko at sa pagbagsak ng ulan. Ang una kong naisip, ang bilis naman yata. Ano pa bang pwedeng i-stretch sa dula para umabot ng dalawang oras eh makakakita na lang naman ng lupa si Noah? Inumpisahan ang ikalawang bahagi na nagpupulong ang mga hayop at praning na nilalabanan ang pagkabagot. Hmm, bago ito, naisip ko. At hindi r’yan huminto. Nagulat ako sa sumunod na eksena: isang talent show ng mga hayop! Imagine, nagne-Nessun Dorma ‘yung giraffe at humahataw ang biik na si Bob Boy ka-jamming si, err, God! Riot.
Sa mga awit, walang masyadong tumatak na tipong uulit-ulitin ko hanggang ma-LSS ako pero memorable kapag kumakanta na si Sheila Francisco. Mahusay rin si Carlo Orosa bilang singer at timing sa mga linya. Hindi lang sobrang nangibabaw. Baka kailangan lang ng isang “anthem” para sa lead character n’ya. Puwede na ang God ni Sam Concepcion.
KONKLUSYON
Sa umpisa ay nagkaroon ako ng impression na isa lang itong malaking grade school presentation. Nasisimplehan ako. O baka naman dahil masyado na akong matanda para sa dulang ito. Sa plus side, madaling maintindihan ang message at hindi masamang mapaalalahanan tayo paminsan-minsan tungkol sa total obedience. At hindi ako magrereklamo kung hahamunin ako ni God minsan sa isang matinding showdown ng “Nobody...Nobody but You”.
No comments:
Post a Comment