Tuesday, May 25, 2010

Topak Chopra 101: ‘Wag Nang Pumasok Kung Late Na

Napulot ko lang sa Plurk kanina, tungkol sa isang insidente ng hindi paghabol sa team meeting dahil late na. Siguro, ang context ay nakakahiya nga naman na gagawa ka ng eksena habang pumapasok sa isang room at magtitinginan sa ‘yo lahat ang mga tao. Personally, ayoko rin ng ganun na mare-remind pa ang lahat ng aking kakulangan.

On a wider perspective, baka mas masaya kung iko-consider mo na lang na absent ka sa pagkakataong iyon. Assuming syempre na marami ka pang VL o SL. Primarily, kahit papaano, hindi ka mababansagan na late. Masasalba mo pa ang sarili mo sa hindi pagpapakita kesa magpakita ka at doon pa lang isipin kung paano isasalba ang sarili. Baka nga mas selfish at KSP ang dating kung ii-insist natin na pasukin pa rin ang isang bagay na nagsimula na o buo na bago pa man tayo dumating. Ang drawback lang dito, lalabas ang kawalan natin ng halaga, na may mga bagay palang patuloy pa ring iikot o tatakbo kahit wala tayo.

Ikalawa, hindi mo magugulo ang quorum. Kapag ang isang bagay ay buo na at papasukin ito para guluhin ulit, at kalaunan ay pipiliting mabuo, mas maraming step ang dadaanan. Ibig sabihin, mas maraming effort ang kailangang ilabas. ‘Yun nga lang, posibleng mas mapabuti ang isang bagay kung malaki o makabuluhan pala ang contribution mo rito. Mas greater good pala kung meron kang naitulong.

May isang kaso ng isang mangingibig na pumasok sa isang relasyong buo na. Nag-uumpisa na ang “meeting” at pilit pa rin itong pinasok dahil siguro sa ngalan ng pag-ibig. Nagkaroon ng option ang mangingibig na hindi pumasok subalit kinailangan daw s’ya ng isa sa mga attendee at ito’y kanyang pinagbigyan. Nasa ganitong limbo ang “meeting” at hindi pa alam kung kelan ito madi-dismiss.

Muli, napaisip ako. Tama ba talaga na kapag late na ay ‘wag nang pumasok? Tingin ko, ang bottomline talaga rito ay hindi ka dapat nale-late sa anumang bagay. Kung gusto mong makinabang sa mga bagay habang ito ay hilaw pa, dumating ka nang maaga. Kung na-late ka, lumingon ka nang saglit at tanggapin mo na lang kung ano ang iyong madadatnan.

No comments:

Post a Comment