Friday, July 02, 2010

Efbee Etikete

Halata naman na fan ako ng Facebook. At kamukha ng ibang social media, meron dapat guideline kahit na sabihin pa natin na kanya-kanyang trip lang ‘yan. Para naman mas lalo kong ma-enjoy ang Facebook, para naman manatili akong fan nito. Ang point ko, may mga Etikete (term ni Josh Canlas dati na ginawa n’yang joke n’ung papunta kami sa birthday dinner ni Peng sa UP-Ayala Land Techno Hub, kaso nahiya na s’yang i-joke) na dapat i-consider. Heto ang version ko:

Rule # 1: Alamin ang mga feature ng Facebook

So far, so good naman ang mga features ng Facebook. I mean, relatively, madali lang namang sundan. Ang pinaka-tricky lang para sa iba, sa tingin ko, ay ‘yung pagkakaiba ng wall post at inbox message. Andami kong natatanggap na wall post message na pang-inbox yata dapat. Mabuti na lang at nagkakasya lang ito sa mga simpleng pangungumusta. Pinaka-offensive na siguro ‘yung tinanong ako kung may asawa na. Walang choice kundi sagutin ang wall post ng isang comment na nagsasabing i-inbox message na lang ako. O hindi kaya ay ako na mismo ang nagpapadala ng inbox message. Hindi ko pa naman nagagawang mag-unfriend sa kakulitang ito pero baka malapit na (hehehe). Parang pagbili lang kasi ng celfone ‘yan. Kung too complicated para sa ‘yo ang features eh ‘di ‘wag mong bilhin. May mga kaibigan akong kahit pagmu-mute ng celfone sa loob ng sinehan ay ipinapasa pa sa akin. Gan’un din sa Facebook. ‘Wag na lang makiuso kung too complicated;

Rule # 2: Walang basagan ng trip

Ewan pero hindi maiiwasan ang mga effal (read: effing epal) sa mundo. ‘Yung tipong akala nila ay alam na nila lahat at dino-Diyos ang sarili pagdating sa comment. Fortunately, wala akong masyadong friends na ganito sa Facebook (may ilan pero na-unfriend ko na sila, hahaha). Ang bottomline dito: ang status ay napo-post sa pansariling page/profile. At kapag page/profile mo, mundo mo ‘yan, lahat ay puwede mong ilabas kahit na politically incorrect o grammatically incapacitated. Mundo mo ‘yan eh. Ang mahirap eh ‘yung mga nakikimundo sa mundo mo;

Rule # 3: Iwasan ang pagiging emo

‘Yan ay kung maiiwasan lang. Yeah, self expression ang Facebook. Emo kung emo. Sabi ko nga sa Rule # 2, walang basagan ng trip. Ang point ko lang ay kung maiiwasan, iwasan. Para sa akin kasi, ang negative vibes ay nakakahawa. Parang alon sa ilog ‘yan kapag naghagis ka ng bato. Hindi man natin napapansin, lahat ng sinasabi o ikinikilos natin ay nagkakaroon ng epekto sa ibang tao kahit na subconsciously. Ngayon, life is short sa pananaw ni Rico Yan. Kung uubusin pa ito sa kababawan at kaemohan eh ‘wag na lang mandamay. Make a new Facebook account and do not add a friend. Tsaka meron namang yang ang bawat ying. Lahat ng bagay ay puwedeng tingnan sa positibong paraan. Sobrang mahirap minsan pero doable kung pipilitin. Pero kung emo ka talaga, hindi Facebook ang kailangan mo. Dial a friend and meet them. Kaya nga naimbento ang beer eh;

Rule # 4: I-edit ang note

Ang tindi n’ung mga note or what-have-you na napakahaba ng description. Masyadong mahaba na nakakain na nito ang buong page! Kaya nga naimbento ang Facebook, para mag-suggest ng micro blogging eh heto at ‘sandamakmak na text ang nakalagay. Wala namang problema masyado rito maliban sa space na ninenenok nito na para sana sa ibang updates. Ang analogy ko naman dito ay parang merong isang party at bigla kang pumasok na suot ang isang mataas na headdress. Edit it. General rule naman 'yan na i-edit ang mga bagay bago natin ito i-post sa marami. Nagre-reflect sa atin ang lahat. Keep it simple and sweet. Kasi baka mamaya eh importante naman pala ang content pero hindi na bibigyan pa ng oras para basahin ng iba; at

Rule # 5: Cherish your friends

Ito naman talaga ang point ng Facebook. ‘Wag lang makitsismis o magpa-uso ng shadenfreude. Kumustahin mo man lang ‘yung mga kaibigan mo na hindi masyadong nagi-status update o nagpo-post ng picture dahil nahihiya. Hindi natin alam, baka sobrang depressed na pala nila at malapit nang tumalon mula sa second level ng Shangri-la Mall. Ang challenge kasi ng panahon natin eh nababawasan na ‘yung time para lumabas, magkita-kita o kumain nang magkakasama. Kahit papaano, tinutulungan tayo ng social media to catch up and stay connected. I-retain natin ‘yung totoong essence nito. Though may ginagawa ring effort ang mga apps kamukha ng Mafia Wars at Farmville to reconnect with friends, find time, kahit hindi sa Facebook, na “makita” man lang sila.

No comments:

Post a Comment