Total Pageviews

Thursday, July 22, 2010

Kung Iba Siguro ang Direktor ng “Halaw”

Kung si Lino Brocka, malamang ay may eksenang papasok sa kubo si John Arcilla at may dala itong isang palanggana ng kumukulong tubig. Isasaboy n’ya ito sa rapist ng kanyang alaga.

Kung si Ishmael Bernal, makokorner ang batang babae ng batang lalakeng humahabol sa kanya sa isang kubo. Subalit aatakehin ng aneurysm ang batang lalake at mapapasigaw ang batang babae ng “Waaaaaaaaaaalang himala!”

Kung si Mike de Leon, bago sumapit sa Malaysian border ang bangka, magkakatinginan ang mga pasahero. Tight shot. Mga mata lang halos ang nakikita. At makakarinig tayo ng mga putok ng baril.

Kung si Celso Ad. Castillo, walang eksena sa gabi. Ang buong biyahe ng bangka ay napapaligiran ng napakagandang isla at ang asul na langit ay pinagpipiyestahan ng magagarang cloud formation.

Kung si Peque Gallaga, merong mamboboso mula sa bubong habang isinasagawa ang rape scene.

Kung si Mario O’Hara, mga taga-Breakwater ang pasahero ng bangka.

Kung si Danny Zialcita, tatanggihan n’ya ang pelikula dahil sa tingin n’ya, magagalit ang buwan sa haba ng gabi!

Kung si Marilou Diaz Abaya, sagana sa underwater scene. Most likely, tatalon sa dagat ang batang Muslim at sisisid ito sa mga corals.

Kung si Carlitos Siguion-Reyna, merong aawit mula sa malayo ng “Saan Ka Man Naroroon”.

Kung si Chito Roño, ang buong production design ng bangka ay nakabase sa tamang feng shui.

Kung si Maryo J. delos Reyes, lahat bagets ang mga pasahero.

Kung si Soxy Topacio, lahat ded ang mga pasahero.

Kung si Mike Sandejas, lahat deaf ang mga pasahero.

Kung si Lav Diaz, dokumentado mula umaga hanggang kinabukasan ng madaling araw. Pero artistic ang mga shot at napaka-poetic to a point na halos hindi na nag-uusap ang mga karakter dito.

Kung si Jeffrey Jeturian, merong pila ang pagsakay sa bangka at sisingilin sila ng kubrador sa halip na kundoktor.

Kung si Laurice Guillen, hindi natin malalaman kung sino sa mga pasahero sa bangka ang nagsasabi ng totoo.

Kung si Ronwaldo Reyes, merong bakbakang magaganap sa Malaysian border. Bonus na lang na darating si Maria Isabel Lopez na nakasakay sa kabayo.

Kung si Wenn Deramas, isa sa mga pasahero si DJ Durano.

Kung si Joel Lamangan, isa sa mga pasahero si Jim Pebanco.

Kung si Jade Castro, overweight ang isang pasahero.

Kung si Mike Relon Makiling, makakaligtas ang mga pasahero sa pagtawid sa border. Pagdaong nila sa Malaysia, magkakaroon ng isang bonggang song and dance number.

Kung si Raymond Red, mapapagdesisyunan na eroplano na lang ang gagamitin sa halip na bangka.

Kung si Chris Martinez, 100 na araw ang itatagal ng buong biyahe.

Kung si Joyce Bernal, papalitan ni Marian Rivera ang role ni Maria Isabel Lopez.

Kung si Cathy Garcia-Molina, papalitan ni John Lloyd Cruz ang role ni John Arcilla.

Kung si Gil Portes, hmmm, ang hirap naman. Siguro, hindi na lang n’ya gagawin ‘yung pelikula.

Kung si Mel Chionglo, tumatandang macho dancer ang role ni John Arcilla.

Kung si Carlo J. Caparas, alam n’yo na ang sagot. Magkakaroon ng madugong massacre sa Malaysian border. At hindi “Halaw” ang title kundi “Aba Ginoong Maria, Napupuno ka ng Grasya, ang Panginoong Diyos ay Sumasaiyo, Bukod kang Pinagpala sa Babaeng Lahat”.

Kung si Joey Gosiengfiao, matutuloy ang eksenang pinapasok ng tubig ang bangka. Magigising ang mga pasahero na nasa isang isla na sila na walang nakakaalam kung nasaan pero surprisingly, lahat ay nakapagbaon ng swimsuit at trunks.

Kung si Mac Alejandre, ililigtas ni Darna ang mga pasahero sa mga kontrabida sa Malaysian border sa pamamagitan ng pagbasag ng itlog.

Kung si Tikoy Aguiluz, erotic ang love scene ng rapist at biktima. Matapos ang unang round, sasali naman sa eksena ang boatman.

Kung si Joselito Altarejos, lalake ang rapist at batang lalake naman ang biktima.

Kung si Jose Javier Reyes, witty ang bagsakan ng mga linya sa pagitan ng mga pasahero. Baka palitan n’ya rin ang pamagat ng “One Night Only”.

Kung si Olivia Lamasan, lulubog ang bangka dahil sa mga luha ni Maria Isabel Lopez.

Kung si Rory Quintos, lulubog pa rin ang bangka pero ‘yung mga luha naman n’ung batang Muslim ang may kasalanan.

Kung si Rico Maria Ilarde, merong isang hindi maipaliwanag na monster ang lalabas sa gitna ng dagat. Mamamatay lahat ng pasahero.

Kung si Erik Matti, igagawa n’ya ng sequel ‘yung version ni Peque Gallaga.

Kung si John Torres, mauunang i-document ang buong biyahe. Dito pa lang natin malalaman ang kuwento ayon sa mga nakuhang images.

Kung si Mark Meily, required na magkaroon ng visa ang mga pasahero ng bangka bago pa man ito pumalaot. Magkakaroon lang sila nito matapos magpapako sa krus.

Kung si Emman dela Cruz, most likely magse-sex ang mag-amang pasahero.

Kung si Cris Pablo, most likely magse-sex ang dalawang pasaherong lalake.

Kung si Topel Lee, habang nagpapahinga ang mga pasahero sa isang isla, ilalabas ng manang na nagtitinda ng pekeng Louis Vuitton bag ang isang ouija board. Itatanong nila sa ispiritu kung makakapasok ba sila sa Malaysia o hindi.

Kung si Paolo Villaluna, slow-mo ang buong biyahe ng bangka pero hypnotizing ang music.

Kung si Adolf Alix, sa halip na batang Muslim ang anak ng isang pasahero ay si Anita Linda na lang.

Kung si Francis Xavier Pasion, may isa pang pasahero na dokumentarista. S’ya ang maglalahad ng blow-by-blow account ng buong biyahe kabilang kung paano in-assemble ang bangka, kung paano ito ibinenta at kung paano nagkatawaran.

Kung si Raya Martin, ipapakita sa unang bahagi ang filming ng pelikula at sa kalahati naman ay ang actual na pelikula.

Kung si Dante Mendoza, makakaligtas si Maria Isabel Lopez sa pagtugis sa Malaysian border. Babalik s’ya ng Pilipinas at itutuloy ang pagiging pokpok. Kaso, malululong s’ya sa droga at susubukang takasan ang isang sindikato.

Kung si Sheron Dayoc, malamang Best Director sa Cinemalaya 6 ‘yan.

7 comments:

Fidel Antonio Medel said...

I enjoyed reading reading this. Good job. Here is my favorite line.

Kung si Adolf Alix, sa halip na batang Muslim ang anak ng isang pasahero ay si Anita Linda na lang.

Like you, I predicted Halaw to win the top plum although it is not my favorite among the bunch. I like Rekrut better. I'm a sucker for bloody endings.

Manuel Pangaruy, Jr. said...

Sir, salamat sa comment. Naaliw rin naman ako habang sinusulat 'to. I'm wearing my Rekrut shirt today so I think that says a lot.

PEParazzo said...

Good day! We would like to ask for your permission to republish this in the blog section of PEParazzi (http://www.pep.ph/peparazzi/)

You may reach us through
peparazzo@gmail.com

Thank you.

foursundaysofseptember said...

nakakatawa... lalo na yung kay Joey Gosengfiao!

Anonymous said...

Halaw was totally disappointing. Is this the best we've got? So technically flawed, so narratively lame. This Cinemalaya is the worst so far.

Anonymous said...

Anonymous, mukhang umuwing luhaan ka. Anong pelikula mo sa New Breed? hahahah Oks lang yan, istead of being bitter, try next year, ung mas maganda sa entry mo ngaung taon.

Halaw is the best film in the New Breed category. Only unhinged wouldn't know it.

Anonymous #2

Manuel Pangaruy, Jr. said...

@PEParazzo, I already sent you an email for the go-ahead. I'm not sure if you received it.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...