Sunday, September 19, 2010

Ang Pinakamahabang Birthday sa Pinakamahabang Blog


Explain ko lang. Tatlong beses pa lang ako nag-birthday na wala sa aking comfort zone, either hindi ko kasama ang parents ko, wala ako sa bahay sa Lopez o wala ako sa Pilipinas. Sure, merong mga September 13 na kailangan kong pumasok sa opisina pero hindi counted ‘yan sa “wala sa aking comfort zone”.

‘Yung unang beses, n’ung 1989, nasa Daraga, Albay kami n’un para sa kauna-unahang sabak ko sa boyscout jamboree. First year high school ako n’un at ‘yun ang unang pagkakataon ko na makatulog sa labas ng aming bayan. Ang natatandaan ko, ‘yung weekend bago kami bumalik ng Lopez, binisita kami ng mga nanay namin na sakay sa isang jeep. Hindi ko matandaan kung nakita kong nag-abot ng pera ang nanay ko sa scout master namin pero ‘yung araw na uuwi na kami, inilibre kami ng halo-halo sa isang sikat na mall sa Naga City noon, in celebration daw sa birthday ko. Meron kaming picture nito, sigurado ako, at ang alam ko ay hindi ko lahat kilala ‘yung nasa table.

Noong 2001 naman, more than ten years ang nakalipas, nasa Singapore ako noon. Ito ‘yung 9/11 year. Ang alam ko, umuwi ako galing opisina at nakita kong nanonood ng CNN ang landlord ko habang pinapakita ang umuusok na World Trade Center sa New York. Ang assessment n’ya noon, isa lang itong aksidente. Nagbiro pa ako sa mga kasamahan ko noon sa Equi na ang lupit naman ng birthday greeting nila para sa akin. Noong kaarawan mismo, nakatanggap ako ng bulaklak sa opisina mula sa kuya ko na nasa New Zealand that time. Kinagabihan, ni-punk ako ng mga officemate kong Pinoy at gumawa sila ng drama na kunyari ay nag-aaway o nagtatampuhan. May schedule kami ng jogging n’un sa Kallang Stadium at ‘yung allegedly “breakdown” scene ay sa field ginawa. Naisahan ako nina Gerry, Tintin at “Ate Shawie”. Kung tama pa ang pagkakatanda ko, hindi natuloy ang jogging at kumain na lang kami sa Marché. Happy days.

Mula 1989, tapos 2001, ngayon naman, 2010. Parang merong pattern. This year, ang kakaibang experience naman ay ‘yung nasa ibang time zone ako. Since ahead ang Pinas ng 11 oras, nag-celebrate ako ng birthday rito ng 35 oras. Eventful, actually. And with the advent of new media like Facebook, para akong nag-fiesta sa mga bumati.

Pero heto ang detalye kung paano ko inubos ang treinta y cinco oras:

Sinubukan kong um-attend ng nag-iisang English mass dito sa Holy Trinity Cathedral tatlong oras bago mag-midnight sa Pilipinas (10am dito). Late ako dumating at ang entrance, sa hindi ko inaasahan, ay nasa may harapan malapit sa altar. Hindi ko sinasadyang gumawa ng eksena sa aking pagpasok pero wala akong nagawa. Mabuti na lang at kokonti lang ang sumimba. Pero ang mas matinding eksena ay nang makita ko na babae ang pari na nago-officiate. Naka-robe din s’ya at ang pangalan n’ya ay Reverend Bridgitte Gutbrod. Wala naman akong napansing kakaiba sa celebration at hindi naman nakakailang magmisa, sa katunayan, nagustuhan ko ang sermon tungkol sa "pakikinig".

May ilang pics sa Holy Trinity Cathedral dito.

Mula sa simbahan, sinubukan ko na ring tumawag ng taxi gamit ang celfone at nasundo naman ako (another first na nagpasundo sa isang place sa Montevideo na noon ko pa lang napuntahan). Sa Plaza Independencia na ako nagpahatid, naglakad, kumuha ng picture at naglakad nang naglakad pa. Sa isang park ako nagpahinga. May ilang nag-text (na inaasahan ko naman na mas kokonti dahil na rin sa Facebook). Bumili ako ng isang balot na papel ng mani na nilalako ng mama na merong kariton na may tambutso na gawa yata sa kawayan. Kung hindi ako nagkakamali, dito na ako inabot ng birthday ko, Manila time, habang inuubos ang UYU 20 na mani sa piling ng mga kalapati.

More pics sa Plaza Independencia rito at sa city center, dito naman.

Other half ng araw na ‘yun, pumunta kami ng Manila Mafia – Uruguay Chapter sa isang expo (na more than 100 years nang ginagawa). Ito ‘yung sa Rural del Prado. Para s’yang agricultural expo na merong mga booth na mainly for the farm. May dalawa ritong malaking warehouse, na medyo mapapansin mo ang pagka-vintage, kung saan naka-display ang iba’t ibang breed ng baka at sheep. Around 9pm na yata kami nakabalik ng city center. Sa Tintos y Rubias kami nag-dinner (na isa sa mga OK na parillada rito).

More pics sa Rural del Prado Expo rito.

September 13, Montevideo time, around 2am na yata ako nakatulog. O kami ng housemate kong si Mike. Tinapos kasi namin ‘yung expense claim para sa tatlong linggo. At hindi s’ya madali dahil nakiki-leech lang kami ng wi-fi ng may wi-fi. Nothing special at work. I spent it quietly as planned, just some greetings from the Manilans and that’s it. Sa El Salmon kami nag-lunch na ironically ay walang pescado sa kanilang menu. At dahil may birthday luck siguro ako n’un, meron silang fish para sa araw na ‘yun. Finished task by EOB then apartment then Francis Restaurant. Umuulan ng napakalakas n’ung gabing ‘yan at alam ko, struggle para sa amin nina Fabricio, Pao at Mike ang pagpunta dahil sa lakas ng hangin (pang-test ng payong kung matibay). Maliban sa napakasarap (at napakamahal pero sulit) na pagkain, medyo tahimik namang lumipas ang hating-gabi kasama ang limang Manilan, dalawang Argentinean at isang Brazilian. All-male entourage ‘yun. Naging mas special ang gabi nang kumain sa nasabing restaurant ang isang pamosong Argentinean artist/comic. May plano sanang magpa-picture kasama s’ya pero wala nang nakuhang maglakas-loob habulin nang ito ay lumabas ng pinto. Eksaktong hating-gabi, isang shot ng limon cielo.

Natapos ang araw na sumasagot pa rin ako sa mga pagbati sa Facebook. Kumpleto naman ang araw dahil nabati ako ng parents ko at kuya ko and family over the phone n'ung umaga. Kahit malayo at magkaiba ang oras, hindi ko naramdaman ang pagiging remote.

At d’yan nagtatapos ang birthday ko na umabot ng 35 oras. Dito na rin magtatapos ang automatic cross-posting ko ng blog entry from Blogspot to Multiply (pero iiwanan ko r’un/rito ang mga photo album). At isa pang at, 34 years old lang este na ako.

May ilang pics sa birthday dinner dito.

No comments:

Post a Comment