Tuesday, November 30, 2010

Kung Ako ang Nanalo ng P741 Million sa Lotto

Out of the blue lang ulit ‘tong blog na ‘to. Nabalitaan ko kasi na may nanalo na raw ng jackpot na pumatak ng P741 million. Heto ang mga unang pumasok sa isip ko:

1. Baka totoo ‘yung conspiracy theory ni manong driver dati na kontrolado raw ni PGMA ang pagkapanalo sa lotto. Wala raw naman talagang nananalo dahil kay Gloria bumabalik ang pera. Siguro ang point ni manong ay wala kasing nabo-broadcast na panalo. Naisip ko n’un eh kung ako ‘yung lotto winner, hindi ko ipagkakalat. Baka mautot ako sa pagpipigil ng isang major, major na sikreto;

2. Saan ko ba gagamitin ang P741 million? Hmm, una, magtatayo ako ng sariling kumpanya na maliit lang at well compensated ang mga empleyado. ‘Yung tipong wala akong maririnig na reklamo pagdating sa suweldo. Taun-taon, merong increase at ang summer outing ay sa dalawang lugar lang puwedeng gawin: either sa Boracay o sa Palawan;

3. Ikalawa, magta-travel ako around the world. Magme-meryenda ako ng lumpiang Shanghai sa Shanghai, magpapaluto ako ng lutong Macau sa Macau, I will walk like an Egyptian in Egypt, hindi ako magda-Dutch treat sa Netherlands at sa tuktok ng Mt. Everest kami magco-coffee break ni Scarlett Johansson;

4. Ikatlo, ipapasara ko ang pinakamalaking Disneyland para lang sa tatlo kong pamangkin at sa mga kaibigan nila;

5. Ikaapat, magtatayo ako ng sindikato na may sariling hustisya para sa mga corrupt na politiko. Galit-galit na lang muna. Para naman sa bayan eh;

6. Pero sa totoo lang, nakakatakot sigurong magkaroon ng gan’un kalaking halaga. Baka maging sakim naman akong masyado. I mean, masaya na ako sa mga biyayang meron ngayon. Nakakakain pa naman ako nang tama sa oras at nabibili ko pa naman ang mga munting bagay na kailangan ko (at ilang kakarampot na luxury kamukha ng sine); at

7. Baka mawalan ako ng kaibigan kapag yumaman ako. ‘Yung totoong kahulugan ng kaibigan ha, hindi ‘yung nariyan lang kapag mataas ang sikat ng araw. O ‘yung present lang kapag gumuguho na ang mundo nila kapag merong problema. Masaya na ako sa klase ng mga kaibigan ko ngayon.

No comments:

Post a Comment