The film festival on its 15th year was once again held at the Shang Cineplex. Pretty much the same ticketing system as before: release at 30 minutes prior to the film screening with a gap of more than an hour. I am not sure if it was the availability of the films over the net that kept its audience from flocking to the mall but it looked like a film marathon is now doable. This time around, I made an effort to catch the opening film from Norway called “Upperdog” which stars a Filipino-Norwegian actor named Hermann Sabado. I usually skip this part of the festival as I don’t know anybody from any of the participating embassies. On September 4, the day before the opening, I attempted to write an email to the organizer (Norwegian embassy) using the email address I got from a website that features the festival. I wasn’t sure if it will be read but I just asked them how I can watch the opening film. Surprisingly, I got a reply early in the morning. Attached is a PDF of the invite for the event in the same afternoon.
There were already a lot of dignitaries at the mall’s Grand Atrium when I arrived. There’s food, wine, some live music from the Manila String Quartet and some familiar faces. There was a raffle draw for a KLM trip anywhere in Europe (which I joined in but not lucky enough). Then the representatives from the embassies were called, made a toast and formally opened the event.
Below is the interesting mix of films that I caught for free during the 12-day festival:
Upperdog (Sara Johnsen, Norway) A modern-day drama as told from four intertwining characters in Oslo. Two of the four are Korean siblings who were adopted by two different couples and accidentally reunited after so many years. Though the musical score is sometimes distracting, the character study part is very affecting. There’s a statement somewhere about Norway being a very welcoming country to other races. The siblings, for instance, attend to other personal issues and do not concern much on being accepted to the society. The storytelling may not be that fresh but it got me involved in the first quarter as I can’t easily figure out what the film is all about. Hermann Sabado did really good as well as the rest of the cast.
The Goat (Georgi Djulgerov, Bulgaria) I totally enjoyed this Bulgarian film's absurdity of having the main POV from a goat. It is low budgeted and oftentimes stagey due to this limitation, but the film exudes an exotic wit and sensibility that highlights the whole viewing experience. What I liked best is that it doesn’t deal with social issues and it doesn’t attempt to preach on something.
Koko Flanel (Stijn Coninx, Belgium) This 1990 film from Belgium has all the elements of a Dolphy film, probably only a notch higher in terms of production value. It’s about a loser who suddenly became rich and famous when he was accidentally included in a photo shoot of expensive signature apparel. The struggle then is on how he can swim with the sharks and win the love of his life who happens to be the coordinator of the same agency who tapped him. There’s really nothing much in here but I sure appreciate the lavish costumes and the ambitious effort to mount the scenes involving the fashion industry.
The Rest is Silence (Nae Caranfil, Romania) This film about filmmaking has the feel of a telemovie at first but when it gets fired up, the content is really worth exploring. Sensibility looks too contemporary though. It’s about Grig who is the son of a famous actor who dreams of coming up with a moving picture during the early 1900’s to recreate a war. There are some road blocks along the way and this part of the film is probably the most interesting. It shows the challenges a filmmaker has to face during that time, pretty much the same issues that a contemporary filmmaker is facing.
Lidice (Petr Nikolaev, Czech Republic) Sometimes it gets emotionally tiring to watch a film about the Nazi and the genocide but I always admire its sense of history. I liked the parallel between the father who committed a crime and the killings he somehow avoided while he was in prison. According to the festival program, the burning of the village of Lidice “was Nazi Germany’s only officially admitted genocidal act during the war that shook the world”. This film tries to immortalize this historical account through the eyes of a father who first lost his family when he became a prisoner. The epilogue that enumerates people named Lidice has some shades of “Schindler’s List”.
Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Total Pageviews
Thursday, November 22, 2012
Thursday, November 15, 2012
Namumutlang Halaw
Bona
Produksyon: PETA
Direksyon: Soxy Topacio
Mandudula: Layeta Bucoy (halaw mula sa pelikula ni Lino Brocka na isinulat ni Cenen Ramones)
Mga Nagsiganap: Eugene Domingo, Edgar Allan Guzman, atbp.
Ang iniisip ko habang pinapanood ang dula ay ‘yung hindi mahulog sa patibong na maikumpara ito sa film version nina Lino Brocka at Nora Aunor na parang isang imahe ng santo na nasa eskaparate. Pero nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mapanood ang pelikula sa ikalawang beses at d’un ko napansin ang malaking puwang na ibinigay ng dula. Hinding hindi talaga kayang maiwasan ang paghahambing at ito ang aking mga napuna:
1. Sa pelikula, nakakapukaw ng konsentrasyon ang opening scene nito na ipinakita si Bona sa pagsali sa kapistahan ng Nazareno. Pahapyaw na pinadaanan ng kamera ang karosa sa isang sinehan, cut sa isang eksena ay ipinakitang nanonood si Bona ng shooting ng kanyang iniidolong si Gardo. Sumunod agad ang isang montage na tila metamorphosis ng obsesyon ng isang fan. Sa dula, ipinakita lang ito sa pagiging deboto ni Bona sa Nazareno sa pagkakaroon ng isang maliit na imahe sa kaliwang bahagi ng stage. Sa umpisa ay nagsindi ng kandila si Bona rito at nagdasal. Hindi tinanggal ang imahe hanggang matapos ang dula. Tila coincidental naman ang pagkakahumaling ni Bona sa kanyang Gino Sanchez matapos mabalitaang ang kanyang dating kasintahan sa call center ay boyfriend na ng dating boss;
2. Maraming stagey na eksena sa pelikula. Palibhasa, nagsusumiksik minsan ang camera sa isang dampa at nakasalalay sa dalawang karakter ang daloy ng kuwento. Ang dula naman ay nagmukhang pilay nang maraming beses itong nagpakita ng video sa isang wall upang magkaroon ng extension ang kuwento. Nariyan ang acting piece ni Gino Gonzales (na redundant na dahil meron din itong talent portion sa stage mismo) nang i-recreate ang kanyang sariling madramang buhay at ‘yung mga eksena sa film shoot. Para sa akin, magagawan ng paraan sa dula na hindi na kailangang ipakita pa sa video ang mga nasabing eksena. Gusto ko lang ‘yung stage design ni Boni Juan dito. Maganda ‘yung mukhang 3D na installation ng neigborhood sa may likuran at ‘yung malaking billboard sa itaas ay ginagamit na video wall. Nakatulong din, para sa akin, ang musika ni Teresa Barrozo upang maging current ang atmosphere;
3. Wala namang halos ipinagkaiba ang pagkaka-characterize sa pelikula at sa dula. Parehong kumapit hanggang dulo si Bona at napuno. Sina Gardo at Gino Sanchez ay gan’un din. Hindi ko alam kung anong statement ang gustong palabasin pero ang parehong lalaking karakter ay madalas ipakitang nakahubad kahit na magkaiba ang sensibilidad noong 80’s at ngayon. Siguro ay gusto lang ipaunawa kung ano ang nagustuhan ng protagonist. Maaari rin itong suhestiyon ng kabalintunaan kung ano ang physical at internal beauty. Ang Nilo sa pelikula (Nanding Josef) at Bert sa dula (Juliene Mendoza) ay parehong ginamit bilang third party na nag-aasam ng pag-ibig ni Bona. Gan’un din na sa dulo ay nagpakasal ito sa iba. Ang kaibahan lang, si Bert ay nakakaalwan at s’ya ang may-ari ng inuupahang bahay nina Bona at Gino Sanchez (samantalang si Nilo ay isang tambay na tumutulong sa pag-igib ng tubig at nagsisilbing koneksyon sa nilayasang pamilya). Nagpapakita s’ya paminsan-minsan kung merong nais kumpunihin sa unit kamukha ng pintuan. Sa isang kaugnay (at memorable) na eksena sa pelikula, sinira ni Gardo ang pinto ng kapit-bahay at inuwi ito. Medyo nararamihan lang ako sa mga karakter sa dula. Parang hindi na rin masyadong kailangan na meron pang kapatid, pamangkin at matalik na kaibigan (na hindi ko alam kung sinasadya na lahat ng pangalan nila ay nagsisimula sa letter B: Binky, Bingo, Baldy at si Bert nga); at
4. Ang Bona ni Nora Aunor sa iconic na eksena ng pagbuhos ng kumukulong tubig sa kanyang diyos-diyosan ay binalutan ng pagkasukol. Bakas sa kanyang mukha na wala na s’yang ibang mapupuntahan. Ang atensyon na kanyang ginugol sa kanyang idolo ay kailanman ay hindi na masusuklian. Wala na s’yang pamilyang mababalikan at ang kanyang Gardo (Phillip Salvador) ay piniling sumama sa ibang babae na mayaman. Nag-freeze ang frame sa dulo ng pelikula na umiiyak si Bona habang nasa tabi nito ang larawan ni Gardo na nakadikit sa dingding. Ang Bona naman ni Eugene Domingo ay tila isang phase lang ng depresyon ang pagkahumaling kay Gino Sanchez (Edgar Allan Guzman na para sa isang hindi visible sa teatro ay mahusay ang interpretasyon) na kailangang panagutan ang babaeng nabuntis. Hindi nagkaroon ng inaasahang bigat ang huling eksena ng pagbuhos ng kumukulong tubig. Una, hinihintay ko na mas paiigtingin pa ni Layeta Bucoy ang karahasan sa dulo. ‘Yun na pala ‘yun. Ikalawa, banayad lang ang atake sa karakter. Maganda ‘yung ilang nakakatawang ad lib dahil nagkakaroon ng distinct touches pero ang epekto sa dulo ay mas matibay si Bona at maaari n’yang malampasan ang anumang marubdob na pagsubok. May suhestiyon ito na kaya n’yang mag-umpisa ulit. Kung statement man ito sa makabagong babae o sa gender equality, hindi ko alam.

Saturday, November 10, 2012
Ang Patuloy na Pag-aabang sa Paghilom ng Sugat
Ang larawan ay kinuha mual sa website ng Broadway World - Philippines.
Walang Sugat
Produksyon: Tanghalang Pilipino
Direksyon: Carlos Siguion-Reyna
Libretto: Severino Reyes
Musika: Fulgencio Tolentino, Constancio de Guzman at Mike Velarde
Karagdagang Teksto: Nicanor Tiongson
Karagdagang Musika: Chino Toledo
Mga Nagsiganap: Cris Villonco, Noel Rayos, Noemi Manikan-Gomez, Lou Veloso, Gino Ramirez, atbp.
Napanood ko na ang sarswelang ito n’ung 90’s at ang natatandaan ko, nanindig ang balahibo ko n’ung unang beses kong marinig ang “Bayan Ko” ni Constancio de Guzman sa larangan ng teatro. Malaking bagay rin na hindi ko alam ang twist nito dahil mainam na kasali ito sa karanasang mapanood, considering na ang porma ng sarswela ay hindi madaling panoorin hanggang dulo.
Sa restaging na ito ng Tanghalang Pilipino, na-retain naman nang lubos ang core ng sarswela. Unang beses ko itong napanood na magdirek sa teatro si Carlos Siguion-Reyna na alam kong visual sa mga pelikulang kanyang ginawa. Maganda ‘yung nuances n’ung mga eksena sa dula na dadalawa ang karakter na kadalasang nagliligawan, nagtatampuhan o nag-iibigan. Hindi ko alam kung may kinalaman ito sa mga pagtatanghal ng “Aawitan Kita”, sa TV man o ‘yung mga live performances nito sa University of Makati. Siguro ay kailangan lang i-improve ‘yung blocking n’ung mga ensemble number at tingin ko ay isa na itong mahusay na musical revival.
Mapapansin din ang pagkamoderno ng Zen-like stage ni Tuxqs Rutaquio rito. Walang masyadong palamuti sa likod na iniilawan lang asul, puti o pula base sa mood. May ilang layer o nakaangat na platform ang gitna na nagsilbing main piece sa stage. Maganda itong statement sa social classes ng materyal kung saan ang mga prayle ay bumababa lamang hanggang sa ikalawang baytang samantang ang alalay at ang tagasilbi ay nagligawan sa pinakamababang bahagi nito. Kadalasan din na ang mga eksenang kabilang ang mga taong-bayan ay nasa ibaba rin at ang digmaan ay rumagasa mula sa unang layer pababa.
Mas gusto ko ngayon si Cris Villonco kumpara n’ung kabataan n’ya. Nagkaroon ng maturity ang kanyang boses at hindi ko napansin na ganito na pala kaganda ang kalidad ng kanyang boses panteatro. Ang kanyang Julia ay rebelde at punung puno ng pag-asa sa pag-ibig kahit na napapalamutian ito ng presensya ng kanyang konserbatibo at madaling mapayuko na inang si Juana (Noemi Manikan-Gomez sa bibihirang pagkakataon na mapanood ulit sa stage) sa mga pangako ni Tadeo (Lou Veloso) at ng anak nitong si Miguel (Gino Ramirez). Lumaki rin ang pagkahilig ko sa teatro sa pamamagitan ng ilang Repertory Philippines plays at mas madalas sa hindi na kasali rito si Noel Rayos. Maganda ang boses n’ya at akmang akma ang pagka-classical nito pero parang may hinihinging transition ‘yung karakter n’ya. Si Tenyong ay isang simpleng binata at mangingibig na nahubaran ng pagkainosente nang pinapaslang ng mga prayle ang kanyang ama at piniling maging Katipunero. Nakulangan lang ako sa dilim ng delivery ni G. Rayos bilang Tenyong sa ikalawang bahagi ng dula.
Tingin ko, mahirap nang ibenta ang sarswela ngayon sa labas ng intensyong pang-akademiko. Siguro ay mga estudyante at guro na lang ang maaaring kapukawan nito ng interes. Pero magandang suriin ang pagtatanghal bilang isang hugis ng sining na subersibong kumikilatis sa social ills. Kung tutuusin, hindi pa rin naman nawalala ang mga “prayle” ng makabagong panahon na hindi lang tumutukoy sa mga tao sa simbahan na nakaabito. Representasyon na ito ngayon ng kahit na sinong umaabuso sa kahinaan ng ibang kapwa Pilipino. Nakakalungkot lang na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagamot. Habang nag-aabang ang lahat sa paghilom ng sugat, hinihikayat tayo ng sarswela na maging tapat sa anumang nais at maging makabayan.
Friday, November 09, 2012
Desusing Pagharap sa Karahasan
Battalia Royale Version 3.0
Produksyon: Sipat Lawin Ensemble
Direksyon: Jk Anicoche
Mandudula: Kolaborasyon nina David Finnigan, Jordan Prosser, Sam Burns-Warr, Georgie McAulye at Sipat Lawin Ensemble (hindi lisensyadong halaw mula sa nobela ni Koushun Takami na “Battle Royale” at pelikula mula sa Toei Company, LTD.)
Mga Nagsiganap: Bodgie Pascua, Thea Yrastorza, Isabelle Martinez, Ness Roque, Acey Aguilar, Kevin Vitug, Ross Pesigan, atbp.
Maraming nire-require sa manonood ang dula mula sa pagbili ng ticket hanggang sa pagtatanghal nito mismo. Hindi gan’un kadaling magkaroon ng ticket. Sa mga merong Facebook account, kinakailangan mong sundin ang nakatalagang instructions sa app. Hindi ko alam kung para sa Version 3.0 ay naglagay sila ng picture file n’ung instructions upang magkaroon ng option kung hindi masyadong user-friendly ‘yung app. Kapag nasa kamay mo na ang mga nais ipagawa, isa-isa mo na itong susundin kamukha ng paghihintay ng email kung naireserba ka nga, paghuhulog ng bayad sa bangko, pagpapadala ng screenshot ng deposit slip at ang optional na pag-reply sa email kasama ang detalye ng deposito. Nawalan ako ng gana sa unang attempt na bumili. Hindi ko kasi masyadong maintindihan kung bakit kailangang pahirapan ang manonood (na aminin natin na sa level ng purchase ay “customer” pa rin naman silang matatawag). Gan’un ba ka-insecure ang dula upang magkaroon ng ganitong nakakalunod na gimik?
Nagbago lang ang desisyon ko nang magkaroon ng communication sa isa sa cast nito. Apologetic s’ya (kamukha ng ilang tweet mula sa produksyon) at wala naman akong ibang dahilan upang magmatigas pa. Besides, hindi naman matatawaran ‘yung curiosity ko kung bakit nagkaroon ng cult following ang dula.
Dahil sa mga paalala sa confirmation email, nagdala ako ng mga dine-demand nitong bagay: extra t-shirt, running shoes at tubig. Marami nang tao sa Museo Pambata n’ung bandang 6:30pm pa lamang (maaga ako ng 30 minuto). Sa desk, d’un ko nakuha ang aking all-access pass na nagsilbing ticket para sa dula. Isa itong “pass” dahil supposedly ay isang remote venue ‘yung lugar kung saan kinidnap ang buong Class Hope ng Our Lady of Guadalupe High School. Hindi nag-umpisa sa takdang oras ang dula at halos punung-puno na rin ang harapan ng museum sa dami ng manonood (mukha na itong crowd ng isang concert). Sa kabilang table mula sa desk kung saan ko nakuha ang aking pass, nand’un naman ang mga merchandise. Merong playbill, t-shirt, ilang kit (na merong flashlight at mapa ng venue) at playing cards na kasing laki ng postcard kung saan nakaimprenta ang mga mukha ng mga players (cast). Hindi ko na matandaan kung magkano ito pero hindi naman gan’un kamahal. Bale ang benta ay magsisilbing boto kung sino ang deserving matira sa Class Hope. Hindi ito required pero dahil gusto kong makigulo, binili ko ang pares nina Jessica Adriano at Julius Francisco.
Mga 7:30pm na yata nang tawagin ang atensyon ng lahat. That time, nakapuslit na akong kumain ng noodles na binebenta sa labas ng gate. Nagpakita si Fraser Solomon (Bodgie Pascua na sa “Battle Royale” ay pinapelan ng magiting na si Takeshi Kitano bilang “Kitano”) at inanunsyo ang ilang paalala habang ginagawa ang dula. Nagkaroon din ng isang patay-patayan game na karamihan naman ay nakisali (kabilang na ako). Pagkatapos nito, hinati na sa apat na grupo ang buong audience (nakita ko ang direktor na si Marie Jamora at ang stage actor na si Nar Cabico na s’ya ring nanalo sa patay-patayan game). Ilang sandali pa at binigyang hudyat na ang lahat upang sumunod sa utos ng mga marshal. Basically, ang paghahati ng grupo ay para lang sa maayos na pagtatalaga ng puwesto sa bawat “pagtatanghal” o sa ilang intersection.
Sa umpisa ay medyo may konting adrenaline rush pa. Nakaka-excite kasing tumakbo kasama ang ilang hindi ko naman kilala. At sa dilim pa! Dinala kami sa unang tagpo kung saan nakatumpok na magkakapatong ang mga estudyante na kakagising lang mula sa puwersadong pagpapatulog sa kanila. Ipinaliwanag na rin na kinakailangan nilang magpatayan at isa lang dapat ang mabubuhay. Wala namang kapuna-puna rito maliban d’un sa kawalan ng konteksto kung bakit nila kailangang magpatayan. Hindi malinaw kung bakit nagkaroon ng ganitong “proyekto” at sa Pilipinas pa na demokratiko ang kamalayan. Sa pelikula, bahagya itong ikinuwento. Para sa akin, mas nakakatulong kasi ito upang makisimpatiya sa mga biktima.
Mula rito ay tuluy-tuloy na ang daloy ng pagtatanghal. Minsan ay hahatiin ang mga grupo para sa mga eksenang kanilang mapapanood at minsan naman ay magkakasabay na manonood. Visible ang direktor dito dahil kailangan n’yang idirek ang mga tao kung saan tatakbo at kung paano patatakbuhin ang dula base (yata) sa mga biniling playing cards. Bago sa akin ang ganitong experience dahil nagmistulang isang pagtatanghal ito ng audience at hindi ng mga artista ng dula mismo. Minsan ay vocal ang mga manonood sa kanilang komento tungkol sa mga kaganapan at natutuwa ako kung paano sila mag-react. Buhay na buhay ang performance sa mata pa lang (at takbo) ng mga manonood.
Wala akong ideya kung gaano ka-unique ang plot sa ibang version (mula zero hanggang 3.0) o sa ibang pagtatanghal. Posibleng ang Kakai (Thea Yrastorza), Isidora (Isabelle Martinez), Sanya (Ness Roque), Julius (Acey Aguilar), Sebastian (Kevin Vitug) at Victor (Ross Pesigan) ay may ibang angst at subplot sa napanood ko. Kung tatanggalin ang lahat ng devise (takbuhan, interaction, choose-your-own-adventure, atbp.), mayroon pa rin namang mapupulot na sustansya sa pagkakasulat. Gusto ko ‘yung maikling kuwento tungkol sa dalawang babaeng sinubukang magtalik sa unang pagkakataon o ‘yung magkasintahan na piniling magpakamatay nang sabay. Medyo uneven ang impact ng mga kuwento pero pisikal na ring nakakapagod kung lahat ay pagtutuunan pa ng pansin. Sa mga gumanap, para sa akin, walang stand-out (na tingin ko ay ito ang inaasahan) at wala rin namang naiwan. Maganda ring imahe ang huling eksena para mag-reflect kung hindi pa man hinihingal na ang lahat at wala nang ginawa kung hindi uminom nang malamig na tubig.
Hindi ko alam kung nagustuhan ko ang buong dula. Sigurado ako na may napanood na akong ibang pagtatanghal na mas marahas at mas napapahawak ako sa sa aking sarili sa takot na matapunan ng dugo, literal man o figurative. Kahit ‘yung hinihinging contemplation sa dulo, parang may napanood na rin akong mas nakatagos na parang espada ang mensahe. Ang alam ko lang, hinding hindi ko makakalimutan ang experience na ito, ang experience na makita ang mga manonood bilang artista sa isang desusing pagharap sa karahasan. Para sa akin, mas mainam na dito mag-reflect at makita ang sarili sa iba kung paano nila kaawaan, pagtawanan at maliitin ang mga estudyanteng nakikipagbuno para sa sariling kaligtasan.

Thursday, November 08, 2012
Si Shakespeare sa Apat na Sulok ng Classroom
Ang larawan ay kinuha mula sa website ng PETA
William
Produksyon: PETA
Direksyon: Maribel Legarda
Mandudula: Ron Capinding
Musika: Jeff Hernandez
Karagdagang Titik: Rody Vera, Anj Heruela at Rico del Rosario
Karagdagang Eksena: Rody Vera
Mga Nagsiganap: Norbs Portales, Anj Heruela, Jmee Katanyag, John Emmanoel Moran, Ian Segarra, atbp.
Dahil siguro sa target audience nito, simple lang ang daloy ng kuwento. Limang magkakaklase sa high school ang binigyan ng assignment ng kanilang teacher upang isadula bilang monologo ang kanilang napiling tagpo mula sa kahit anong akda ni William Shakespeare. May mga personal na isyu ang mga bata. Si Estela (Anj Heruela) ay malapit sa ama pero malayo sa inang OFW. Si TJ (Norbs Portales) na kanyang lihim na iniibig ay matindi ang pressure sa amang konserbatibo. Ang kasintahan ni TJ na si Sophia (Jmee Katanyag) ay maalwan sa buhay subalit may sariling tinik sa identity dahil ang magulang ay dating mahirap. Ang mahiyaing si Erwin (Ian Segarra) ay lihim na hinahangaan ni Sophia samantang ang bading na si Richard (John Emmanoel Moran) naman ay may sarili ring struggle upang matanggap ng kanyang mga kaibigan bilang siya.
Extensive naman ang pagkakasulat ng dula. Basta Shakespeare, maaasahan si Ron Capinding na malalim ang research na kanyang ginagawa kung hindi man nasa ulo na n’ya ang literatura nito. Kapanipaniwala rin ‘yung konteksto na ginawang pagtatanghal ng mga bata sa dulo at kung paano naidikit ang dakilang mandudula sa indibidwal na buhay. ‘Yun nga lang, hindi ako masyadong nakuha na nakakulong sa apat na silid ng classroom ang dula, na ang mismong pagkakatuklas sa galing ni Shakespeare ay nakasalalay sa paraan ng pagtuturo at motibasyon ng kanilang guro. Nakuha ko naman ang punto nito na kinakailangan nating mag-aral hindi para sa grado kundi para sa buhay. Nakuha ko rin na ang kalidad ng edukasyon ay nasa kamay ng isang mapag-arugang guro. Nawala lang siguro ako sa ideya na maaaring makarating ang dula kahit na sa audience na wala (o wala na) sa classroom. Napakalimitado lang ‘yung suhestiyon na si Shakespeare ay nakakulong sa isang eskuwelahan at maaari lang makakonek sa kanya sa pamamagitan ng isang pormal na edukasyon para sa mga bata.
Sa Tanghalang Aurelio Tolentino sa CCP ko na ito napanood. Medyo nalalakihan ako sa venue para sa blocking at stage design n’ung dula. Siguro ay mas nakakaaliw itong panoorin sa isang mas maliit na lugar kamukha ng PETA Theater Center. Sa performance, wala akong itulak-kabigin sa mga bidang bata. Walang nagsapawan at wala ring naghilahan pababa. Naitawid nila ‘yung angst na gustong bitbitin at engaging ang bawat monologo sa dulo. Aliw na aliw rin ako sa mga musical number na nakatahi sa rap music. Puwede naman palang magawa ang ganitong concoction kahit na hindi pa ito masyadong hardcore.
May ilang pag-aalinlangan ako sa dula tungkol sa limitasyon nito ng audience pero para sa mga nasa loob ng maaari nitong maabot, isa itong variety sa mga homegrown na musical. Klaro ang punto na ang bawat isa sa atin ay may isang Shakesperean character. Kailangan lang buksan, pag-aralan at tanggapin.
Tuesday, November 06, 2012
Ang Babaeng Nawawala sa Dilim
The Woman in Black
Produksyon: Dulaang Kalay
Direksyon: William Elvin Manzado
Mandudula: Stephen Mallatratt (halaw mula sa libro ni Susan Hill)
Mga Nagsiganap: Jeremy Domingo at Reb Atadero
Ang interior ng Teatrino sa Greenhills ay umakma sa panonood ng dula lalo na’t nakaupo ka r’un sa unang bahagi ng venue na malapit sa stage. Meron kasing isang espasyo sa pagitan ng una at huling bahagi ng teatro na ginagamit upang lakaran ng audience. Elevated ang area sa parteng likuran at pantay lang sa harapan. Pinili kong umupo na malapit sa stage at pinili ko na lang ang upuan na walang masyadong nakaharang sa harapan ko. ‘Yun pala, gagamitin ang espasyo upang gumala ang babaeng multong nakaitim na pasulput-sulpot habang tumatakbo ang dula. Para sa katulad kong nakaupo sa may harapan, nakakapraning isipin na ang babaeng nawawala sa dilim ay maaaring nasa likuran ko na pala.
Actor’s piece ang materyal. Tungkol ito sa dalawang tauhan na sina Arthur Kipps bilang matanda (Jeremy Domingo) na nais magtanghal ng kanyang kuwento at ang actor na gaganap bilang batang Arthur Kipps (Reb Atadero). Inumpisahan ito sa kanilang pagkikita sa isang teatro at tumahak ang dula sa isang nakakapanindig-balahibong retelling ng isang misyeryosong pangyayari sa Crythin Gifford. Ang lahat ng mga karakter (Sam Daily, Horatio Jerome, Keckwick) na nakasalamuha ng batang Arthur Kipps sa kanyang kuwento ay pawang ginanapan ng aktor na gumaganap bilang matandang Arthur Kipps.
Hindi ko nabasa ang libro ni Susan Hill at hindi ko rin napanood ang film version na pinagbidahan ni Daniel Radcliffe pero ayon sa mga nabasa ko, pareho itong tumalakay sa nakakatakot na chapter ng batang si Arthur Kipps. Palabok na lang sa stage adaptation ang mga prologue at epilogue nito pero hindi naman ito naging pabigat. Sa katunayan, nagkaroon ng panibagong perspektibo ang curse ng babaeng nakaitim sa munting surpresa ng dula sa dulo. May kakaiba ring nginig ang ideya na ang babaeng nakaitim ay kasama lang din sa entablado at pagala-gala. May isang tila montage sa dula ang nagpakinang sa set design ni Nissi Gatan na umangkop sa ilaw ni Meliton Roxas, Jr. Kung mabilis lang siguro akong matakot, baka napanaginipan ko na ito.
Sa kabila ng kahubaran ng stage, nagawa naman nitong mag-inject ng hinihingi nitong ambience. Nakatulong ang physique ng babaeng nakaitim at walang sabit ang atake ng mga artistang sina Jeremy Domingo at Reb Atadero. Ito ‘yung mga pagkakataon na madaling maramdaman kung ang pagganap ay walang kumpiyansa dahil maraming karakter ang papalit-palit na ginagampanan. Hindi man ito kasing bilis ng “The Mystery of Irma Vep” ni Charles Ludlam, ang ilang tagpo naman ay masyadong emotionally taxing para sa mga aktor at malaya itong naitawid. Ang blocking ni William Elvin Manzano (na nasaksihan ko sa ilang pagtatanghal hindi bilang direktor kundi bilang musikero) na gumamit sa bawat kanto at limitasyon ng venue ay naging epektibo upang hindi magmukhang payak ang pagtatanghal.
Kung meron pang pagkakataon, magandang karanasan sanang mapanood ang “The Woman in Black” ng Dulaang Kalay (ng Kalayaan College sa Quezon City) na halos nag-uumpisa pa lamang sa larangan ng stage production. Para sa akin, na-exhaust nito ang lahat ng hangganan (maliit na budget, kawalan ng maturity sa larangan at iba pa) upang magmungkahi ng konting takot. Siguro ay mas literary ang appreciation kung napanood ko ang film version o kung nabasa ko ang libro pero sapat na ‘yung discomfort na ibinigay nito habang pinapakiramdaman ko kung katabi ko na ang babaeng nawawala sa dilim.

Sunday, November 04, 2012
Nag-uumapaw na Galak Mula sa Isang Trahedya
Ang larawan ay kinuha mula sa website ni Gibbs Cadiz
Sintang Dalisay
Produksyon: Tanghalang Ateneo
Direksyon: Ricardo Abad
Mandudula: G.D. Roke (pagbabalangkas mula sa kanyang awit na “Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo” na halaw mula sa “Romeo and Juliet” ni William Shakespeare)
Mga Nagsiganap: Kalil Almonte, Tasha Tañada, Brian Sy, atbp.
Uunahin ko na, sa mga napanood kong lokal na produksyon ngayong taon, ito na siguro ang naghatid sa akin sa maraming pedestal ng pagkasining at pagkalibang, akademiko man o pamatay-oras lang. Ito ‘yung lumabas ako ng Rizal Mini-Theater sa Ateneo na halos mayakap ko ang cast na naghihintay sa labas at nagte-Thank you for watching, at ipaalala sa kanila kung gaano kadakila ang galak na ibinigay nila sa akin sa hapong ‘yun. Bumalik ako sa Katipunan at hinarap ang Metro Manila na may baong ngiti at pagmumuni na ito ang isa sa maraming dahilan ng pananatili rito.
Kung sa aspetong pang-akademiko lang, maraming inilatag ang dula. Ang pinakanangibabaw na siguro rito ay ang walang sawang paglalahad ng “Romeo and Juliet” ni Shakespeare. Walang binago sa pagkakasunod ng tagpo at napakarelihiyoso nito sa orihinal na obra. Ikalawa, nabigyan tayo ng pagkakataon upang mapagtuunan ng pansin ang pagkakahalaw sa trahedya bilang isang awit (ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas ay isang halimbawa nito, ayon sa playbill) na isinulat ng isang nagngangalang G.D. Roke n’ung 1901. Kung sino man s’ya, ang kanyang nalathalang halaw na lang ang aandap-andap na pruweba ng kanyang pagkamanunulat. May ilang website na nagsasabing kumuha rin ng teksto ang dula mula sa pagkakasalin ng National Artist for Theater and Literature na si Rolando Tinio sa “Romeo and Juliet” pero hindi naman ito nabanggit sa playbill. Kung totoo man ito at bagama’t hindi klaro ang pagkakahati ng ambag, malaking bagay ang pinagsamang puwersa ng pagkakapreserba ng akda ng isang halos malapit nang makalimutan at isang pinagpipitaganan sa industriya. Na-localize din ang trahedya sa isang imaginary community sa Mindanao kung kaya’t si Romeo ay naging si Rashiddin (Kalil Almonte) at si Juliet naman ay naging si Jamila (Tasha Tañada) mula sa magkalabang angkan ng mga Mustapha at mga Kalimuddin. Ang kapalaran ng dalawang mangingibig ay pilit pinag-ugnay ng isang imam (Brian Sy) na katumbas ng isang pari sa Kamindanawan. Nakatutok lang ang pagkaka-localize sa core ni Shakespeare at hindi ito kailanman nahulog sa bitag ng pagkalihis ng tema o conceit na magpaka-socially relevant (maliban siguro sa ilang pagpupugay ng stand ng theater group sa RH Bill). Tungkol lang talaga ito sa pag-ibig at sa pagkadalisay nito.
Maliban sa script, ipinakilala rin ng dula ang sayaw na “igal” na ayon sa playbill ay mula sa Sama o mas kilalang Bajau o Bajo. Hindi lang ito pamatid-uhaw sa panonood na isinisingit bilang breather kundi kasali talaga ito bilang paraan ng pagkukwento. Minsan ay sinasabayan ito ng mga tauhan at minsan naman ay nangungusap itong mag-isa (sigalot ng dalawang angkan, ang pagniniig ng dalawang bida at maging ang kanilang kamatayan). May ilang eksena na kahit blangko sa speaking lines at gumagalaw lamang ang mga tauhan sa saliw ng live music mula Konta-GaPi at Tanghalang Ateneo Music Ensemble na idinesenyo ng nag-iisang si Edru Abraham, abot na abot ang mga emosyon na nais nitong iparating sa mga manonood. Dito naman sa puntong ito, napapatingkad ang kontribusyon ng sayaw bilang form of expression at bilang bahagi ng kalinangan ng sining. Hindi lang basta sayaw kundi pagpupugay na rin sa kultura ng mga kapatid nating Muslim kung saan ang sayaw ay isang matatawag na way of life. Sa isang kritikal na intersection ng mga elemento ng sayaw (o kawalan nito) at drama, hindi matatawaran 'yung eksenang pilit isinasayaw ni Rashiddin ang walang buhay na si Jamila.
Sa kabila ng ‘sandamakmak na pagbabahagi ng dula bilang educational material (na tingin ko ay gawin sanang isang essential viewing para sa mga estudyante), hindi naman nito nakalimutan ang audience na pumunta lang sa tanghalan upang maglibang. Naaliw ako sa huling stage design ng isa pang National Artist for Theater and Design na si Salvador Bernal na pumanaw noong isang taon matapos maitawid ang unang serye ng staging ng dula. Ang ilang appreciation ko sa teatro noong early 90’s ay bunga ng kanyang disenyo bilang kolaborasyon sa mga TP plays na idinirehe ni Nonon Padilla. Para sa “Sintang Dalisay”, walang masyadong palabok sa entablado. Isang platform ang nasa dulo kung saan nakaupo ang mga musikero at isang simpleng sculptural piece sa itaas nito. Sa ganitong asta, malinaw na ang totoong bida sa pagtatanghal ay ang musika at ang igal na nakakaaliw mabigyang-buhay mula sa ensemble ng Tanghalang Ateneo. Napunan ng direktor ang mga inaasahang paggamit ng isang payak na espasyo upang magkapagkuwento ng isang trahedya na hitik sa character at plot development. Naipakita n'ya nang maayos ang transition at nagamit ang katahimikan kung kinakailangan. Gusto ko rin ang coda na ginawa ng starcrossed lovers sa dulo matapos ang curtain call. Ang choreography naman ni Matthew Santamaria ay mainam sa mata. Nakakahawa ang mga sayaw kung saan ang mga mangingibig ay nag-uumapaw sa kanilang kaligayahan at nakakadurog ang suhestiyon sa dulo na walang espasyo sa marahas na mundong ito ang pagsintang dalisay nina Rashiddin at Jamila.
N’ung una kong napanood si Kalil Almonte sa “R.I.P” ni Alvin Yapan para sa ENTABLADO (narito ang kaugnay na blog), nasabi ko na nasa ibang liga na ang aktor na ito. At hindi ako nagkamali nang napanood ko s’ya bilang Rashiddin para sa Tanghalang Ateneo. Ang kanyang Romeo ay inosente, magilas, mapangahas at nag-uumapaw sa pag-asam na mapasakanya ang pag-ibig na pilit n’yang sinungkit at nabigo. Nakasabay s’ya sa hamon na magsabuhay ng isang role na kinakailangan ng pisikalidad at hinihinging indak. Hindi lang isang ganap na aktor ang aking nasaksihan kundi isang performer na napapalamutian ng versatility sa kanyang balikat. Nakuha naman ni TashaTañada ang hinihinging fragility ng karakter at ang kanyang Juliet ay nakasabay sa demand ng kanyang Romeo.
Walang masyadong pagsidlan ang nag-uumapaw na karanasan kong mapanood ang ganitong dula (sa estilong trahedya) na naigapang ang dalawang mahirap na layunin sa pagtatanghal: to educate at to entertain. Andami kong napulot para sa isip at marami itong naipunla sa dibdib kahit na makailang beses ko nang napanood ang "Romeo and Juliet" sa iba't ibang hugis at pagkabuhay. Ang imahe nina Rashiddin at Jamila na umiindak sa saliw hindi lang sa igal kundi sa kanilang pag-iibigan ay hindi ko makalimutan kahit na noong Agosto ko pa ito napanood (at papanooring muli sa darating na national theater festival sa CCP sa Linggo, November 11). Maliban sa ideya na kaya palang pagsabayin sina Shakespeare, G.D. Roke (at Rolando Tinio) at ang igal, pinaalalahanan din ako nitong tanggapin ang kapalit ng pagsugal sa kaligayahang magmahal. Isa na rin itong babala na ang pinakapurong uri ng pagmamahal ay walang lugar dito, na baka ito ay isang ilusyon lang. Dalawang mukha ng lason ang gusto nitong sabihin. Una ay 'yung pangaraping maging dalisay ang isang relasyon o, sa baliktad na pananaw, panatilihin itong merong bahid upang magtagal.
Sunday, October 28, 2012
Movie Digest # 087
THE AMAZING SPIDER-MAN
Movie Center - Montevideo Shopping, Sala 3D, July 3, 7:00pm
Marc Webb of “(500) Days of Summer” fame did a wonderful job in recalibrating the popular franchise to a younger audience. It felt like it’s targeting the “Twilight” market and it worked massively in that angle. As a popcorn superhero film, it was average for me. I appreciate it when a protagonist endowed with superpowers doesn’t seem invincible, exposing his soft spot that can only be mended and protected with the help of other people. Andrew Garfield is perfect as Peter Parker physically but a toned down script would help him avoid falling in the trap of exerting too much especially in those scenes that require melodrama. Emma Stone just complements her partner’s presence. Their chemistry is definitely one of the guilty pleasures that the film has concocted.
Friends who might appreciate it: Easy to recommend to anybody.
THE DARK KNIGHT RISES
SM Mall of Asia, IMAX, Theater, July 20, 1:25pm
I remember liking Dark Knight and Inception because it’s too serious for its drive regardless if the audience was too receptive of it or not. This latest film from Christopher Nolan tried to soften a bit, bordering to some cheesy storylines and double dead take on human heroism. Set pieces remained sleek though. The chase scenes were enjoyable and the CGI was just flawlessly executed. Tom Hardy did a terrific job as Bane. He’s physically menacing even with his mask on. Hopefully it lives up to its promise as brought up in the epilogue.
Friends who might appreciate it: Those who blindedly think that Christopher Nolan is a god.
THE HEALING
Glorietta 4, Cinema 5, July 31, 9:55pm
Created in the same campy mold as Chito Roño’s other horror “Feng Shui”, the film gambled on giving Vilma Santos a project that was expected to earn money and provide cheap thrills. I am not sure about the box office returns but it did provide some scares when I saw it. Plot is about a neighborhood who is embroiled in a karma-like situation. The neighbors are having a second lease on life with their own set of illnesses after a life insurance agent’s dad was attended to by a faith healer named Elsa (who happens to be the name of Nora Aunor’s character in the masterpiece “Himala”). It may be low in coming up with a compact and weighty story to connect with but at least it gave its main chunk of meat a good production value and execution. The one involving a Chinese temple is my favorite. I also have to note that Jerrold Tarog did a wonderful job in the editing department. The ending, for instance, did not linger much on the drama and the realizations. Star Cinema also released two versions of the film. One is R18 which contains more gore and the other, to reach to a wider audience (read: more money), R13.
Friends who might appreciate it: Vilmanians, no less.
STEP UP REVOLUTION
Greenbelt 3, Cinema 5, August 10, 8:50pm
I only saw the first “Step Up” and made it a point to skip its sequels. This time, the installment featured some flash mobs which got me curious. Dances were used as a way to resolve the flimsy conflict on oppression in a Miami neighborhood and, as expected, the good won over evil. There’s nothing much to root for but I enjoyed the sleek dance numbers. Lead stars Ryan Guzman and Kathryn McCormick are both cool with their roles but that’s about it.
Friends who might appreciate it: Followers of the series.
THE BOURNE LEGACY
Greenbelt 3, Cinema 4, August 10, 11:20pm
The first thing that the franchise got succeeded at was the transition it did from Matt Damon’s original character to Jeremy Renner’s. Tony Gilroy effortlessly closed an old book and opened a new one, brimming with equally plausible characters and engaging action sequences. The extended chase scene alone in Metro Manila is worth the ticket. Then there’s the ever reliable Rachel Weisz and the Filipino cast whose main requierement for me was not to distract. The epilogue was suggesting that a sequel is already under negotiation. There’s this fleeting observation that it was abruptly cut but I liked it as it is.
Friends who might appreciate it: Those who participated in the 3-month shoot in Pasay, Binondo, etc.
BRAVE
Market! Market!, Cinema 3, August 11, 2:15pm
It’s been a while since I’ve seen a subversive feminist film. Surprisingly, it’s an animated movie and it’s from Pixar. Let me count the ways. First, it’s a princess movie that doesn’t have a prince charming. Secondly, it’s actually a mother and daughter film and this one’s highlighted with all the male characters that were portrayed as exaggeratedly barbaric. Not to be too biased, the witch was also a woman. Thirdly, the part that turned the mother into a bear was telling something about what’s internal or what’s within regardless of the external appearance. For me, that alone boasted of gender sensitivity and equality. Fourthly, one pivotal task that the female protagonists needed to accomplish involves sewing which is, by custom, attributed as something girly. Lastly, the Stonehenge type structure signifies traditions or beliefs that stood there since time immemorial only to be destroyed by a woman empowered by her newfound strength and love for her family. I can say that this one’s the most memorable and satisfying Pixar films I’ve seen. Hopefully, it would inspire more children to find their own voice and willpower regardless of their sexuality.
Friends who might appreciate it: Everyone.
THE REUNION
Waltermart - Makati, Cinema 3, August 18, 2:50pm
It’s made of stuff that I wish to see from Star Cinema. It remains empty but it is more risky compared to their other so-called blockbuster comedies. I won't recommend it because of the association with Eraserheads but at least it gave me an illusion that perfect barkadas do not disband. Kinda teary eyed when “Minsan” was played in a scene when things started to go wrong. The song was prophetic enough for me about the band's break-up when I first heard it. For anything tribute-y, I like the Lynch Hotel part the best. Automatic minus points though for the obligatory chase scene. I can say that Frasco Mortiz is a director to watch out for.
Friends who might appreciate it: At the very least, those who haven’t heard any Eraserheads song yet.
JUST ONE SUMMER
Waltermart - Makati, Cinema 1, August 18, 5:50pm
It’s made of stuff that I hate from Star Cinema. It so happened that at least it got the message across. Definitive Mac C. Alejandre film: shampoo commercial cinematography, crane shots straight from a Sunday musical variety show and the locations, all postcard-friendly. Elmo has the presence but it was Julie Anne who has the acting chops (she's a promising singer after all). As I see it, the film was produced basically for the fans (which I am not) and to earn money (on this one, I am sure, I contributed). I just feel sad for Joel Torre. We almost didn't notice him in The Bourne Legacy and now he's hit in the face by a tweenstar. Nevertheless, he shines in all his scenes, be it melodramatic or not.
Friends who might appreciate it: Worth repeating, Julie – Elmo fans.
GUNIGUNI
SM Megamall, Cinema 8, August 27, 2:10pm
The Doppelganger phenomenon is once again explored in this horror film, just a few weeks after “The Healing” was shown. It’s well thought of and at least, the “double walker” here managed to make love with the one of the male characters. It worked effectively with the quiet moments but very underwhelming with the big ones (death scenes, revelations, etc.). Also, multiple POVs could be effective if it has an anchor that pulls everything together. Good to see new names though on the technicals and some are commendable: photography, production design and musical score. The cast is actually notable, from Lovi Poe to Gina Alajar then Julia Clarete and the newcomer Benjamin Alves.
Friends who might appreciate it: I couldn’t imagine anyone.
HOPE SPRINGS
Shangri-la Cineplex, Cinema 1, August 27, 4:40pm
Performances from Tommy Lee Jones and Meryl Streep are engaging from start to finish even if the characters are not relatable from my perspective. It’s about an old couple who’s undergoing a marital problem. They ended up seeking the help of a psychologist played by Steve Carell. It’s a simple premise set in a small town. Director David Frankel (“The Devil Wears Prada”, “Marley & Me”, etc.) made it a point to downplay the execution and it worked. I liked it being talky and oftentimes stagey but it remains a Hollywood template for me.
Friends who might appreciate it: Probably those couples who are in the same boat.
SAFETY LAST
Shangri-la Cineplex, Cinema 2, August 27, 7:00pm
I’ve seen this as part of the 6th International Silent Film Festival. It was the only entry I have seen and I am sure that I missed a lot. Radioactive Sago Project provided the live musical score to this 1923 film starring Harold Lloyd as a man who pretended to be making it big in the city just to please his soon-to-be wife. The film, by the way, is best known as having a scene with a man hanging on a giant clock. Live performance aside, it remains a thrilling experience especially for an acrophobic like me.

HARANA
UP Film Institute, Cine Adarna, August 28, 8:00pm
The film reminds me about what a documentary should primary fulfill: to document. On the outer layer, it's about archiving the lost Kundimans through some haranistas gathered from Cavite and Ilocos. With that, audience is then hit on lack of sense of history as some harana pieces are no longer accounted and credited for. Along the way, the documentary shifts to another tune. It becomes a tale of mucisians on the road trying to accomplish a lot of things including helping out a guy court a girl and educating the young ones with what's lost and found again. For the road trip part alone, some raw emotions are captured which highlighted the whole film viewing experience.
Friends who might appreciate it: Every Filipino.
I DO BIDOO BIDOO
Glorietta 4, Cinema 4, August 29, 7:10pm
A mixed bag for me: OK script for a simple premise, hit-and-miss song numbers, good choreography and a punchline in the last scene that betrays the film being a salute to OPM. If there's one performer who I think is really up for the triple dare of dancing, singing and acting, it has to be Sam Concepcion. His participation in the film just upped the ante and it would be very difficult not co compare him with the other cast members. The funniest part for me was the scene with Eugene Domingo and Ogie Alcasid singing “’Di Na Natuto” though it was also the most off key sounding among the songs (at least for a non-singer like me). But I have to note that the most interesting cameo came from John Lapus who appeared as a drunken videoke bar host. I am not sure if he was really drunk during the shoot but his short display of emotions highlighted a particular subplot. Apo Hiking Society compositions are made more beautiful by the musical. The song in every scene came naturally and just appropriate. Hopefully they allot one screening a day where people can sing along.
Friends who might appreciate it: OPM lovers (and haters).
AMOROSA
Glorietta 4, Cinema 5, August 29, 9:40pm
Based on the crowd's reaction, this template horror film worked in most scenes. I liked it being fast paced and the performances from the three leads especially from Angel Aquino are earnest enough. Though the Toppel Lee’s vision is loud and clear, I don't find anything new.
Friends who might appreciate it: Angel Aquino fans.
PARANORMAN
Glorietta 4, Cinema 1, September 8, 9:25pm
Impressive animation but premise-wise, it's your usual Hollywood fare. I'm not sure if kids would appreciate this film that discusses third eye and the afterlife but it's entertaining nonetheless. The finale was a bit stretched and I didn’t get any redeeming values from it.
Friends who might appreciate it: Adults for sure.

Saturday, October 20, 2012
Dalawang Mukha ng Kanser
Noli Me Tangere, The Opera
Produksyon: Dulaang UP
Direksyon: Alexander Cortez
Libretto: Guillermo Tolentino (halaw mula sa “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal)
Musika: Felipe Padilla de Leon
Mga Nagsiganap: Ivan Niccolo Nery, Myramae Meneses, Jean Judith Javier, atbp.
Kanser
Produksyon: Gantimpala Theater Foundation
Direksyon: Adriana Agcaoili and Jheyar Caguimbal
Mandudula: Jomar Fleras (halaw mula sa “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal)
Mga Nagsiganap: Jay Gonzaga, Cris Pastor, Marj Lorico, atbp.
Ang unang unang malaking ambag ng pagsasadulang muli ng opera version ng Noli Me Tangere ng DUP ay ‘yung pagpupugay na binigay nito sa National Artist for Music na si Felipe Padilla de Leon. Aaminin ko na wala s’ya sa aking limitadong bokabularyo. Sa tulong ng playbill, d’un ko lang nalaman na s’ya pala ang kompositor ng mga traditional na Christmas song kamukha ng “Pasko Na Naman”, “Noche Buena” at “Payapang Daigdig”, maliban sa ilang arias at harana pieces na sa pagdaluyong ng panahon ay tuluyang matatambakan ng alikabok. D’un ko rin nalaman na s’ya pala ang founding president ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP) na hanggang ngayon ay tumutulong sa pagprotekta ng legal rights. Ang librettist nito, si Guillermo Tolentino, ay isa ring National Artist para naman sa Visual Arts. S’ya lang naman ang gumawa ng seal ng ating republika at s’ya lang din naman ang lumilok ng oblation sa UP. Ang pagsasateksto ng Noli Me Tangere para sa operang ito ay isa lang pagsasalarawan ng kanyang versatility.
Hindi rin ako masyadong well versed sa opera. Bilang pa sa mga daliri ang aking napapanood kaya’t may kasabay na prosesong matuto ang panonood nito. Maliban sa matataas na nota at ang kakaibang display ng pagkanta nito, ang pinaka-glaring na kakaibang experience dito ay ‘yung panonood ng pagtatanghal na kontrolado sa bawat paghampas ng baton ng maestrang si Camille Lopez-Molina na nakaupo sa front row ng Wilfrido Ma. Guerrero Theater. Napansin ko rin na dahil nga siguro opera ito, naka-highlight ang mga solo number ng mga karakter kung saan nagsisiwalat sila ng kani-kanilang agony. Nakabalangkas pa rin naman sa daloy ng mga chapter ng libro ni Jose Rizal ang obra pero mapapansin ang pagbibigay-diin sa mga pasakit na naranasan at naramdaman ng ilang key characters dito kamukha nina Maria Clara at Sisa.
Naniniwala ako na ang dalawang nobela ng ating pambasang bayani ay pawang nasa anyo ng aktibismo. Gusto nitong magising ang sinumang babasa at hindi para ma-enjoy lang ang literary composition nito. N’ung una, ang naisip ko sa adaptation sa isang opera, mas mababahiran ito ng conceit ng pagkasining at matatabunan ang nais nitong ipamulat sa audience. Kung tutuusin, parang walang katapusan ang pagpapagising na gustong gawin ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil naririyan pa rin ang mga ulupong na gusto nitong kitilin. Natakot lang ako na baka hindi maantig ang audience at mag-focus ito sa pagka-opera ng materyal. Nagkamali ako. Si Sisa na pinakamalungkot na representasyon ng social ill sa libro ay may kaangkop na vindication na sa mga aria n’ya lumabas ang lahat ng himutok ng bayan. Litaw na litaw ito sa huling bahagi ng opera. Gusto lang sabihin na kasing baliw ni Sisa ang audience o taong bayan, kasing paralitiko n’ya at kasing rupok na basta na lang hinayaang magahasa ng pagmamaltrato.
Bagama’t nagmukhang masikip ang entablado sa stage design ni Gino Gonzales na punung puno ng kawayan, hindi naman ito naging sagabal. Nararapat lang ito sa isang pagtatanghal na hindi naman nangangailangan ng marangyang choreography at ensemble singing. Masarap sa mata ‘yung set, Pinoy na Pinoy ang ambience at hindi kailanman naging agaw-atensyon. Nagamit din nang maayos ang mangilan-ngilang video ni Winter David upang makadagdag ng kinang. Tingin ko, kung meron mang theater group na maingat sa eksaktong paggamit ng audio-visual sa dula, DUP na siguro ‘yun. Hindi ko man mabibigyan ng hustisya ang galing ng mga nagsiganap na Crisostomo Ibarra (Ivan Niccolo Nery), Maria Clara (Myramae Meneses) at Sisa (Jean Judith Javier) dahil wala akong masyadong alam sa opera pero nakarating naman sa akin ang mga pasakit na kanilang pinapasan.
Ang atake naman ng Gantimpala Theater sa straight play adaptation ng Noli Me Tangere ay mas academic at mas konserbatibo ang pagkakabalangkas. Napanood ko na ito noon ng dalawa o tatlong beses (Neil Ryan Sese at Jao Mapa bilang Crisostomo Ibarra) at base sa aking napanood, wala namang binago na madaling mapansin. Na-challenge lang ako sa ideya na panoorin ito sa isang libre at pampublikong tanghalan kamukha ng Concert at the Park Open Air Auditorium sa Luneta. Naisip ko, baka mas angkop itong medium para sa isang akdang umaapila ng aktibismo mula sa mga manonood.
Magkahalo ang likaw ng audience nang ipalabas ang dula. May ilang pamilyang nagpi-picnic na may dala-dalang hapunan na nakaplastik at may ilan ding guro na may bitbit na bag. Nakita ko ring dumaan ang pamosong curator at pro-RH Bill personality na si Carlos Celdran na hila-hila ang dalawa o tatlong aso. Ang ilan naman ay magbabarkada na nais lang masilayan ang mga artistang kasali. Hindi maiiwasang makarinig ng diskusyon at daldalan sa gitna ng palabas. At kahit ako, hindi ko napigilang lumantak ng tsitsirya at softdrink dahil alam kong kasali ito sa experience at baka hindi ko na maranasan sa ibang pagtatanghal. Medyo malamok ang lugar dahil malapit ito sa Chinese Garden (kung hindi ako nagkakamali) pero naghanda naman ako rito sa pagbili ng tigbebenteng Off lotion sa pinakamalapit na tindahan doon. Sa kalaunan ng dula, biglang bumuhos ang ulan at ang karamihan sa mga manonood ay humangos mismo sa stage dahil meron itong bubong samantalang ako ay nanatili sa sementadong upuan ko gamit ang isang maliit na payong. Tuluy-tuloy lang lang palabas.
Sigurado akong nakatawid naman ang nobela ni Jose Rizal at matutuwa ako kung makakapasok ito sa kamalayan ng isang out-of-school youth na hindi man lang umabot ng third year highschool (kung kailan pinag-aaralan ang nobela). May ilang pagkakataon na ‘yung nanay sa likuran ko ay nagbibigay ng konting background sa kanyang mga anak at ito ay isang magandang bagay. May hinala pa rin ako na mahaharang ng pagka-escapist na experience na makapanood ng isang dula (ang kakaibang paggamit ng ilaw, ang magagarbong costume, ang karupukan ni Cris Pastor bilang Maria Clara, ang stage presence ni Jay Gonzaga bilang Crisostomo Ibarra, ang mga hikbi ni Marj Lorico bilang Sisa at ang malaking buwaya) ang panggigising na gustong gawin ng obra pero mabisa na itong simula. ‘Paglabas ng auditorium, makikita ang kumpul-kumpol na taong naglilibang at nagpapalipas ng oras sa tagiliran ng pond na merong laser show. Marami pang puwedeng pukawin si Jose Rizal na sa hindi kalayuan ay nakahimlay at ginaguwardiyahan.

Ang larawan ay kinuha mula sa clickthecity.com

Ang larawan ay kinuha mula sa website na ito

Tuesday, October 16, 2012
Got a Snow Patrol Concert Shirt
First, let me get this straight. I am not a Snow Patrol fan. It’s more of I just know them. I first listened to them back in 2005 while I was on my second onsite assignment in Belfast. That time, it was the farthest city from Manila that I’ve been to. And it was wintery and sad even with the presence of Pinoy colleagues that eventually became my close friend. We got along with music from the radio, specifically from the car stereo that four or five of us shared on our way to the client’s office just outiside the city. That’s every single work day in a span of three to four months.
I remember Keane. I remember McFly. I remember a duet by Delta Goodrem and Brian McFadden who just turned solo that time and left Westlife for good. Let’s just say that 2005 was the year when I first had the closest encounter with Brit pop. That includes my trivial affiliation with Snow Patrol and the trigger song was probably “Run”.
When I first learned that the band was stopping by in Manila for a one-night concert, I knew it already that I had to see them perform live. Never mind that I am familiar only with a few of their songs that span from 1998 down to 2011. It’s part of the Fallen Empires tour anyway. I just had to familiarize myself with the latest album to avoid being a vegetable for the duration of the concert.
Three days before their concert last August, there was a heavy monsoon rain that paralyzed some of the streets in the metro. Smashing Pumpkins was also scheduled for a concert two days prior to Snow Patrol’s but it was reset the day after just to pacify the mood of those affected by the calamity, not to mention the safety for those who were still willing to brave the rain.
The weather cooperated just in time for the Snow Patrol concert. Though it wasn’t raining during the day, it was gloomy. I reached the venue by MRT an hour early. I got in and bumped into The Richard Bolisay again with two girl friends while I was about to get some food. I then explored the souvenir booth. That time, I only had P600 in my wallet and I wanted to buy the shirt badly for P800 each. They didn’t have options for credit card transactions and worse, for the record, there’s no ATM inside the venue. When I was about to get out to withdraw money, I was warned that I can no longer come in. Obviously, I don’t frequent the coliseum as I am not familiar with the said inconvenience. I tried calling Chard but he can’t be reached, not to mention that the Globe signal was very weak. Where was I again? Oh, Smart – Araneta Coliseum.
Out of nowhere, I saw an ex-officemate with a very prominent last name. She was alone that time and we were on the same seat section. I had no choice but to share my dilemma. Without blinking, I asked if I could borrow money from her and she obliged without questions. We then exchanged numbers, primarily to keep in touch on how I could pay her up. She joined me back to the booth and even suggested the shirt design to choose. Since it was the last piece for my size, I grabbed it.
Some of the songs performed that night, as expected, were from the Fallen Empires album. It had been a favorite playlist for a few days already so I wasn’t that lost. A remix of “Berlin” opened the show and I recall them performing “In the End”, “This Isn’t Everything You Are”, “New York” and “Called Out in the Dark” among others. They also did some old hits like “Run” and “Chasing Cars” which became more popular when it was used in the love scene in the Star Cinema film “The Mistress”. My favorite track from the album is the upbeat “The Symphony” but it wasn’t included in the setlist that night.
Crowd was consistently ecstatic. I was surprised actually that they can fill the coliseum given the weather condition. Lead vocalist Gary Lightbody made it a point to interact with the concertgoers as if the band has been to the country before. He even sympathized with those affected by the flood and dedicated a sincere rendition of “Life-ning”. The song, by the way, enumerates things that matter in life like “a hand upon my forehead, the joke and the laugh, walking up in your arms, a place to call my own”.
The rain finally poured right after the concert. It was an ordeal getting a cab from the nearest building that looks like a call center hub. I decided to just go to EDSA with a tiny umbrella at hand and joined the crowd in waiting for a bus on the southbound lane. A taxi came after a few minutes and I hailed it. Never mind that my shoes were all damp as long as the newly bought concert shirt was dry as a bone.
The rest of the pics here and videos here and here.
Friday, October 12, 2012
Ely Buendia Once Performed His Greatest Hits and I Was There
About two months ago, music enthusiasts flocked to Hardrock Café in Makati to witness Ely Buendia perform his greatest hits. The long queue was a bit intimidating. I was so sure that I didn’t know all of Ely’s songs, especially those outside the Eraserheads radar, and the crowd would just eat me wholly everytime I miss the lyrics.
Three weeks prior, I was in Montevideo when I heard about the gig. Ely was basically asking for some help from everyone to raise fund for A. Mabini Youth Center. It’s just a small show, meaning no Ticketworld reservation whatsoever. The how-to’s include emailing a certain Benjamin (who’s very nice based on the email exchange), waiting for a confirmation, depositing the payment and emailing the scanned copy of the transaction slip. Not in any bank but just Union Bank. In short, for my case, I had to ask some apartment folks a big favor to have the whole thing settled for me.
I remember being in the area at 7pm past. Part of the instructions from Benjamin was to redeem the ticket at the entrance by presenting the confirmation in PDF form. This one went well, if not sidetracked by the souvenir shirts and posters lying on the table. Chard (the Richard Bolisay) came (more of arrived because he’s The Richard Bolisay, there’s a noble difference) after 30 minutes. Since we were informed that the show will start as late as 10pm, we decided to proceed to Food Choices which is on the other side of Glorietta to have some dinner.
When done with the food and right before we bashed another film buff, I got a text from Trish that the gig has started already. It was only 9:15pm. We hurried back to Hardrock in denial that we’ve probably missed a song or two. I felt sorry for Chard and more importantly, I felt sorry for the fan in me. I mean, that was Ely Buendia singing his greatest hits in a venue that is not Saguijo, with a quartet-esque accompaniment and wearing a Hogwarts-like, preppy suit. How could I possibly abandon the very first part of the experience?
The moment I caught him sing his third song, “Maling Akala”, I knew I had forgiven myself. Hopefully, it was the same for Chard. As expected, the resto-bar was packed. We stayed close to the wall just opposite the mini-stage and tried our luck from there to fit in the crowd. That part was easy but the iPads used as a camera, that’s another story. “Huwag Mo Nang Itanong” was just right on cue.
Trish said that we missed “Alapaap” and “Ligaya”. The consolation is that at least I had the chance to catch the rest of the excellent playlist like “Magasin”, “With a Smile”, “Light Years” and “Fill Her” in a set-up that is far from his other small gigs. It was still intimate though. There was supposed to be a gap between two sets but Ely just sang (and played a guitar) a medley of his hits that included “Trip to Jerusalem” plus other songs that either I can’t remember or I didn’t know the title. “Tindahan ni Aling Nena” was given a fresh kick and it was a delight to hear such a masa song in a sosy place. The touches of harmonica for the “Pare Ko” number gave an equally entertaining nostalgia but it was “Huwag Kang Matakot” that reaffirmed why I braved the sucky ticketing procedures and why I easily moved on after missing the opening song. Ely, by the way, looked transparently happy all through out and that’s the most important thing.
He capped the short but sweet gig with “Tikman”. Though fans were still clamoring for more, we ended up heading to the bar area and redeemed our share of iced tea. Beer was an option but it was unusually busy that time so we only grabbed what was the easiest to grab. Trish and I caught up after the instant mosh pit was cleared. Chard introduced CJ de Silva to us and what followed was a brief photo opportunity. Trish was with Jeff whom I will always remember as a guy who has a tattoo of Ely Buendia’s signature on his left arm.
The rest of the pics here plus a video of Magasin here and With a Smile here.
Friday, October 05, 2012
Mga Endangered Species
Ang Tagak
Produksyon: Dulaang UP
Direksyon: Tony Mabesa
Mandudula: Rolando Tinio (halaw mula sa “The Seagull” ni Anton Chekhov)
Mga Nagsiganap: Frances Makil-Ignacio, Carlo Tarobal, Nadine Samonte, Menggie Cobarrubias, atbp.
Matapos ko itong mapanood, nagkaroon ako ng impression na galit sa probinsya si Chekhov. Hindi ko masyadong matandaan kung ilang dula na n’ya ang napanood ko pero ang huling dalawang malinaw pa sa hinagap ko (“Three Sisters” ‘yung isa) ay parehong nagtanim ng komentaryo sa desolation na bugso ng pagkakalayo sa siyudad. O, baka nangangailang hukayin ang historical background n’ung panahong isinulat ito upang lubos na maintindihan ang punto. Para sa akin na lumaki sa probinsya at unang nanirahan sa siyudad n’ung nakatapak lang sa college, hindi ko masyadong maisiping ang sarili sa melancholia na nais nitong ibulalas. Ang iniisip ko sa probinsya ay pamilya, tahanan, kaibigan, kamuwangan at ilang mumunting alaala ng paglago at pagkabigo.
Maraming karakter ang dula pero halos umiinog ito sa apat na pangunahing tauhan. Ang artistang si Irina Arkadina (Frances Makil-Ignacio) ay ina ni Konstantin Treplev (Carlo Tarobal) na ang kasintahang si Nina (Nadine Samonte) ay umiibig sa nobelistang si Boris Tagurin (Menggie Cobarrubias) na kasintahan naman ni Irina Arkadina. Bagama’t madaling susugin ang apat na karakter sa isang larong musical chairs, hindi ito nakahimpil dito. Tungkol din ito sa mga taong namumuhay (o nagbabakasyon) sa probinsya, tungkol sa iba’t ibang porma ng sining, tungkol sa end of era at tungkol sa pagkalugmok bunga ng pagkasawi sa pag-ibig.
Merong apat na akto ang dula at kung susuriin, ang lahat ng mga importanteng kaganapan dito ay nangyari na hindi pinapakita sa audience: ang pamumulaklak ng pagsasama nina Irina Arkadina at Boris Tagurin, ang pagkabuntis ni Nina at ang pag-iwan sa kanya ng nobelista at ang ilang pagsuko ni Konstantin sa depresyon. Ang kahusayan ni Chekhov (na sinang-ayunan ng translation ni Rolando Tinio), hindi n’ya ito lahat ipinapakuwento sa kanyang mga tauhan. Idinadaan n’ya ito sa mga reaksyon at metaphor na parang wala naman talagang nawala sa mensahe nito sa mga manonood. Nandoon pero wala naman talaga. Hindi makita pero merong nakakarating.
Ang pagkamatay ng tagak sa ikalawang akto, halimbawa, ay napakarami nang gustong sabihin. Inalay ni Konstantin ang hayop kay Nina. Maaari itong tumukoy sa isang panatag at magandang bagay kamukha ng pag-ibig na hindi na kailanman masusuklian. Puwede rin na ang gustong sabihin ay ang pagkamatay ng sining sa pagdating ng bagong era. Puwede ring pagkamatay ng moralidad sa kabila ng nirerespetong pagtingin sa kahusayan sa pagsusulat ng nobelistang si Boris Tagurin.
Napaka-classic ng pagkaka-envision ni Tony Mabesa sa materyal. Hinubaran ito ng kung anu-anong palabok at palamuti. Wala itong audio-visual gimmick, walang deconstruction at walang anumang bahid ng kanyang opinyon sa content nito. Maging ang blocking ay napaka-old school. Kalkulado at balanse ang focus ng sinumang nagsasalita at ang stage design ay kailanman hindi naging agaw-atensyon. Sa mundo ng Philippine theater na sagana sa reimagining ng kung sinu-sinong Ponsyo Pilato, ang produksyong ito ng DUP ay maihahanay sa mga endangered species. Isang paalala lang din na ang staging ng kahit anupamang inaagiw nang materyal ay nananatiling sariwa sa mundo ng teatro.
Wala akong masabi sa cast dito. Umasa talaga ako na wala akong masasabi sa kanila dahil Tony Mabesa ito. Nang matapos ang dula, tinanong ko si Miss Frances kung nacha-challenge pa ba s’ya sa mga gan’ung role (diva, artista, nanay). Mabilis s’yang sumagot ng “Oo naman!” Sinabi n’yang mahirap daw sabihin sa sarili ‘yung maging sariwa at batang bata. Napangiti ako. Matagal-tagal bago ko makalimutan ‘yung kanyang reaction sa isang eksena bago magwakas. Naka-deliver din para sa akin si Nadine Samonte. May hinihinging pagka-newby ang mga unang eksena ni Nina na n’ung una ay nahihirapan akong basahin kung nangangapa lang ba talaga ang TV actress o deliberate. Nasagot ang tanong ko r’un sa eksenang tila nilamon na s’ya ng panahon sa may parteng dulo. Gusto ko rin ‘yung pagka-unpredictability sa linya ni Carlo Tarobal (ngayon ko lang yata s’ya napanood). Meron akong pakiramdam na parang makakalimutan n’ya ang linya pero mukhang gan’un lang talaga ang kanyang estilo. Nakamalas ako ng ganitong delivery kay Jao Mapa n’ung ginawa n’ya ang “Kanser” para sa Gantimpala Theater Foundation.
Kung meron pang pagkakataon, panoorin n’yo ang “Ang Tagak” sa dalawang dahilan. Una, para sa akademikong rason, upang maintindihan ang tinta ni Chekhov at upang masilip ang bahagi ng kanyang sensibilidad. Ikalawa at tingin ko ay kasing importante ng nauna, darating ang araw na mawawala na ang mga ganitong disiplina ng pagtatanghal. Kamukha ng pagpanaw ng ibon sa dula, baka lumisan na rin ang puting puting kagandahan nito. Hindi man natin lubusang masagip, kahit papaano ay nabiyayaan tayo ng pagkakataon na mamalas ang mapayapang pamamasyal nito sa lawa.

Wednesday, October 03, 2012
Ang SONA ng Philippine Theater
Le Praning Du Sining
Produksyon: AB Production Design and AB Technical Theater Programs (DLSU/CSB)
Direksyon: George de Jesus III
Mandudula: George de Jesus III (halaw mula sa “Le Malade Imaginaire” ni Moliere)
Mga Nagsiganap: Joel Saracho, Reuben Uy, Stella Cañete, Martha Comia, Issa Litton, atbp.
Dalawang dula ang nagpapalitan ng schedule para sa produksyon na ito. Una, ang orihinal na “Le Malade Imaginaire” ni Moliere na isinalin ni Charles Heron Wall sa Ingles. Ang ikalawa ay deconstruction naman ng materyal na isinulat ng direktor-mandudula na si George de Jesus III. Ang una, ayon sa program, ay nasa klasikong porma samantalang ang ikalawa, ang napanood ko, ay isang ekstensibong opinyon sa kung ano talaga ang gist ng imaginary invalid.
Hindi ko pa (yata) napapanood ang kahit na anong bersyon ng obrang ito ni Moliere. At hindi masyadong nakatulong na ang ang halaw ni G. de Jesus ay iba ang piniling direksyon. Kung ang orihinal na teksto, ayon pa rin sa program, ay tungkol sa isang matandang maysakit (Argan) na ikinumpromiso ang sariling anak na babae (Angelique) sa isang nakababagot na doktor (Thomas Diafoirus), ang adaptation naman ay nagkuwento ng dilemma ng isang artistic director na si Arman (Joel Saracho) na kumbinsido sa sarili sa pagkuha ng isang pamosong showbiz personality at indie actor para sa ikaiingay ng isang nalalapit na produksyon.
Malinaw naman ang koneksyon: integrity. Isa itong sundot sa kahinaan bilang tao, partikular sa mabilisang pagbulusok ng paniniwala (moral o kung anuman) para lang maisalba ang sarili o ang majority. Nagkataon na nasa ibang pedestal kapag sining na ang nakataya, kumpara sa, halimbawa, kahit anong propesyon na merong eksakto at siyentipikong panukat. Sinasabi natin na ang art ay expression ng sarili at kaluluwa, hindi ng sarili na namuhunan lang sa isang pagkakadalubhasa. Ibang usapan kung isang traffic enforcer ang nakipagkumpromiso sa isang violator o isang government official ang nagmamaniobra pailalim at kung isang artistic director ang bulag na luluhod sa demand ng takilya.
Mabuti na lang at ang kaluluwa ni Arman ay pinagtulungang isalba ng kanyang stage manager na si Toni (Stella Cañete), ang playwright na si Angeli (Martha Comia) at ang dramaturg na si Ver (Reuben Uy). ‘Yun nga lang, mahirap talagang kalabanin ang kalam ng sikmura. Hindi rin nakatulong na ang isang flamboyant at beteranong aktress (Issa Litton) ay patuloy na nagpapaalala na ang integrity ay matagal nang pilay dahil patuloy pa rin itong gumaganap sa mga papel na hindi na naaayon sa edad nito.
Nang naisalang na ang balangkas, marami pang sinambit na komentaryo ang dula bilang pagpapalawig ng tema nitong artistic integrity. At dito ako nag-umpisang magandahan sa adaptation. Lahat ay nakatago sa speaking lines na pumupukol sa ills ng Philippine theater. Madaling mawala sa range ng panahon at content nito pero siguradong ang bawat isa sa audience na merong malasakit sa teatro ay madali lang itong makukuha. Maliban sa kumpromiso sa paggamit ng mga sikat na artista (na hindi natin alam kung para sa takilya o para magsilbing awareness sa art o training sa isang baguhan), bumanggit din ito ng ilang award-giving body sa teatro na barometro ng pagkasining at ilang mga pangalan sa industriya na huwaran sa ideyalismo. Minsan ay halos hindi magkamayaw ang mga suhestiyon at opinyon sa dula habang si G. de Jesus ay nakaupo lang kasama ng audience at nakikitawa sa bawat kibot ng eksena.
Si Salvador Dali ang naisip kong inspirasyon ng stage design. Makulay ito, abstract at halos hindi gumagalaw maliban sa pagsingit-singit ng ilang maliliit na props. Ang costume ay wala ring kasing loud na tila karagdagang suporta sa isang mahabang editorial na ipinamalas ng dula. All in all, masarap tingnan ang set. Sa mga gumanap, banayad ang atake ni Joel Saracho sa karakter. Wala itong pasabog pero alam mong nasa crossfire s’ya ng mga nag-uumpugang prinsipyo. Mahusay naman ang mga suporta pero walang masyadong moment para sa kanila dahil malinaw na ang focus ay nasa statement. May ilang breather na song and dance number na medyo nakaka-turn off dahil sa pagka-amateur nito pero naiintindihan ko na ang palabas ay isang student project.
Nakakalungkot na aalog-alog kami sa teatro ng De La Salle-College of Saint Benilde School of Design Arts nang ipalabas ito. Marami itong gustong ibahagi na obserbasyon sa kalagayan ng theater scene. Nangangailangan ito ng mas maraming audience. Pero ‘yun nga, ang absence pa lang ng mga manonood ay isa nang statement mismo.

Sunday, September 30, 2012
Mga Laru-Larong Bata
4Play
Produksyon: Tanghalang Ateneo
Direksyon at Mandudula: Jandee Chua (“Manos”), Zye Carlos (“The Void”), Charles Yee (“Penitensya”) at Christopher Aronson (“Untitled”)
Mga Nagsiganap: Tanghalang Ateneo trainees
Curiosity ang nagtulak sa akin upang galugarin ang Fine Arts Annex sa Ateneo kahit maulan n’ung araw na ‘yun. Dalawang manong guard ang napagtanungan ko at tila pareho silang naliligaw sa pagbibigay ng instructions. N’ung nakita ko ang lugar, naisip ko, sana sinabi na lang nila na malapit sa Manang’s at mas madali ko siguro itong natagpuan. At kamukha ng paghahanap ng theater venue na una ko pa lang mapapanooran, ang mga dulang itinanghal ay kasing donselya ng experience.
Halata at nangingibabaw ang pagkabagito ng mga ipinalabas. Nakakatuwa lang na sa pagkahilaw ng mga ito ay makikitaan mo na ng ibubuga. Sa apat, pinakagusto ko ang “The Void” na hinalaw mula sa “The Silence” ni Haruki Murakami. Para sa akin, na-optimize ng mandudula ang naka-allot na 30 minuto para makapagkuwento sa pinakamadulang paraan. Gusto ko ‘yung pagkakagamit ng espasyo, ang blocking nito, ang eksakto at kontroladong pagganap, ang mga hinihinging katahimikan at ilang estilong Noh. Lumutang ang limitation ng short story material dahil hindi masyadong natahi ang resolution nito, o baka hindi lang masyadong maliwanag ang nangyaring transition. Ganoon pa man, nakuha pa rin ako nito.
May konting kalabit din ang huling akto ng “Manos”. Naiingayan lang ako sa umpisa at ang pag-arte ay medyo nag-uumapaw kesa sa inaasahan. Nakakaaliw ‘yung breather n’ung dalawang karakter na medyo discriminating dahil sila lang ang nagsasalita sa Filipino. May gusto kayang sabihin ang dula tungkol sa social classes o sa pagitan ng mga elitistang mandudula at mga maliliit na trabahador?
Para sa hapong iyon, wala akong masyadong pasensya (at hihingi ako ng paumanhin dito) sa mga dulang masyadong abstract. Ang take ko, kapag maiksi ang running time, may tendency na “dayain” ng mandudula ang oras at daanin na lang sa mga bagay na hindi konkreto upang maitawid ito. Ganito ang impresyon ko sa “Penitensya” at “Untitled”. Physically at emotionally draining man ang “Penitensya” at masasabi kong mahusay ang ilan sa mga nagsiganap dito, nawala ako sa context nito. Maliban sa paulit-ulit na pagyayabang na artista ang isang karakter, ni hindi ito nagbigay ng karagdagang clue kung nasaan sila. Masyadong exhibitionist ito na idinaan sa mga pag-arte na bumibirit pero parang wala namang natirang relevance o value. Kung teknikal ang pag-uusapan, ‘yung “Untitled” na siguro ang pinakamakinang sa apat. Meron itong precision at mataas ang antas ng stage design. ‘Yun nga lang, wala rin akong napulot na wisyo mula rito.
Bibigyan ko lang ng diin na handa ako sa mga laru-larong bata nang mapanood ko ang 4Play. Umaasa ako sa mga karupukan nito at umaasa rin ako na may ilang aspeto akong magugustuhan at aabangan kapag sumabak na ang mga trainees sa Tanghalang Ateneo. Kung papatulan ko ang gimik sa titulong ito ng koleksyon ng mga dula, puwedeng puwede na silang tumuloy sa sex proper (kung meron mang ganitong kataga).

Subscribe to:
Posts (Atom)