Hindi natapos ang Oktubre ko n’ung isang taon na walang Halloween event. Dalawa pa, for the record. ‘Yung isa ay pinawisan ako samantalang nanginig naman ako r’un sa isa, among other things (namangha, nalasing, dumaldal, naaliw).
Office Trick or Treat
Una, merong Trick or Treat gimik sa office n’ung October 27 (Huwebes). Kadalasan, isinasabay na rin ng social club ang Halloween costume contest mula sa magkakalabang grupo (‘yung sa amin, H.o.R.N.Y ang pangalan). Tatlong category this year: (1) manager na naka-costume, (2) Amy Winehouse at (3) Azkals. Hindi ko alam kung politically insensitive na i-consider si Amy kahit napayapa na para sa sa ganitong takutan event pero kahit ano pa man, challenging s’ya sa creative mind. Kunsabagay, si Elvis nga, madalas ding gawing caricature. ‘Yung Azkals, yeah, matunog din pero sobrang challenging.
Prior to the event, nag-back out na ‘yung manager namin sa team. Meron daw meeting. Eh since naka-ready na ang kanyang ever reliable Chewbacca costume at ako raw naman ay pwedeng Manny-ger, ako na lang daw. I understand na punishment ito sa pagiging onsite ko for a time pero sige lang. Besides, pwedeng thing to do before you die ang magsuot ng mascot costume. Sa Amy Winehouse, naisip naming lalake ang damitan nito. May nakareto na rin na make-up artist para rito. Sa Azkals, since ang hirap mamilit ng sasali, magsuot na lang daw ng black shorts and shirt and long socks then perong owner n’ung mga ginupit na maskara mula sa totoong Azkals. Ang isa ay nag-volunteer din na damitan na a la fairy to represent, err, Angel Locsin (na maskara lang din).
Alam ko na na mainit ang mga mascot costume pero hindi ko inaasahan na gan’un kainit. Hyper ventilation ba’yung inabot ko? As in in-Ondoy ko ng pawis ang costume na parang plastic ang texture sa loob. Not to mention na hindi gan’un ka-convenient ‘yung mga butas sa mata. At some point, gumamit pa ako ng shades as advised by the owner kaso nagmo-moist lang s’ya kaya tinanggal ko na rin. On top sa pagkakataon na sinisipon pa ako at medyo mahirap huminga mula sa loob. Ang tagal ng mga bata para sa sa trick or treat!
‘Yun nga lang, minsan, sinuswerte ka. We bagged the top prize for Amy Winehouse (more of Amy Beerhouse, they said) and the Azkals (akalain mo ‘yun?).
The PSF Halloween Party
‘Yung kinasabaduhan n’ung week na ‘yun, naimbitahan naman ako bilang jury sa ilang Halloween contest ng Stagers sa kanilang studio sa may Balic-Balic. ‘Sakto naman ako sa oras nang dumating pero marami nang tao noon. Medyo crowded, actually, at sa crowd na ‘yun, si Kierwin pa lang ang medyo kakilala ko na. May inaayos pa yata si direk Vince na hindi ko pa rin talaga nakakausap nang matagal sa personal. Nevertheless, napaka-accommodating ng mga sumalubong sa akin doon. Ako na lang talaga ang nahiyang kumain.
Mga 10pm, nag-umpisa na ang ilang contest. Hinati sa apat na competing teams ang mga Stagers at sa dalawang contest, meron silang bet. Ang unang contest ay parang monologue ng ilang karanasan na nakakatakot. Isang representative ang pupunta sa gitna, bibigyan ng spotlight at sa tatlo o limang minuto, susubukan nilang patayuin ang balahibo ng mga manonood (at mga judges). Naaliw ako sa idea. Na-optimize din kasi ‘yung kakayanan nilang makapag-deliver ng isang theater piece kahit na mas confessional ang dating kesa animated. Personally, na-appreciate ko ‘yung pagiging natural ng delivery ni Glory Ann Nacional. Para lang kasing nagkukwento ng isang karanasan mula sa isang kaibigan na na-possess at kung paano ito nalampasan. Ayos lang para sa akin ‘yung iba kahit na merong ilang road block sa limitasyon ng oras, sa structure ng kuwento o dahil kulang sa preparasyon.
Ang ikalawang contest ay mala-Showtime na presentation ng apat na grupo (may separate judging para sa kanilang costume). Impressive, sa totoo lang. Pinaghandaan nila ‘yung mga costume at nag-effort talaga sa production value nito. Ang unang grupo ay tungkol sa isang babae na napadpad sa isang tila museum ng mga puppet. It turned out na ang mga piyesa pala rito ay mga tao na pinarusan o isinumpa at ginawang puppet (isa na rito ang kababata ng babae). Medyo trite na ang kwento pero gusto ko ‘yung pagiging grotesque ng mga costume nila na meron pang tali a la music video ng ‘N Sync na “Bye Bye Bye”. Ang ikalawa naman ang pinaka-common sa apat. Tungkol ito sa isang possessed na babae na dinaan sa ilang scare tactics (na occasionally effective).
‘Yung take ng ikatlong grupo tungkol sa retelling ng Spoliarium ni Juan Luna ang pinakapaborito ko. Inumpisahan ito ng isang quote ni Seneca tungkol sa madness mula sa isang projected video at sinundan ng pagpasok sa performance space ng isang lifesize na empty frame. Pumasok dito ang grupo na suot ang skimpy get-up na tila canvass. At pinatugtog ang Spoliarium ng Eraserheads. At ipinakita ang isang aktor na dala ang baril (isang reimagining ng suicide ni Juan Luna). At bumuhos ang pulang pintura sa katawan ng grupo, isang intersection ng pagdanak ng dugo at pagsasabuhay ng painting. Genius! Gusto kong pumalakpak. Bravo!
Bagama’t na overshadow na ng adrenaline rush ko sa ikatlong grupo ang huling pagtatanghal, sila naman ang pinakamayaman sa arko ng pagkukwento. Tungkol ito sa mga voodoo doll na sinubukang magrebolusyon laban sa kanilang bruha/mangkukulam. I can imagine na pwede ito sa mga “Shake, Rattle and Roll” o pwede ring isang Pixar storyline. Naaliw lang ako sa pagka-dark at pagka-cute n’ung plot.
Akala ko ay chill na lang ako matapos ang mga contest. Merong isang parlor game na kahit ako ay nasundot ng takot. Pakiramdam ko, sinindikato na talaga ang mga judges at bisita para maglaro nito (na kunyari ay dumaan sa draw lots, mga artista nga itong Stagers). Hinati sa tatlong team ang mga natawag na pangalan. Bawat isa ay gumawa ng pila habang merong mystery box sa harapan nila. Ang siste, bubunot ka ng play money mula sa butas ng box na talop na talop ng kung ano. At a given time and interval, magpaparamihan ang mga team ng nakuhang pera. Ang catch, meron ding mystery animal sa loob. ‘Tang ina, nanlamig ako sa takot. Mabuti na lang at dagang costa lang ang pinalad na napunta sa amin. ‘Yung sa kabila, balita ko, ahas daw at palaka. That was Halloween to me.
Nahimasmasan naman ako sa ilang alak (at kwento) na bumaha habang nagpapalipas ng gabi. Masayang kasama ang mga Stagers (salamat). Kung ano ‘yung team work na nakikita mo sa stage, gan’ung gan’un din sila sa likod ng tabing. Sana Halloween na ulit.
Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Total Pageviews
Sunday, January 29, 2012
Thursday, January 26, 2012
Philography File # 022: Mario O'Hara and Nora Aunor
Philography File # 021: Charee Pineda
I got invited to an anniversary gathering organized by the fans of JM de Guzman and Charee Pineda called Juamee. That was mid-October if I remember it right and it’s held in a club house somewhere along Timog Avenue. I introduced my self to Charee and reminded her how much I annoyingly like her in Ron Bryant’s “Alon” where she won Best Actress for Cinema One Orginals 2008.
Wednesday, January 25, 2012
Philography File # 020: Tony Perez
I got his autograph (finally) during the run for a retrospective of his plays called “Tatlong Tabing” for Tanghalang Pilipino last October. A friend told me that I should see his distinct writing set but I can’t complain with the orangy ink. His astonishing penmanship pretty much represents his body of work, from the Cubao series and Palanca-winning plays down to his screenplay for a “Shake, Rattle and Roll” episode. I’m a fan.
Ang Trip Na Trip
Buenas Noches, España
Direksyon/Iskrip: Raya Martin
Mga Nagsiganap: Pilar López de Ayala at Andrés Getrúdix
May ilang biyaheng suwabe. At sa puntong ito ay kailangan kong maglitanya. Pasintabi.
‘Yung trip namin, halimbawa, sa Peru ay walang lugar para sa flight delay o kung ano pa man na kamalasan. Kailangang umalis ng ganitong oras at kailangang dumating ng ganitong oras. Kailangang makarating sa ganitong lugar dahil kailangan mong puntahan sa susunod ang isang pang lugar. Isang palpak lang at sabog na ang buong plano.
Gan’un din ‘yung sa Dubai dati. Nanggagalaiti pa nga n’un ang isang bulkan sa Chile at nanganganib na hindi ako makarating sa Sao Paulo nang sakto sa plano. Kung hindi, mapipingas nang munti ang araw na ilalagi at malaki ang tyansa na bumukol sa hindi paghabol sa opening night ng Cinemalaya.
May flight din dati sa Athens na muntik na naming hindi maabutan dahil 30 minuto pala ang interval ng mga train na naghahatid sa airport. Sa kabutihang palad, delayed din ang flight kaya’t umabot kami. Isa sana itong padamdam sa isang bakasyon na halos perpekto ang sayad at liyad.
Madugo sa senses ang trip ng “Buenas Noches, España” ni Raya Martin. Wala itong kanto o eksaktong hugis kamukha ng isang suwabeng biyahe. Dalawang magkasintahan ang bumabaybay sa hilagang bahagi ng Spain na halos kaututang-dila na ng France, sa Bilbao, lulan ng isang kotse. Bagama’t ang mga paulit-ulit na imahe (isang playlist na naka-loop) ay larawan ng romansa, ang tunog at ilang splash ng psychedelic color ay tila hinorno mula sa isang mabangong bangungot.
May kakaibang kiliti nang makita ko ang isang paghimpil sa isang musuem doon ng magkasintahan. Una, trip ko ang museum. Hindi ako masyadong bumababad pero parating nasa listahan ko ito. Maganda rin kasing introduction ito minsan ng siyudad, ng mga local at amoy ng paligid. Ikalawa, may ilang painting si Juan Luna roon. Dito pa lang ay na-plant na ang magaganap na time travel sa dulo. At ikatlo, ang pagiging playful ng dalawang lead sa loob ng museum ay may pagka-Godard.
Sa totoo lang, ‘yung museum lang siguro sa Bilbao ang pinaka-travelogue sa road film na ito. Ibig sabihin, kung nakarating ka sa sinehan na merong expectation na makita ang Spain na parang isang postcard, ang pagbisita lang sa museum ang pinaka-appealing. Sa labas nito ay may ibang trip. Nakakairita ang tunog, nakakabagot ang paulit-ulit na eksena at ang ilang location ay hindi naman interesante (at least para sa akin). Nangyayari rin ito sa totoong buhay. Pasintabi ulit sa paglilitanya.
Bago umakyat sa Wayna Picchu, wala akong masyadong inihanda physically. Ang buong pag-akyat matapos ang unang oras ay isang struggle para sa akin. Wala ring almusal na matino, walang laman masyado ang tiyan. Nakakairita na hindi ko ito masyadong napaghandaan pero kung hindi ko ito pinilit tapusin, hindi ko makikita kung gaano kaganda ang view mula sa itaas.
Summer naman n’ung nakita ko ang Dubai. Nakakabagot, kung hindi man nakakapanghina, ang tirik at init ng araw noon. Pero kailangang indahin. Kung hindi, hindi ko sana na-experience nang todo ‘yung desert safari at ang idea na makapagmando ng isang camel.
Maliban sa ruins, may ilang lugar sa Athens na hindi rin naman interesante. Sa katunayan, nagawa namin sa loob ng isang araw ang mahahalaga at paboritong pasyalan ng mga turista. Hindi na kailangang idagdag na ang taxi driver na aming napara noon na maghahatid sa hotel ay nandadaya sa metro.
Bagama’t lumabas ako sa sinehan (para sa taunang Spanish Film Festival sa Greenbelt 3) na nagpaalala sa akin ng ilang masasayang sandali sa ilang tsamba na pleasure trip sa ibang bansa, may ilan pa akong excess baggage mula sa pelikula. Pakiramdam ko, maling audience pa rin ako sa “Buenas Noches, España”. Sa kabilang dako, nakita ko naman ‘yung pagiging conquistador ni Raya Martin dito. Hindi ko naramdaman na na-colonize tayo at some point ng Spain habang nanonood. Tingin ko, ang direktor ang Magellan dito at ang Pilipinas ay ang Spain. Hawak ng kanyang camera ang kalayaan ng mga imahe, ng mga artistang Espanyol at ng mga lugar na kanilang pinasadahan. Isa itong antidote, kung hindi man isang malamig na sago’t gulaman sa mga naglipanang pelikula tungkol sa korupsyon at opresyon. Kahit sa loob ng isang oras at kalahati, narating ko ang ilang terminal at nabisita ko ang ilang sensasyong mapaglaro, mayaman at malaya.

Tuesday, January 24, 2012
Notes from Taiwan Film Fest 2011
I’m not sure if I’ve been to a Taiwan film festival before. They were probably having their first attempt last October of 2011 when I saw three feature lengths and two shorts from their list. It’s free and it’s at the Shang so I took note of all the precautions that I could think of: choose only one film a day or two out of three, just skip the one in the middle, the box office staff wouldn’t care less and no food bought from somewhere else is allowed.
Compared to other free screenings, the festival was relatively well attended considering that they only have a total of eight films (five feature lengths, two shorts and one documentary) in a span of six days with three time slots a day. It wasn’t crowded which worked for me. I can actually dismiss my first Shangri-la Cineplex rule to avoid doing a marathon.
Here’s the rundown of the three feature lengths I caught:
Gangster Rock (Chie Jen-Hao) This bubble gum pop combines the action genre with a dash of musicality. A gangster becomes an angel to a rock band who’s making some ends meet through bar gigs and busking. Very Star Cinematic and at times laughable, the film makes a very little impact in either genre. The silly gangster boss is a joy to watch, as well as the rainy fight scene in the end.
Three Times (Hsiao-Hsien Hou) It’s a good film for me, oftentimes a show-off of filmmaking styles from the director. There are three episodes in the film, each with diverse storytelling technique, and they are not connected to each other. The only thing that binds them is the pair of leads and perhaps the theme. First episode is about a couple during the 60’s and how love blossoms even with the lone presence of snail mails and telegrams. Most sequences involve long cuts which could drag a bit but nonetheless charming and romantic. The second episode is also about a couple at the turn of the century. This is talkier and the sets are limited giving a stagey feel. The last episode is contemporary and relies mostly on the angst as visualized through the same pair of actors. It’s a thrill to see different strokes in one sitting, as if you’re given with a sampler from the director on how vast and versatile he could get.
Zoom Hunting (Li Cho) This glossy film is as mainstream as the Gangster Rock though with a different genre. Its plot about accidentally witnessing a possible crime through a DSLR camera from another window has all the Hitchcock promises. Most of the time, it gets redundant with the twists like I think it’s almost over but it keeps on moving. I just hope the resolution is more satisfying because the intro and the middle part are very engaging.
And shorts (too bad I can’t find credits for them):
The Magical Washing Machine As the title suggests, it’s magical. It tells, in a modest span, a moving-on phase of a young woman who frequents a laundromat. At first, I was clueless with the dream sequences coming out of nowhere but it made its point clear when the protagonist finally made her first step to overcome her past. It got me.
Small Station Unlike the other short films that I’ve seen, this one has all the luxury to tell a simple story given with a limited time. It doesn’t even involve twists or a couple of events to perk up its narrative. It’s about a mother who brings her mentally ill son to a not so busy train station outside the city, a relaxing respite from all the hustle and bustle. The mother pictured here is caring, patient and has all the time for her son with special needs. It could be an awareness campaign on its own. I’m guessing that after they went back to the city, they’ll probably plan a new invigorating trip together.

Saturday, January 21, 2012
Movie Digest # 082
RISE OF THE PLANET OF THE APES
Cine Hoyts – Punta Carretas Shopping, Sala 2, September 24, 5:50pm
Great CGI, so great that you’ll be reminded how gifted Andy Serkis is. Hope against hope that he’ll be honored by the Academy at the very least. There’s nothing much outside the special FX though. Story is thinly layered and the acting department is a bit dull.
Friends who might appreciate it: It bears mentioning again, peeps who appreciate any work by Andy Serkis.
WARRIOR
SM Mall of Asia, Cinema 2, October 4, 6:40pm
It’s been a while since I last saw a satisfying action drama. There’s a balance of the two genres. The drama part involves a dad (movingly played by Nick Nolte) trying to patch his family issues up. Then there’s the cold distance between two brothers (Tom Hardy and Joel Edgerton) who are forced to get into the boxing ring and face their past. As for the action part, it’s Mixed Martial Arts (MMA) 101. At least I know now the bearing of the shirts printed with “Tap Out”.
Friends who might appreciate it: Too given, MMA fans.
CONTAGION
SM Mall of Asia, SM IMAX Cinema, October 4, 9:30pm
I may be biased because I dig Steven Soderbergh’s body of work, from the low budgeted indies like “Bubble” down to this IMAX-ready spectacle. Fans of Hollywood epidemic movies might be disappointed as the approach on the storytelling is pretty much in unison with the director’s other films: realistic, intelligent and informative. It also boasts of a star-studded ensemble headed by Gwyneth Paltrow (whom I haven’t seen this convincing in a long while), Matt Damon, Laurence Fishburne, Jude Law, Kate Winslet and Marion Cotillard, which I think is more of an advantage than a drawback. The absence of the usual popcorn cheap thrills is also very much appreciated. Everything boils down to how humanity responds to a global health issue and nothing less.
Friends who might appreciate it: Nothing specific. Health is universal.
NO OTHER WOMAN
Power Plant Mall, Cinema 3, October 13, 8:05pm
My initial fascination for the film is loosely based not on its cinematic merits but more on how it made money at the tills. This Viva Films and Star Cinema co-production is now considered as one of the country’s highest grossing films. Prime suspect is perhaps the very familiar plot involving a sexy wife, an equally sexy mistress and the man in between. On top of that, there’s camp. Though not that extensive, it has its occasional flair of Gosienfiao-esque lines and a bit of a catfight. At least it made its point clear when it shows the humane side of the mistress.
Friends who might appreciate it: Snatchers in Quiapo.
THE PHANTOM OF THE OPERA AT THE ROYAL ALBERT HALL
Power Plant Mall, Cinema 5, October 17, 8:10pm
What I liked best in this documented staging of the Andrew Lloyd-Webber musical is the immersion feel. It puts you exactly in one of the seats at the Royal Albert Hall. The experience includes waiting for the show to start, the actual musical and the intermission (as in you’re just staring at people heading to the toilet, etc. for around 10 minutes). When I saw the play in West End in 2005, they’re even selling ice cream cups and that’s the only thing missing in the cinema. It’s a bit long for a full length feature but it’s always a joy to listen to those familiar hits like “Think of Me”, “Masquerade” and “All I Ask of You” being performed to you “up close”. Camera angles sometimes suggest that the performance venue is the actual opera house in the play and that’s a nice touch.
Friends who might appreciate it: Easy. Webber fans, nothing less.
THE THREE MUSKETEERS
Greenbelt 3, Cinema 4, October 20, 6:20pm
As expected, it’s very basic. Good fight scenes though. And I even recognize one of the locations used in the film (a museum in Munich which I forgot the name). Fun, too, to see Versailles and other parts of Paris being recreated digitally.
Friends who might appreciate it: Easy. Uruguayan apartment buddy Mike (he digs Resident Evil a lot).
PARANORMAL ACTIVITY 3
Trinoma Mall, Cinema 5, October 23, 8:00pm
I got the same experience as watching the first two installments. What elevates this sequel is that it has a clearer storytelling arch. "Filming" everything using vintage camera and video player is an added charm.
Friends who might appreciate it: Friends with ready screams.

Philography File # 019: Carlo Aquino
Also accomplished on the same night where I got Alwyn’s. Carlo Aquino paid a visit to the set with some friends. I remember him asking me “Bakit ka nandito?” which made me think why I was really there in the first place. Maybe he mistook me for somebody else. Nevertheless, we all remember him as one of Vilma Santos’ kids in “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” but for me, his best contribution to Philippine cinema is his participation in the Ato Bautista film “Sa Aking Pagkakagising Mula sa Kamulatan”. That time, indie filmmaking was not in full bloom yet and it was brave enough for a mainstream actor to risk on that.
Philography File # 018: Alwyn Uytingco
Accomplished last October 5 during the taping for TV5’s “Sa Ngalan Ng Ina”. Alwyn, for me, is one of the country’s finest young actors. That’s probably attributed to his training as a child actor who did support roles for the likes of Vic Sotto, Jestoni Alarcon and Redford White to name a few. I started revisiting his early works after watching his career turning indie film “The Leaving”. I do keep a regular email exchange with this dude and from what I can conclude from there, he’s the most appreciative actor I know.
Sunday, January 15, 2012
The SNNI Adventures (O Kung Paano Ko Natagpuan ang Mahiwagang Nunal ni Nora)
As of this writing, matagal nang wala sa ere ang “Sa Ngalan ng Ina” ng TV5, isa sa kino-consider na pinakamatinong soap opera of late. Kung hindi ako nagkakamali ay limang linggo lang talaga ang naka-allot na airing nito na nag-umpisa n’ung Oktubre n’ung nakaraang taon. Ang proyektong ito ng tambalang direktor-aktres nina Mario O’Hara at Nora Aunor, bagama’t hindi masyadong umarangkada sa ratings at madalas na hinihila pababa ng time slot ng Wil Time Bigtime, ay sinubaybayan ko. Sa katunayan, may utang pa akong ilang episode na tinitingi-tingi ko sa ilang website na nagko-compile ng mga Pinoy TV show.
Inabangan ko rin at naging groupie ako sa ilang pagkakataon n’ung sino-shoot pa ito. Nagkataon na nabiyayaan ako ng isang mole (pun intended) mula sa istasyon na ayaw magpakilala. S’ya ang taga-text ng location at schedule at taga-bigay na rin ng access kahit wala s’ya mismo sa set. Gusto ko kasing makita si Nora Aunor in person. Well, gusto kong makita s’ya ulit (ang unang pagkakataon ay sa isang event ng “Pelikula at Lipunan” ni Nick Deocampo n’ung late 90’s) at makapagpa-picture at autograph na rin. Hindi ako Noranian. Wala akong masyadong alam sa kanyang personal na buhay pero si Nora Aunor s’ya eh. Walang bisa ang husay ng mga aktres ngayon kung wala ang katulad n’yang “point of reference”. Gusto ko ring makita si Vilma Santos pero 'tsaka na lang s’ya. Ang isa pang dahilan ay napasubo ako r’un sa ilang tanong ni Noel Vera sa FB group na Cinephiles para kay direk Mario. Gusto ko ring mapanood in action si direk kasabay ng hiling na sana ay ‘sandamakmak na film project pa ang ilatag sa kanya. Bonus na lang ang isang kagustuhan na maka-chill out ang mga artista sa set. Gusto kong mapanood kung paano sila magtrabaho.
DAY 1. Ang alam ko, weekday ito. Meron pa ngang nag-last day sa office n’un at sobrang busog pa ako sa pancit na handa. Nasa may bukana raw ng Rizal ang location, sa isang bahay roon sa isang subdivision. Kumontak ako ng taxi mula sa 24/7 at nagpasundo sa opisina ng mga 7pm yata. Tutal, paumagahan naman madalas ang mga film shoot kaya hindi ako masyadong nagmadali. Wala raw si ate Guy dahil masama ang pakiramdam pero si direk Mario raw ang direktor n’un (dalawa kasi ang direktor, si Jon Red ‘yung isa). Ibinilin na lang ako ng mole sa young actor na si Alwyn Uytingco na nagsimula kong seryosohin bilang aktor n’ung ginawa n’ya ang Cinemalaya film na “The Leaving”. Tinext ng mole ko si Alwyn at sinabing may isang “film critic” na paparating (what the hell!). Nahiya naman ako at sumaglit sa Distillery upang umiskor ng deboteng regalo.
Malayo-layo ang b'yahe. Nakatulog nga ako n’un. Pupungat-pungat kong pinanood muna mula sa malayo ang crew bago ko inipon ang kapal ng apog. Nahihiya ako sa mga ganoong maraming tao lalo na’t abala. May isa pang show ng TV5 ang ginagawa roon.
Nasa dressing room daw ng mga lalake si Alwyn. Pinatawag ko na lang at lumabas naman agad. Nakilala ako. Kinabahan daw s’ya r’un sa “film critic” thingy. Sabi ko na lang, I wish na film critic talaga ako. Alam ko namang hindi s’ya matutuwa na meron akong bitbit na whiskey pero iniabot ko pa rin. Kumustahan. Tinanong ko kung babalik pa s’ya sa Dos. Sure daw na hindi sa loob ng tatlong taon. Laki raw talaga ng package ng TV5, something na hindi n’ya nakuha sa kabila (‘yan ang eksakto n’yang sinabi). Pero wala akong nakikitang pait sa kanyang pagkakasabi. Mukhang na-overshadow ito ng pagka-busy n’ya sa bagong tahanan. Kinumusta ko kung anong pinagkakaabalahan. May cameo raw s’ya sa pelikula ni Lilia Cuntapay. Sabi ko, “Ah, ‘yung parang “Six Degrees of Separation” na film ni Will Smith.” May gan’un daw pala. Hahanapin daw n’ya para-download. Ginagawa rin daw n’ya ‘yung “Enteng ng Ina Mo” kaya papalit-palit s’ya sa baddy at bading role.
Pinanood lang namin nang konti n’ung ginawa ni Osang ‘yung challenge para r’un sa isa pang TV show na nagte-taping sa hindi kalayuan tapos nagyaya na s’ya r’un sa tolda. Nasa loob din si Edgar Allan Guzman na napakakulit pala in person. Ang lakas nilang mag-asaran ni Pong na PA ni Alwyn. Medyo busy nang konti sa hindi kalakihang tolda na ‘yun kaya nakatameme lang ako r’un sa Monobloc. Para akong phantom, nakikiobserba. Merong papasok para silipin ang mga isusuot, merong nagpaplantsa at merong nagde-deliver ng in-update na script. Kumain si Alwyn n’ung food na naka-styro. Nag-alok pero busog pa nga ako. Si Edgar, abala sa kanyang iPad at panaka-nakang nagpapatugtog ng Dougie dance. Minsan ay ibibida ang kanyang Vans na nabili raw n’ya on sale at minsan ay magbabasa ng script.
Pagkatapos ng dinner, tinanong ako ni Alwyn kung gusto ko ng hot chocolate. Umoo na ako rito. Kumuha s’ya ng styro cup at inilabas ang isang sachet ng Swiss Miss mula sa kanyang backpack. Umayuda si Pong, lumabas at bumalik na may laman nang mainit na tubig ang baso.
Ilang sandali pa ay pinaakyat na sa itaas ng bahay sina Alwyn at Edgar. Naka-Francis M shirt si Alwyn at nakapang-pulis naman si Edgar. Medyo mainit d’un sa area sa itaas dahil sa mga ilaw. Pansamantalang kinansela dahil umeera na ang “Sa Ngalan ng Ina” sa TV. Lahat sila pumasok sa master bedroom at sabay-sabay na tumutok habang ang may-ari ay nakahilata sa kanyang kama at nakinood. Sumunod na rin ako.
Wala pala si direk Mario. Unit daw ni direk Jon Red ang kumukuha ng eksena. Pinanood ko na rin. Tinanong ko dati si Alwyn kung anong distinct na pagkakaiba ng dalawang direktor. Si direk Mario raw ay basta realistic, good na. Bahala na ka minsan sa take mo. Pinapabago rin daw ang script primarily upang maging mas realistic. Si direk Jon naman ay mas detalyado raw ang instructions, mula sa kung kelan itataas ang boses at kung kelan mababa.
Madali lang naman ‘yung eksena nina Alwyn at Edgar. Ito ‘yung parte na into hiding ang karakter ni Alwyn at bumisita ang kapatid na karakter ni Edgar. Sinundan ito ng isang mas matinding eksena para kay Alwyn kung saan kinakailangang mag-breakdown para sa pagkawala ng kanyang Tiya Pacita (Eugene Domingo). Nagpalaam na n’yan si Edgar. Kumamay naman bago umalis. Nand’un din si Regine Angeles na gumanap bilang girlfriend ng karakter ni Alwyn. Sa pagitan n’ung mga take, pinapirmahan ko pala ‘yung Rekrut shirt ko kay Alwyn. Bumisita rin sa set si Carlo Aquino kasama ang ilang barkada. Usapang laptop, kung hindi ako nagkakamali.Matapos kunan ang sigawan, nagpa-picture na lang ako at umalis na rin. May ilang ebidensya rito.
DAY 2. Medyo biglaan ang pagpunta ko sa shoot. Last minute na kasi ako nakabalita sa aking mole at may lakad sana yata ako n’un na hindi natuloy. Mabibigat daw ang mga eksena dahil n’ung time na ‘yan, ‘yung panghuling linggo na ng airing ang sinu-shoot. Nand’un daw sina Nora at unit daw ito ni direk Mario. Excited ako kahit mga 10pm na ako nakaalis mula sa Makati at ang drawback eh sa Victoneta Avenue sa Caloocan pa ang location.
Pasado hatinggabi na yata ako n’ung nakarating sa isang simbahan ng isang subdivision. Nagpahintay na lang ako sa taxi dahil tingin ko, hindi naman magtatagal at mukhang hassle mag-abang ng masasakyan mula roon. Pinakiusap naman ako ng aking mole sa isang staff ng art department. Nakaalis na raw si Nora. Sayang nga raw kung napaaga ako dahil kinunan na ‘yung eksena na iminudmod ni Osang si Nora sa putik. May kadobol daw naman kahit na payag naman si Nora na wala. Isang eksena na lang ang natitira. Medyo tight shot at nasa loob ng sasakyan si Christopher de Leon na may kausap sa phone. Si direk Mario ang nag-motivate pero walang masyadong instructions. Mas inayos lang n’ya ang blocking and that’s it. Pinanood ko pa rin. Nakadalawang take at idineklara na uwian na. Buhay na buhay pa ang dugo ni direk Mario at nagtatawanan sila nang nagpaalam si Boyet. Umalis na rin ako agad. Meron pa raw shoot kinabukasan sa Correctional sabi ng bago kong kakilala na taga-art department.
DAY 3. Fail. Kinansela pala ‘yung shoot pero hindi ako nasabihan. Pero ayos na rin. At least, napasok ko na ang Correctional. Meron pala s’yang mahabang daan at bago makarating dito ay meron munang inspection. Mainit n’yan dahil tanghaling tapat. Hindi ko man napasok ang mismong gusali, nakita ko naman mula sa malapit.
DAY 4. Ito na talaga. Mga tanghali rin ako pumunta. Ang location naman ay sa isang bahay sa New Manila. Medyo malapit lang s’ya sa E. Rodriguez kaya madaling hagilapin ang bahay. Nakakahiya pa ring pumasok agad at lampasan ang mga maliliit na van at ilang crew roon na naghihintay ng tawag. Nakita ko si Thirdy na una kong nakita sa Day 1 na labas-pasok at nakikipag-asaran kina Alwyn at Edgar. Malamang ay hindi na n’ya ako namukhaan pero kahit papaano, nakakatanggal ng hiya n’ung may nakita akong pamilyar. Hinanap ko ‘yung contact ko sa art department. Nasa loob lang daw, naka-pekpek shorts sabi ng tinanungan ko. Sinubukan kong pumasok sa isang parang hall/kuwarto at nakita ko nga ang contact ko roon na nagpapahinga kasama nina direk Mario. Minabuti kong maghintay sa may bukana. Kinausap ko na lang ‘yung mga bodyguard ni Nora na maghahatid sa kanya para sa isang funeral scene shoot sa Marikina. Natutong makipaghiritan ang lady guard. Bawal daw i-approach si Nora sabay ngiti. Nagpapa-cute sa kanyang pagiging istrikto. Ang isa pang guard ay nakakwentuhan ko na rin. Matagal na raw silang kinukuha ng TV5 at madalas daw na mga artista ang kanilang binabantayan. Hintayin ko na lang daw si Nora. Natutulog lang daw.
Habang naghihintay, nakasalubong ko si Edgar. Papalabas na, papunta ring Marikina. Nagulat ako na nilapitan ako at nakipag, hmm, ano bang tawag d’un? ‘Yung parang pag-uuntugin n’yo ang mga kamao habang nakatikom ito? Natuwa ako sa idea. Ibig sabihin, nakilala n’ya ako. Nakita ko ring lumabas si Nadine Samonte na may yakap na unan. Iisang van yata ang nagdala sa kanila sa Marikina. Dumaan din si Lilia Cuntapay sa harapan ko. Inaalalayan s’ya ng isang babae na kasa-kasama n’ya. Hinalikan ako ni Miss Lilia. Nakipagpalitan din ng number. Kunin ko raw s’ya kung meron akong proyekto. Napalunok ako at ginudlak na lang s’ya sa kanyang ‘Six Degrees” film. Bakit daw alam ko? Sabi ko, pinapag-usapan na ho sa internet. Napaka-surreal lang n’ung pagkakataon na ‘yun. Hindi ko talaga pinalampas na hindi makapagpa-picture.
Nang lumabas si Nora mula sa pinto na nakaitim at handang handa na sa shoot sa Marikina, parang tumigil sandali ang mundo. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang magpa-picture ba o magpa-autograph. Kung anong nakita mong pagka-blush n’ya sa TV, gan’un din sa personal. Parang hindi na s’ya nasanay na merong lalapit at magpapaka-fan. Hindi ko na matandaan kung anong mga sinabi ko pero sure ako na nakapagsalita naman ako at sure ako na sumagot s’ya. For the books ang experience na ‘to. Parang matagal na palang pumapatak ang ulan n’yan pero hindi ko napapansin.
Ginugol ko ‘yung mga huling sandali sa pakikipagkwentuhan kay direk Mario. Nagkalakas na rin ako ng loob na istorbohin ‘yung taga-art department. Sa kanya ko nalaman na kapag nagpapalipas daw ng oras sa set si direk, lumalabas daw ito, nagkakape at naglalakad-lakad. Dahil nga may mga baon akong tanong n’un mula kay Noel Vera, ginamit ko itong susi para makapag-set up ng conversation para kay direk. Nasabi na lang n’ya, “Hay, naku, si Noel!”. Medyo nahihiya rin naman ako s’yempre. Alam kong matalino ang kausap ko at alam kong binabasa n’ya ako habang tinatahi ang mga tanong at follow-up question. Mukhang na-pull off ko naman. Wala namang sandaling nanlambot, lahat matikas ang palitan ng tanong at sagot. Hindi ko na matandaan lahat pero ang mga nagmarkang sagot ay ‘yung tungkol sa pagkakaroon ng political drama sa primetime, ‘yung role ni Nora na hindi lang basta kawawa o katulong at ang susunod nitong proyekto na indie film tungkol sa isang sarswela actress na nagtatanghal sa mga palabas sa plaza. Hindi ko rin makakalimutan ‘yung sinabing tatalikuran na ni direk ang pag-arte sa entablado. Hindi na raw kasi s’ya nakaka-memorize nang todo. Hindi ko lang daw alam, kung saan-saan na raw nakakakabit ang mga script bilang kodigo. Nariyang nasa damit ng kawal at nariyang nasa sahig. In fairness sa kanya, hindi ko ito nahalata sa ilang pagtatanghal na napanood ko. Ang American Hwangap na raw ang kanyang huling dula (na napalampas ko dahil wala ako sa Pinas n’ung ipinalabas). In-offer daw sa kanya ang Haring Lear ng PETA pero tinanggihan na raw n’ya.
Umuulan pa rin nang nilisan ko ang location. Kumain ako ng isang stick ng bananacue at bumalik sa aking lungga na busog na busog na busog.
Subscribe to:
Posts (Atom)