Total Pageviews

Tuesday, February 14, 2012

Ang Relihiyon ng Sekswalidad

Next Fall
Produksyon: Repertory Philippines
Direksyon: Audie Gemora
Mandudula: Geoffrey Nauffts
Mga Nagsiganap: Bart Guingona, David Bianco, atbp.

ISTORYA

Kuwento ng magkasintahang sina Adam (Bart Guingona) at Luke (David Bianco) ang binagtas ng dula, mula sa kanilang pagkakakilala, pagtatalo sa usaping relihiyon at homosexuality at ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. Ang kanilang pagsasama ay nasaksihan ng mga tao sa paligid nila katulad ng kaopisina at kaibigan ni Adam na si Holly (Liesl Batucan), ang best friend ni Luke na si Brandon (Niccolo Manahan) at ang mga magulang ni Luke (Miguel Faustman at Juno Henares).

HINDI NASAGOT ANG TANONG

Ang malaking share ng dula ay ginugol sa argumento tungkol sa kabadingan at kung isa itong kasalanan na kailangang ihingi ng basbas mula sa Diyos. Nagkataon kasi na isang devout Roman Catholic si Luke samantalang free spirted naman si Adam. Interesting ang argument, sa totoo lang. At least, na-justify nito ‘yung paggamit ng gay relationship at hindi masasabing gimik lang o nagpapakakontrobersyal. Sa ganitong perspektibo tumakbo ang dula, kasabay ng isang extensive na pagtingin sa umpisa at dulo ng isang relasyon na patuloy na umaani ng pagtanggap sa isang “moral” society (sa dula, ito ay ang mga magulang ni Luke, partikular ang kanyang ama). ‘Yun nga lang, hindi nasagot sa dulo kung ano talaga ang relihiyon ng sekswalidad. Sinabi lang na hindi na ito mahalaga, na may mga bagay na mas binibigyan dapat ng pansin sa isang pagsasama. Hindi na importante kung sino ang mas tama ang pananaw basta’t nariyan sa tabi ang isang minamahal.

Na-remind ako ng mga unang Repertory plays na napanood ko n’ung mid-90’s. Mula sa set hanggang sa pagiging competent ng mga aktor na kasali rito. Isa sa mga trusted actors si Bart Guingona at gustung gusto ko ‘yung take n’ya r’un sa character. May impression ako na marami silang similarities ng karakter pagdating sa pagsuong sa mga convention at irregularity. Naalala ko dati ‘yung pagiging vocal n’ya sa pag-ayaw sa idea na isagawa ang “Miss Saigon” sa CCP na lumabas pa sa isang local na production ng “Fire Water Woman” bilang isang pagwewelga. Mahusay rin naman si David Bianco. At home s’ya sa kanyang karakter kahit na minsan ay mukhang calculated at “directed” ang kanyang mga galaw. Syempre, bonus na lang na hanggang ngayon ay present pa rin sina Miguel Faustman at Liesl Batucan (na parehong magaling at nakakadagdag ng confidence para sa mga manonood). Gusto ko rin ang pagkakadirek ni Audie Gemora rito. Challenging ‘yung period na tinahak ng dula. May pagkapelikula kasi ang stretch ng kwento pero nagawa n’yang stagey pa rin ito.

KONKLUSYON

May dating sa akin na parang nagpapaka-thought provoking ‘yung dula at nailatag naman ito nang maayos. ‘Yun nga lang, hindi talaga nasagot at hindi talaga ito pumanig. Sa kabilang dako, hindi na ito masyadong mahalaga. Tingnan na lang ang dula sa paraang inoobserbahan mo ang isang relasyon at kung paano ito lumago at pinatatag ng panahon.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...