I tried out the pinhole feature of my LX5 on our visit to Colonia last weekend (yes, I'm back here in Uruguay). It’s my fourth time there so I thought the idea would spice something up. Below are some of the results:
The rest of the pictures can be found here and some residue from May here.
Musings on life from a (little red) backpacker who adores highschool language classes so much.
Total Pageviews
Thursday, June 21, 2012
Sunday, June 17, 2012
Ang Broadway Bible
Forbidden Broadway
Produksyon: Upstart Production
Direksyon: Joel Trinidad
Mandudula: Gerard Alessandrini
Mga Nagsiganap: Liesl Batucan, Caisa Borromeo, OJ Mariano at Lorenz Martinez
Upang makalampas at makarating sa dulo nang maayos ang isang spoof, kinakailangan nitong usisain nang may matalas na conviction ang kanyang subject. Kung hindi, para saan pa ang isang humor kung hindi nito matatalupan nang ganap ang kanyang musa na nais pukulin ng kritisismo. Sa maikling salita, ang spoof ay pinaghalong komentaryo at papuri.
Produksyon: Upstart Production
Direksyon: Joel Trinidad
Mandudula: Gerard Alessandrini
Mga Nagsiganap: Liesl Batucan, Caisa Borromeo, OJ Mariano at Lorenz Martinez
Upang makalampas at makarating sa dulo nang maayos ang isang spoof, kinakailangan nitong usisain nang may matalas na conviction ang kanyang subject. Kung hindi, para saan pa ang isang humor kung hindi nito matatalupan nang ganap ang kanyang musa na nais pukulin ng kritisismo. Sa maikling salita, ang spoof ay pinaghalong komentaryo at papuri.
Sa kaso ng “Forbidden Broadway” ng Upstart Productions, maraming himpilan ang narating nito. Una, ang materyal mismo ay may sariling buhay. Makakatayo ito sa sariling paa kung spoof lang ang pag-uusapan. Ang isang mandudulang kamukha ni Gerard Alessandrini, isang insider sa Broadway, ay may eksakto, kung hindi man nag-uumapaw, na credentials upang makapaglatag ng angkop na parodiya. Sinisiguro ko na ang playlist sa Greatest Hits na basahen ng itinanghal ng Upstart ay kayang maglabas-pasok sa mga lungga ng maliliit na venue kamukha ng bar o campus auditorium nang walang bahid ng pangungunsensya, isang bagay na limitado para sa totoong Broadway production.
Ikalawa, at tingin ko ay isang mahalagang aspeto, ay ang pagkaka-devise ni Joel Trinidad sa dula. Bagama’t meaty ang repertoire mismo at kahit hindi plot oriented, naisikaturapan ng direktor ang isang sariwang approach upang lumitaw ang dynamics ng pagpapalit-palit na karakter mula sa apat na performer. Ang huli kong nakita sa ganitong anyo ay ang “The Mystery of Irma Vep” (dalawang aktor para sa paulit-ulit at pabalik-balik na walong karakter) ng Repertory Philippines n’ung ito ay nasa sa William J. Shaw Theater pa lang sa Shangri-la Mall. Ang isang maling hakbang, halimbawa, ay kayang dumurog sa kabuuan.
Ikatlo, malinaw ang pagkakalapat ng ‘sangkaterbang karakter sa apat na aktor nito. Walang paraan upang matunton ang hangganan ng ambag ng direktor at ambag ng mga performer. Sabihin na lang natin na isa itong collective effort upang mabigyan ng anyo at karampatang layer sina Liza Minnelli, Rita Moreno, Barbara Streisand o maging ang mga iconic na awit mismo mula sa Les Mieserables, Wicked, Annie, Phantom of the Opera at iba pa na tila may sarili ring persona at pagmamay-ari.
Ikaapat, si Liesl Batucan. Wala na yatang hindi kayang gawin ang musical artist na ito na tila minamani na lamang ang bawat hamon ng pagtatanghal. Importante para sa akin na kinalakihan s’ya sa Repertory Philippines noong college days at hanggang ngayon ay namamalas pa rin ang presensya sa ilang lokal na produksyon. Kung tutuusin, may sarili na dapat pedestal si Bb. Batucan (kamukha ng kanyang underrated na pagganap sa “Emir” at iba pang pagsasanay sa labas ng entablado) pero nanatili itong abot na abot (at hindi ako magrereklamo). Gusto ko lang gawing selyado ang experience ng panonood ng “Forbidden Broadway” sa isang pagsusumamo na sana’y manganak pa s’ya ng mas maraming karakter at proyekto.
Ang dulo ng produksyon sa spoof na ito ay hindi naman masyadong demanding mula sa mga manonood. May ilan pa ring number dito na hindi ako familiar at siguradong may ilan na nangangapa sa dilim upang hagilapin ang wit pero nag-enjoy ako sa bawat assault. Bonus na lang na ang ilang tunes ay pamilyar para sa Broadway Bible na ito. Tingin ko, aware naman ang producer na hindi lahat ng nagtangkang manood ay makukuha ang bawat punchline kung kaya’t sinahugan nila ng cameo mula sa piling local artist ang pagtatanghal (sa napanood ko, si Rachel Alejandro para sa “On My Phone”). Sa price range na P600 hanggang P1,100, para sa akin, sulit na ang ilang piraso ng kamuwangan sa Broadway na napulot ko.
Wednesday, June 06, 2012
Paalam, Edgardo M. Reyes
Sa Cinephiles, isang Facebook group, ko unang nasagap ang balita na namayapa na ang manunulat na si Edgardo M. Reyes noong May 15. Sa unang hinagap, ang kanyang nobela na “Sa Mga Kuko ng Liwanag” ang mabilis na maaalala at malamang sa hindi, iisipin nating naghuhuntahan na sila ni Lino Brocka ngayon.
Ang pinakaunang pagkakataon na naapuhap ko ang akda n’ya ay noong nasa highschool ako. Kabilang sa pampublikong textbook sa Filipino ng unang batch ng SEPD, isang curriculum ng DECS, ang kanyang short story na “Lugmok na ang Nayon”. Hindi ko na matandaan ang detalye nito pero klaro pa sa akin na tungkol ito sa deconstruction ng isang maliit na representasyon ng Pilipinas, kung paano ito gumuho mula sa isang kristal na pedestal patungo sa bumubulusok na pagkalimot. Nasa ganitong estado rin siguro ng pagkalugmok ang nayon na pinaggalingan nina Julio Madiaga at Ligaya Paraiso bago harapin ang Maynila sa mga kuko ng liwanag.
Dito na ako na-introduce sa iba pang obra ni G. Reyes. Kung hindi ako nagkakamali, nakabili ako noon ng isang koleksyon ng kanyang short story kabilang ang “Lugmok…”. Isa sa mga short story roon ay nagbigay-pugay sa isang karakter mula sa Lopez, Quezon, na aking kinalakihan at kinahubugan ng kamalayan. May isa pang koleksyon ng mga love story naman na “Rosas” ang pamagat, na nabili ko rin at kasalukuyang nakatago sa baul. Ang kanyang erotic novel na “Sa Iyong Paanan” ay may pagkakahawig ang ritmo sa kanyang isa pang pamosong akda na “Laro sa Baga” (na isinapelikula naman ni Chito Roño noong dekada ‘90). Mas tumuon lang ang huli sa komentaryo ng aspetong sikolohikal ng machismo. Sa katunayan, meron kaming kabarkada noong highschool na tinatawag naming Ding dahil kamukha ng lead character, mahilig din itong maglaro ng kung anu-anong baga.
Noong January 29, 2000, nagkaroon ako ng pagkakataon na makaharap ng personal si G. Reyes. Nasa kasagsagan ng promotion noon para sa film adaptation ng “Laro sa Baga”. Isa sa mga gimik ng Regal ay book signing ng bagong edition ng nobela na may kasamang ilang larawan mula sa pelikula. Sa harap ng National Book Store ito sa Megamall ginanap. Kung tama pa ang alaala ko, isang mahabang table ang nakahanay sa ilalim ng escalator kung saan nakaupo sina Ara Mina at Carlos Morales, mga bida sa pelikula, at si G. Reyes. Walang masyadong tao noon. Mabilis pinirmahan ng mga artista ang sipi ko ng nobela. Sa harap ni G. Reyes, nagkalakas naman ako ng loob na pahabain panandali ang pagkakataon upang makipagkuwentuhan. Mababa ang boses ng aking kausap, kung hindi man isa itong ganap na larawan ng pagpapakumbaba. Ipinaalala ko ang kanyang kaibigan mula sa Lopez, Quezon, at nailarawan naman n’ya ito nang punung puno ng buhay.
Dahil sa pangkaraniwang siste sa mga book signing, marami pa akong hindi nasabi. O, baka merong oras pero hindi na ako nagkalakas ng loob katulad noong sinabi ko kay Rene Villanueva na laking Batibot ako o kay Nonon Padilla na utang ko sa kanya ang appreciation ko sa teatro. Gusto ko sanang sabihin na malaking bahagi ng libog at hubog ng aking pananagalog ay hiniram ko mula kay G. Reyes. Kung nasaan man s’ya, gusto kong iparating ang pasasalamat para sa maraming nabuong Maynila sa aking paglalakbay mula sa kalugmukan ng kanyang nayon.
Subscribe to:
Posts (Atom)