Narito ang ilang tala:
Produksyon: Philippine Stagers Foundation
Direksyon: Vince Tañada
Libretto: Vince Tañada
Musika: Pipo Cifra
Mga Nagsiganap: Vince Tañada, Cindy Liper, Jordan Ladra,
Patrick Libao, atbp.
Sa apat, ito ang mala-epiko ang
pagtalakay sa buhay ni Andres Bonifacio (Vince Tañada), mula sa ilang tala sa
kanyang pagsilang hanggang kamatayan. Very academic ang take at halatang dumaan
sa proseso ng research dahil na-emphasize nito maging ang maliit na detalye na
hindi raw naman pala dominant na kayumanggi ang kutis ng Supremo. Medyo banayad
din ang pagtingin kay Emilio Aguinaldo (Jordan Ladra) rito dahil ipinalabas s’ya
na pinuno na may puso at kailangan lang gawin ang nararapat sa tungkulin (para
bang si Poncio Pilato sa ilang paglalarawan sa mga huling araw ni Hesus). Lumalabas
na nasa mga galamay lamang ng El Presidente ang mga totoong kontrabida sa
kasaysayan ng bansa.
Bago para sa PSF ang hugis ng dula dahil
humulma ito sa isang sarsuwela. Wala naman akong masyadong input kung ano ba
dapat ang mga katangian pero base sa mga napanood ko dati, maliban sa meron
itong kantahan, medyo realistic dapat ang mga tauhan at ang mga tagpo ay pinakamalapit
na sa totoong buhay. Kadalasan din na ang dulo, bagama’t dumaan sa masalimuot na gitna, ay
nagtatapos sa happy ending na punung puno ng pag-asa at enthusiasm. At dito ko
nagustuhan ang icing on the cake ng materyal. Sa pagkahaba-haba ng prusisyon,
lumabas ang punto na si Andres Bonifacio dapat ang may hawak ng bandila habang
iwinagayway ito sa Kawit, Cavite. Makikita mula sa malayo si Emilio Aguinaldo at maybahay
nito sa isang taimtim na pagsuko at pagsang-ayon.
Sa limitasyon na rin ng materyal na hindi
lumampas sa historical accuracy nito, bihirang bihira ang mga nakasanayang ad
lib ng mga pangunahing aktor dito. Ang natatandaan ko lang ay ‘yung eksena na
nanliligaw si Bonifacio kay Gregoria de Jesus (Cindy Liper) at ang hindi ko
inaasahang Juan dela Cruz (Coco Martin) impersonation ni Emilio Jacinto
(Patrick Libao). Bilang isang theater group na ang pinaka-vision ay aliwin ang
mga estudyante at agawin pabalik ang atensyon, naiintindihan ko ito. Hindi naman
ito nakabawas sa impresyon ko na ito sigurong produksyon ng PSF tungkol kay
Bonifacio, kumpara sa mga nagawa na nilang produksyon, ang pinakaganap ang pagkakahinog.
Produksyon:
Ballet Philippines
Direksyon:
Paul Alexander Morales
Libretto:
Nicolas Pichay
Musika: Radioactive
Sago Project, Peso Movement, Kai Honasan, Rico Blanco, Dong Abay, Ebe Dancel,
Peryodiko, Sandwich, Pedicab, Tarsius at Gloc9
Mga Nagsiganap: Ballet Philippines
Aaminin ko, unang una, na wala akong alam sa
lenguwahe ng ballet. Ito ‘yung isang klase ng performing arts na hindi ko
masyadong maintindihan at makagiliwan. Pero dahil sa kakaibang kombinasyon ng
rock OPM mula sa collaborating bands at sa titik ni Nicolas Pichay, nagkaroon
ako ng giya na baka makuha ko naman ito. Ang structure ng produksyon ay
nakalatag sa iba’t ibang chapter ng buhay, pag-ibig at kamatayan ni Bonifacio
na literal na hinati sa sampung kanta (ang isa rito, “Yugto” ni Rico Blanco, ay
na-publish na dati pa). May number na para sa pag-iibigan ng Supremo at ni Ka
Oryang (“Iyong Liwanag” ni Kai Honasan at ang paborito kong “Lakambini” ni Ebe
Dancel) at meron din namang harap-harapan ang pangunguwestiyon kay Emilio
Aguinaldo (“Hoy Emilio!” ng Radioactive Sago Project).
Sa kabuuhan, gusto ko ang playlist (na mga
ilang araw ko ring ninamnam sa player). Wala rin naman akong masasabi sa mga
nag-ambag ng ballet pieces dito. Ang napansin ko lang ay ‘yung paga-articulate
ng tema na tinatalakay ng bawat kanta. Gumamit ng skit na tila nag-uusap ang
isang estudyante at kanyang guro upang mailagay sa konteksto ang tinatalakay, bago
at pagkatapos pumasada ng sayaw. Minsan ay humihingal pa ang “estudyante” na
kasali rin sa performance bago ito magbitiw ng konklusyon. Para sa akin, mas
namuhunan sana sa kumpiyansa na kayang “ipaliwanag” ng galaw ang bawat punto ng
kanta. Pero baka ako lang ito na wala namang alam sa ballet.
Teatro
Porvenir (Ang Katangi-tanging Kasaysayan nina Andres Bonifacio, Macario Sakay
at Aurelio Tolentino sa Entablado)
Produksyon:
Dulaang UP
Direksyon:
Alexander Cortez
Mandudula:
Tim Dacanay
Mga Nagsiganap: Romnick Sarmenta/Russell Legaspi,
Fitz Bitana/Jojit Lorenzo, Joel Saracho, Karen Gaerlan/Jean Judith Javier, Paul
Cedrick Juan, atbp.
Para sa akin, ang pinakamabisang nagawa ng
dula ay ang pagbigay-diin nito sa isang mas maliit na aspeto ng buhay ni Andres
Bonifacio, ang kanyang sining bilang morista. Napalago ng suhestiyon na ito ang
kanyang kagitingan para sa bayan na may mga punla mula sa disiplina at
pagkamalikhain ng isang taga-teatro. Kung si Rizal ay naging edukado (at sa
dulo ay nakatagpo ng kanyang epiphany) mula sa kanyang paninirahan sa Europa,
si Bonifacio naman, ayon sa dula, ay umukit ng motibasyon sa pakikidigma at
pagtatanggol sa bayan mula sa entablado. Lumalabas ang pagpupursigi ng
mandudula at direktor tungkol sa teatro bilang pagkaangkop sa kasaysayan at vice
versa.
Hindi ako masyadong fan ng mga nasulat ni Tim
Dacanay dati sa Virgin Labfest. Para sa dulang ito (na ang script ay nanalo sa
Palanca), hindi ko rin agad mabilis na nalunok ang ilang desisyon sa pagbabago
ng beat sa pagitan ng dalawang act. Sa Act 1, halimbawa, mas linear ang pagkakakuwento
mula kay Bonifacio (Romnick Sarmenta at Russell Legaspi) bilang isang
struggling artist. Ipinakita ang kanyang karakter bilang panganay sa anim na
magkakapatid, ang kanyang pakikipagsapalaran sa buhay bilang tagabenta ng
tungkod at ang kanyang pag-ibig kay Gregoria de Jesus (Karen Gaerlan at Jean
Judith Javier). Sa pagitan, ipinakita rin ang kanyang kontribusyon bilang isa
sa mga tagatatag ng Teatro Porvenir (kabilang sina Macario Sakay at Aurelio
Tolentino na ginampanan nina Fitz Bitana at Jojit Lorenzo, at Joel Saracho),
ilang politika sa pagkakaroon ng theater group (na tingin ko ay relevant pa rin
maging sa kasalukuyan kahit hindi lang masyadong napapansin ng Pinoy audience)
at ang kanyang pagpiga sa creative juices. Malinaw rin sa parteng ito ang
parallel sa pagitan ng pagsasaentablado ng isang produksyon sa teatro at ang "pagdidirek" ng pag-aalsa ng
bayan para sa isang himagsikan. Sa Act 2, nagbago ang boses ng dula. Nakatutok
na ito sa POV ni Aurelio Tolentino at mula sa kanya ay ipinakita ang
kinahinatnan ng bawat kasapi ng teatro kabilang ang kanyang piniling landas sa
pagsusulat. Pero kahit na
magkaiba ang tono ng dalawang act (hindi ko alam ang lawak o kapayakan ng kontribusyon
ni Floy Quintos sa “dramaturgy at additional dialogue”), hindi ko maiikaila na
gumana ito para sa akin. Ang Act 2 ay nagsilbing magkakasunod na monologo nina
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto (Paul Cedrick Juan) at Macario Sakay hanggang
umabot sila sa kanya kanyang pagbaba ng telon. Nalungkot ako hindi talaga dahil
sa mga taong kayang isakripisyo ang buhay para sa bayan kundi sa metaphor nito
kung paano gumuho ang isang teatro dahil may mga bagay na mas kagila-gilalas sa
labas ng bulwagan.
Sa puntong ito, gusto ko lang ibahagi na dahil
nakuha ako ng unang pagtatanghal, inulit ko ang dula para na rin mapanood ang
alternate cast. Wala nang kuwestiyon sa husay ni Romnick Sarmenta at magandang
ideya na makita s’yang muli sa isang DUP production. Ang kanyang Bonifacio ay
pinagsamang command sa stage presence at, bilang artista sa pelikula at
telebisyon, nabigyang kulay n’ya ang mga drama sa pakikipagsapalaran ng isang
bayani. Ang Bonifacio naman ni Russell Legaspi ay mas organic. Nakita ko sa
kanya ang anonymity na kahit sino ay kayang maging bayani. Sina Jojit Lorenzo
rin at Joel Saracho ay malaki ang kontribusyon upang panatilihing humihinga ang
dula. Nakita ko sa kanila na si Macario Sakay ay free spirited naman pala at
may kiliti sa katawan, at si Aurelio Tolentino ay isang intellectual na
taga-teatro na kasingtining din ng mga masisipag na playwright natin ngayon. Pero
maliban sa kanila, gusto ko sanang pansinin ang new blood sa cast. Ang Gregoria
de Jesus ni Karen Gaerlan ay pinagsamang fragility at tapang samantalang ang
Macario Sakay naman ni Fitz Bitana ay nag-uumapaw sa timing sa komedya at
articulation sa transition ng kanyang pagiging komedyante at pagkamapusok sa
pakikidigma. Ang Emilio Jacinto ni Paul Cedrick Juan ay magkahalong gilas ng
isang baguhan sa teatro at pakikidigma, intellect at timbang sa buong
pakikibaka ng kilusan. Gustung gusto ko ‘yung isang monologue n’ya na
binibigyan ng saysay ang mga napiling istratehiya ni Bonifacio kahit na
kailangang suungin n’ya ito ng may pagdududa.
Sa lahat, maliban sa mga nabanggit ko na, ang
pinakanangangailangan ng komendasyon ay ang pagtawid ng dula bilang isang
historical argument na madaling maabot ng manonood. Hindi ko alam kung ano ang
mga sangkap na inilagay ng mandudula pero hindi ito kailanman naging alienating
kahit na malayo-layo na rin ang pagitan ng panahon ng himagsikan at ngayon. Baka
naman deliberate ito bilang sabi nga sa dula at sa bibig mismo ni Jose Rizal
nanggaling, ang salitang “porvenir” ay nangangahulugan ng “kinabukasan”.
Produksyon:
Tanghalang Pilipino
Direksyon:
Floy Quintos
Libretto:
Virgilio Almario
Musika: Chino
Toledo
Mga Nagsiganap: Dondi Ong, Margarita Roco,
Arman Ferrer, atbp.
Kamukha ng ballet, hindi ko rin thing ang
opera. Hindi ko masyadong maintidihan ang kakaibang high na nakukuha ng specific
audience sa matataas na timbre ng boses ng mga opera singer. Ang stage design
ay payak at minimalist. Bihirang bihira ang mga gumagalaw na set
piece at kung anu-ano pang gimik. Madalas din na hindi ito kailanman nakikialam
sa pisikal na affiliation ng aktor sa kanyang karakter. Hindi ko alam kung
stereotypical lang ako pero ang impresyon ko sa mga artist sa
ganitong genre ay malulusog. Hindi na lang siguro sa hugis na katawan. ‘Yung “Madama
Butterfly” ni Puccini (na napanood ko isang beses sa Prague), halimbawa, ay
isinulat ng isang Italyano na may mga karakter na Hapon na ginanapan ng mga
Caucasian. Hindi naman talaga ito importante. After all, kapag naging issue
ito, mababawasan na ang tiwala sa kakayahan ng teatro na makagawa ng magic.
Sa produksyong ito ng Tanghalang Pilipino,
parang gusto kong bawiin ang aking impresyon sa opera. Nand’un pa rin naman ang mga
elementong nabanggit pero hindi ako kailanman nabato. Kumpara sa tatlong
naunang produksyon na napanood ko, ito ang pinakasimple ang argumento at naratibo.
Hindi nito pinili ang approach na academic at iisa lang ang nais tumbukin, na
si Andres Bonifacio (Dondi Ong) ay isang santo at ang isang santo ay may masaganang
pagkakahambing sa isang bayani. Kung tutuusin, wala rin ang mga inaasahang
karakter kamukha ni Emilio Aguinaldo. Ang naiwan lang na historical figure ay
sina Gregoria de Jesus (Margarita Roco) at Emilio Jacinto (Arman Ferrer). Ang
yin-yang sa materyal, salamat sa ating National Artist for Literature na si
Virgilio Almario, ay isang grupo ng mga lalaki na nakabihis Espanya at isang
grupo ng mga babae na nakabihis na parang mga santa. Sa bawat pakikibaka ng
ating Supremo, nariyang lalabas ang dalawang grupo at magsasadula ng sariling
himagsikan sa utak ni Bonifacio.
Naiwan ang materyal hindi sa pagpapabulaklak sa
katapangan ng mga bayani kundi sa isang proseso na pinipili ng tadhana at
pinakikintab na parang isang diyamante. Naging ganap ang “pagkasanto” ni
Bonifacio nang s’ya ay inilagay sa pedestal at pinaslang. May mumunting
suhestiyon din kung bakit nakarating ang dula sa ganitong konklusyon. Parang
gusto nitong tumbukin na ang kasalukuyang bansa na lugmok sa opresyon ay
kinakailangang magdasal sa isang santo upang mabuntis ng katapangan. Inaasahan
na matapos lumabas sa Tanghalang Aurelio Tolentino sa CCP ay alam na ng
manonood kung sino ang kanilang luluhuran at tatawagin