Sunday, August 18, 2013

Amsterdam’s Alter Ego


Amsterdam, as the well-known Dutch capital, is almost always tantamount to its equally famous Red Light District. In fact, when I met a Filipino couple there from the US one Saturday evening last April, their European cruise company highlighted that place. I guess it’s in the fascination on how the girls sell their wares legally like waffles, in a set-up that pretty much appears like a downtown shopping window. Since my friends’ time is limited to just three hours or so in that evening, I didn’t get a chance to bring them to some of the city’s alter ego. Or to any place that is totally opposite to what Amsterdam is known for. There’s a mouthful of options actually and I’ve been to four of them. In case ladies on tight leather become boring, here are some alternatives: 

 
Begijnhof, simply put, is an enclosed neighborhood right in the heart of the city. It’s very close to Spui and it is so confined that you can’t easily find the entrance (or entrances). There’s one close to the American bookshop and there’s another one heading to the Amsterdam Museum. The wooden door is always open to the public (at certain hours, of course) and from there and some meters more, you can see a small square of decrepit houses that include the oldest in the whole city. There’s a warning upfront that it’s a real neighborhood and privacy is therefore reinforced. The Protestant church is the most welcoming piece in the lot and it’s a must to visit its interior. There’s also a Catholic church in front of it but it’s not that obvious as it was built during the Alteration. It would be best to spend the early morning there when it is quiet and not too touristy. The rest of the pictures here.



Based on the number of visitors, Museum van Loon (more pictures here) is the perfect museum to just kill time and enjoy the display (from paintings to gigantic, old coins) at your own pace. It has three floors and the entrance is along Keizergracht. Just beside the house is a small garden where you can have tea or coffee.

 
Museum Obs’ Lieve Heer op Solder (translated as “Our Lord in the Attic”) is so far my favorite spot in the whole Amsterdam (check out more pictures here). It is even right in the middle of the Red Light District. The idea alone is very significant. There was a nobleman who opened a part of his property so that Catholics (still during the Alteration) can continue their worship away from the public eye. Regardless of religion, it’s fascinating how people strive to keep their faith. Then the architecture. Imagine a tiny floor that serves as a kitchen for the parishioners and the floor above it, a sleeping quarter for the priest. All the Catholics then had to climb up the attic just to attend mass. Though the whole building now serves as a museum, it remains a place for me to pause and reflect on life.



Lastly, there’s Oude Kerk which is pretty much on the same busy street where Museum Obs’ Lieve Heer op Solder is located. It’s a church, a big one, and still operates as it is if I’m not mistaken. But I went there not for the mass or any religious event. Inside it, the church looks like it’s about to collapse anytime and the effect magnifies the artwork being housed there with the use of natural light. The experience of browsing through the ancient sculptures and even contemporary pieces is both stunning and calming. The rest of the pictures here.

Thursday, August 08, 2013

Huling Araw sa Cinemalaya 2013


Dalawang time slot na lang ang available sa huling araw ng festival dahil inihahanda na ang Main Theater para sa awards night. Wala na rin ang mga tindahan sa tabi at isinara na ang pinto palabas ng ramp. Marami pa rin namang tao para sa huling araw. Ngayon kasi ‘yung additional screening ng “Babagwa” at “Ekstra”. May mga humahabol at sumasabit pa.

 Isa sa mga maayos na awards night ang na-execute kinagabihan (hosted by Regina de Vera ng TP). Mabilis ang daloy at walang mga maling spiel o patay na sandali. Salamat sa production team na talagang mga taga-CCP at hindi hinugot mula kung saan. Hindi man nanalo ang mga inaasahan kong manalo (gumawa ng tally ang Pinoy Rebyu rito) pero wala naman akong masyadong napansin na hindi deserving o mahirap maintindihan kung bakit nanalo. Binuksan na rin para sa mga festival pass holder ang gitnang bahagi ng orchestra, partikular ang Row Q pataas. Nakakaaliw rin ang mga thank you speech kamukha ng “Ang lakas maka-Anne Hathaway ng award na ito!” na sinabi ni Joey Paras nang manalo s’ya bilang Best Supporting Actor para sa “Babagwa”. At talagang nag-quote s’ya ng thank you speech ni Anne Hathaway sa Oscars. Gusto ko rin ang pag-“shit” ng director ng short film na “Taya” nang makakuha ito ng Jury Prize (na ginawa na n’ya n’ung gala screening ng Shorts A). Pero siguro ang pinaka-sincere na speech eh galing sa batang si Marc Justin Alvarez (para sa special citation ng jury sa ensemble acting) nang magpasalamat s’ya sa Diyos dahil na-memorize n’ya ang mga linya.

Hindi ko na ililista ang mga nanalo dahil pihadong nakabalandra na ito sa net. May nakapansin na ang jury ngayon ang isa sa mga kapuri-puring jury sa history ng Cinemalaya. Sweep kung sweep. Walang tendency na mag-distribute ng award. Umabot pa sa point na marami silang ibinigay na special citation upang i-highlight ang mga napupusuan nila. Hindi rin sila nagbigay ng Best Actor award para sa Directors Showcase na hindi naman nakakagulat kahit na meron akong pinili.

Heto ang dalawang napanood ko sa huling araw:  

SHORTS B: KATAPUSANG LABOK (Aiess Alonso), ONANG (JE Tiglao), PUKPOK (Joaquin Pantaleon, Stephan Domingo at Imman Canicosa), SA WAKAS (Nica Santiago) at THE HOUSEBAND’S WIFE (Paolo O’Hara) Solid naman ang “Katapusang Labok”. Gusto ko ‘yung isang montage dito na nagpapakita ng contradiction sa mga bagay na sinasamba natin. Gusto ko rin ‘yung isang eksena na kamukha n’ung sa “The Crime of Father Amaro” na nagpapakain ng sagradong bagay sa alagang hayop. At higit sa lahat, ang life goes on na epekto sa akin ng short film. Napa-wow ako sa visual ng “Onang”. Kita pa rin ‘yung kakayanan ng filmmaker na ma-optimize ang materyal sa paggamit ng golden hour. Kumbaga, kung mata lang ang puhunan ng isang direktor, ito na siguro ‘yung pinakalutang. May mga imahe rin sa dulo na disturbing. Napanood ko na ang “Pukpok” dati at endearing pa rin itong panoorin. Puwede na ang humor. May dalawang nag-uumpugang bato ang maaari mong maramdaman sa “Sa Wakas”. Una at pinaka-obvious, mao-offend ka dahil napaka-light ng tingin nito sa topic na abortion. Ikalawa, lulutang para sa ‘yo ang pagkahenyo ng ideya na mapagtagni ang horror at humor. Sa akin, mas na-offend ako dahil pakiramdam ko, nakaka-guilty na tumawa kahit na sobrang nakakatawa ang batuhan ng mga linya ng mag-amang karakter dito. Nasimplehan lang ako sa “The Houseband’s Wife” pero ‘yung kapayakan yata mismo ang nagbigay rito ng award para sa Best Screenplay at Best Short Film. Gumana lang paminsan-minsan dahil mahusay namang artista si Paolo O’Hara.  

NUWEBE (Joseph Laban) Questionable kung bakit naisipan pa ng direktor na gumawa ng full length equivalent ng kanyang award-winning na documentary sa Front Row (GMA7) na may pamagat na “Ang Pinakabata”. Conceit ba ito o comfort zone lang? Una, wala sigurong batang artista ang makakakuha ng emosyon ng isang batang nabuntis ng sariling ama sa murang edad. Ikalawa, ano ang maaaring matumbok ng pelikula, maliban sa pagkakaroon nito ng stellar cast kamukha nina Jake Cuenca at Nadine Samonte (na mahusay naman dito kumpara sa iba nilang nagawa na), na hindi pa naiitawid ng docu? Alam ko ang peg n’ung batang sobrang matalino para sa kanyang edad. Ganito rin kasi ‘yung subject sa docu. Sa katunayan, ‘yung ilang linya ng bata sa pelikula ay nasambit din sa docu. At para palalain pa ang sadyang malala nang proyekto, isiningit pa sa pelikula ang estilong tila ini-interview ang mga tauhan upang magkaroon ng makatotohanang texture. Para sa akin, sana hindi na lang ito ginawa.

Nandito nga pala kumpletong set ng mga pictures.

Saturday, August 03, 2013

Ikawalong Araw sa Cinemalaya 2013


Huling weekend na ngayon kaya dagsa na ang tao sa CCP. May mga balitang bumaha rin sa ilang kalye sa may Dapitan. Hanggang tuhod daw. Nag-closing film na rin ng 9pm ang “Burgos” ni Joel Lamangan pero hindi ko na pinanood dahil ipapalabas din naman ito sa mga sinehan. Naaliw lang ako na ito ang may pinakamaraming merchandise na ibinebenta ("Burgos" mugs, fans, keychain, payong at iba pa). Hindi ko masyadong maapuhap ang irony sa pagitan ng komersyalismo at sa tema ng pelikula tungkol sa mga desaparecidos pero gan'un naman ang buhay minsan. Sa ganitong point din ng festival, halos napanood ko na rin lahat ng mga kalahok pero sa totoo lang, nahihirapan pa rin akong makakita ng “Diablo” ko. Iisa lang naman ang sigaw ng konsensya sa araw na ito: “May pasok na sa Lunes.”

Heto ang mga napanood ko:  

PORNO (Adolf Alix) Nag-tweet ako na ang pinakamagandang bahagi ng pelikula ay ang penetrating cinematography nito ni Albert Banzon. Pero seryoso naman ako r’un. Ang ganda ng rehistro ng ilaw na nakapag-compliment sa acid trip ng pelikula. Very distinct, kung hindi man sobrang kopya kung meron mang pinaggayahan. Para sa akin, nagkaroon ito ng sariling punk at nainlab ako rito. Totoo rin naman na given na ito kung ilalatag ang filmography ng cinematographer (“Kalayaan”, “Happyland”, “Ang Mundo sa Panahon ng Bato” at iba pa) pero ito ‘yung sa tingin ko ay mahirap makalimutan. High art ang final product ng pelikulang ito na isinulat ni Ralston Jover (“Bakal Boys” bilang writer/director, “Kubrador” bilang writer at iba pa). Gustong ipakita ‘yung proseso kung paano nakakarating sa mga bahay-bahay ang mga “dibidi” (o online video) na porno (na mas patok sa tawag na “scandal”). Mula sa ganitong devise ay ‘pinakita naman ang tatlong episodic na kuwento ng mga karakter na sa isa o maraming paraan ay apektado ng tinatalakay na subject. Nagdagdag ng pahapyaw na magic realism (na ang reference ng karamihan sa mga nakasalumuha ko sa CCP ay ang pelikulang “Post Tenebras Lux” ni Carlos Reygadas). Ang punto siguro ay ‘yung fascination natin sa voyeurism bilang isang bagay na supernatural din ang ugat at mahirap bigyan ng paliwanag. Puwede rin namang ang take ay may mga bagay na nagko-co-exist sa mundo kasabay ng tao. Nakikita nila tayo pero hindi natin sila nakikita. Mahusay ang cast. Kahit si Yul Servo eh magandang makita na gumagawa ng pelikulang ganito ang tema kahit na isa na s'yang konsehal sa Maynila. Maging si Angel Aquino bilang tranny ay nakatawid naman kahit na may ilang reservation ako sa kanyang body language. Sa lahat, si Carlo Aqiuno ang pinakalumutang sa akin. Sustained ang kanyang vision sa kung paano aatakehin ang karakter. 

THE DIPLOMAT HOTEL (Christopher Ad Castillo) Totoo pala ang mga sabi-sabi na disappointing (mula sa salitang “pangit” hanggang “iwasan ito”) ang pelikula. Gets ko naman ang konsepto, mga karakter na pumunta sa isang haunted na lugar upang i-document ang mga kababalaghan ng mga ispirito roon pero sariling ispirito nila mismo ang kanilang nakaharap. Ganito ‘yung tinumbok ng pelikulang “Contact” ni Robert Zemeckis na natalakay rin ng “Mangatyanan” ni Jerrold Tarog. Hindi ako filmmaker pero may impression ako na parang bulag ang direktor sa kung ano ang suwabeng pag-arte. Paliko-liko ang mga artista rito (mula kay Gretchen Baretto hanggang kay Art Acuña) na parang walang pupuntahan (kung deliberate ito, balitaan n’yo ako). Medyo gumana nang konti ‘yung pagka-“Blairwitch Project” sa mga madidilim na eksena pero hindi naman na-utilize nang buo. Kung ang ambisyon ng pelikula ay upang magpatili, masasabi ko namang naging successful ito base sa mga nanood kahapon sa Main Theater. Pero sa loob-loob ko, tumitili rin ako ng sama ng loob. Wala akong nagawa kung hindi pumunta sa Harbour Square at sinubukang mag-abang ng sunset.  

ANG PIRATA (Jon Red) Sa kamalas-malasang araw, nakatabi ko pa si Arman Reyes sa panonood ng pelikulang ito. Isa kasi sa listahan ko sa mapayapang panonood ng Cinemalaya ay iwasan s’ya dahil maingay sa maraming bagay. Minsan, inuubo at madalas, meron s’yang side comment sa mga eksena na pinangungunahan ng katagang “Putang ina”. Bago matapos ang pelikula, sa huling eksena nito, nag-comment s’ya ng “Mga baliw ang gumawa!” At sumasang-ayon ako sa kanya. At hindi ito masamang bagay. Ito naman talaga dapat ang essence ng so-called “indie filmmaking” (na tahasang binaliktad ni Jon Red sa kanyang introduksyon na “Welcome to the Amateur Night!”), na walang kumpromiso at halos tumatawid nang konti sa pagiging masturbatory. Siyanga pala, tungkol sa gangster ang pelikula.

THE SEARCH FOR WENG-WENG (Andrew Leavold) Malakas ang koneksyon sa akin ng docu dahil lumaki ako na nanonood ng mga pelikula ni Weng-Weng sa mga sinehan sa Lopez sa Quezon. Tandang tanda ko pa ‘yung eksena na tumalon s’ya sa building (na akala ko n’ung una ay gamit ang kumot pero isang malaking payong pala ayon sa mga clips) at alam kong sa Felrose 1 ko ito napanood na katabi ng Ilog Talolong. Marami akong napulot. Una, kokonti pala ang nagawa n’yang pelikula pero ang lakas ng kapit n’ya sa stardom (at least mula sa aking kamuwangan noon). Ikalawa, Virgo rin pala si Weng-Weng (September 7 s’ya ipinanganak). Ikatlo, na alam na rin nating lahat, walang espasyo ang Pinoy film industry sa mga napaglipasan na ng panahon. Sobrang bagsak talaga ang sense of history natin kahit sa showbiz. Kung kaya’t tama ang teoriya na habang sikat ka sa pag-aartista, umpisahan nang mag-ipon. Ikaapat, wala namang ipinagkaiba ang fascination ng dokumentarista sa kanyang “Sto. Niño” sa pagkapanatiko ng iba sa atin (Noranian, Vilmanian, Kapamilya, Kapuso, Kapatid at maging ang mga football fan sa South America o ng mga sagrado Katoliko in general). Ang kanyang walang kamatayang paghahanap, kahit na hindi naman s’ya talaga sagana sa pera base sa interval ng kanyang mga trip papuntang Pilipinas, ay isang katibayan ng tagos na debosyon.

Friday, August 02, 2013

Ikapitong Araw sa Cinemalaya 2013


Kapag Huwebes na, kadalasan na medyo nakakalungkot na dahil matatapos na ang isang linggong bakasyon ko. Pero ayos na rin dahil andami ko namang nakakausap na bihirang bihira kong makausap. At so far, sa mundo ng Cinemalaya, wala pang nagtatanong kung kelan ako mag-aasawa. Usually, “Anong best film mo?” lang na medyo nahihirapan akong sagutin. Marami akong nagustuhan pero wala pa akong “Diablo” ngayong taon. O, siguro, nami-miss ko ang line-up n’ung isang taon na parang hindi magkapili dahil maraming kuminang at nagdala sa alapaap. Inilabas na rin ang pinakamabenta sa box office, “Babagwa” para sa New Breed at “Ekstra” para sa Directors Showcase. Magkakaroon ng additional screening sa Linggo sa Little Theater (12:45pm at 3:30pm respectively).

Heto ang mga napanood ko sa araw ng Huwebes:  

BOTONG FRANCISCO: A NATION IMAGINED (Peque Gallaga) Walang masyadong mapipiga sa docu na ito dahil unang una, gagamitin itong parang video installation sa Ayala Museum para i-compliment ang display ng mga ginawa ng National Artist na si Carlos “Botong” Francisco. Gusto ko ‘yung ideya na nabubuhay ang mga karakter sa painting upang magbigay suhestiyon sa inspirasyon nito (pero hindi ba’t ganito naman lahat ng mga painting?). Ang pinakamasayang bahagi na siguro ng panonood ay ‘yung Q&A portion kasama ang mga curator ng museum at sina Peque Gallaga, Lore Reyes at ang sumulat. Mas marami akong napulot sa kanila tungkol sa take nila sa mga subject ni Botong. Halimbawa, merong observation si Peque na ang mga lalaki raw sa painting ay masyadong buffed samantalang ang mga babae raw naman ay merong “beerhouse boobs”. Nasa ganitong linya sana ang inaasahan ko. Sabi nga mismo ng direktor, ang art daw ay kino-confront natin with irreverence upang lubos na maunawaan. Sa puntong ito, nadismaya ako na hindi natalakay ang accuracy ng mga reimagining ni Botong sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang natatandaan ko, ang “First Philippine Mass” n’ya (yata) na nasa National Museum ay merong historical lapses. ‘Yun nga lang, malinaw naman sa daloy ng docu na mula sa first person ang perspektibo at ayon na rin sa title na ang lahat ay mula sa interpretation ng artist kung paano nabuo ang bansa.  

OROS (Paul Sta. Ana) Compelling (paboritong salita kahapon ng mga Cinephiles members) pa rin para sa akin ang pelikulang ito mula n’ung isang taon. Siguro malaking factor talaga na napakahusay ni Kristoffer King (at Kristofer Martin na rin) dito. Medyo comparable ang vision (treatment ng material) sa “Quick Change” ngayon.  

PAGPUTI NG UWAK, PAG-ITIM NG TAGAK (Celso Ad Castillo) Malakas ang deconstruction ng “Romeo and Juliet” sa obra na ito. Maraming reference (pinaka-given na siguro na ang pangalan ni Vilma Santos dito ay Julie) sa tragedy ni Shakespeare. Dito ko nakita si Celso Ad in a different light. Nage-gets ko ang poesiya ng mga nature shots n’ya sa ibang pelikula pero rito, klarong klaro ang pagkahilig n’ya sa literary classic. Pinakagusto kong shot eh ‘yung terrace scene na malakas maka-tribute. Wala kasi akong katiting na abiso tungkol sa pedigree ng pelikula at masayang naglalaro sa isip ko ang mga reference hanggang sa sumabog ito sa dulo na nagbigay konklusyon sa mga hinagap. Maraming eksena na may kilometric line si Vilma rito. Napaalala rin sa akin ang era kung saan ang sukatan ng isang pagiging aktres ay nasa haba ng mga linya na kayang mamemorya. Pinagsamang sensuality at controlled acting ang pinamalas n’ya. Maigting din ang chemistry nila ni Bembol Roco rito.  

MALAN (Benji Garcia) Tungkol sa star-crossed lovers din ang pelikulang ito na idinirehe ng direktor (credited na s’ya ngayon bilang “B. Garcia Chicote) ng “Batad” noong 2006 (kung saan nanalo si Alchris Galura bilang Best Actor sa ikalawang Cinemalaya). Ang “Romeo” rito ay si Anton (Glen Antaran) na isang aktibista na nagpapalamig bilang trabahador ng tiyuhin sa Matin-ao (isang lugar sa Polomolok sa South Cotabato). Ang “Juliet” naman ay si Malan (Martha Nikko Comia) na isang katutubong B’laan na nakatakda nang ikasal. Nakuha ko naman ang unang punto tungkol sa pag-ibig na walang pader. Gets ko rin ‘yung naghuhumindig na stand nito sa politics n’ung dekada ’60 at ’70, pati na rin ang mahabang panahon bilang sukatan ng kadalisayan ng pag-ibig. Siguro ay masyado lang ambitious doon sa pagkukuwento, hanggang sa lumago na ito at mahirap nang iula. Sa katunayan, ang mga pinakagusto kong konsepto rito ay ‘yung nag-aanyaya sa mga manonood na maging bahagi ng isang komunidad ng mga B’laan. ‘Yung eksena sa kanilang korte, halimbawa, ay isang interesanteng bahagi at magandang palawigin pa.Refereshing din ang musical score ni Popong Landero rito. Ito siguro ang saving grace para sa akin ng pelikula.

Thursday, August 01, 2013

Ikaanim na Araw sa Cinemalaya 2013


Mas mabagal naman ang nasakyan kong taxi ngayon. Chill lang si manong kahit na 45 minutes lang ang allowance ko para makaabot sa CCP. Ngayon na ‘yung araw sa buong linggo na nagtatanong na ang mga tao ng mga best na para sa akin, so far, ay mahirap pakiramdaman. Hindi kamukha n’ung isang taon na marami akong nagustuhan at sigurado ako sa kung ano ang paborito ko. Inulit ko ang “Ang Nawawala” dahil wala na rin ako halos maisingit. Nagkaroon ito ng delay ang screening dahil sa tatlong oras na running time ng “Aguila” ni Eddie Romero.

Heto ang mga napanood ko sa araw na ‘to:  

DEBOSYON (Alvin Yapan) Noong bata ako, lumaki ako sa paniniwala na ang Kabikulan ay punung puno ng mga engkanto. Sa bawat pagpasok daw sa bayan ay kailangang sumambit ng “Tabi-tabi po” upang hindi magkasakit. May isang beach daw, halimbawa, sa may Daet na taun-taon ay pinag-aalayan ng buhay. Na-romanticize ng pelikula ang childhood fear na ito. Sa mga nagawa ni Alvin Yapan, ang “Ang Panggagahasa kay Fe” na siguro ang pinakamalapit na companion piece sa obrang ito. Doon ay tinalakay ang kapre bilang isang lalaki na nagbibigay ng proteksyon, kamukha ng knight in shining armor, sa babaeng mortal na binubugbog ng asawa. Dito naman ay baliktad. Ipinakita ang diwata bilang babaeng niluluhuran at inaalayan ng paghanga at pananampalataya, kamukha ng birhen ng Peñafrancia sa Naga. Kumpara sa mga naunang script ng writer/director, mas minimal ito pagdating sa speaking lines. Hinayaang i-explore ang materyal sa pamamagitan ng visual. Ang paulit-ulit na pagpapakita ng bulkang Mayon, halimbawa, ay isang pagbibigay ng emphasis na lumampas na tayo sa epiko, na ang demigod na si Oryol ay nilipasan na ng panahon ng kanyang asawang si Handyong o maging ng apo na si Makusog na ama naman ni Daragang Magayon (salamat sa “Ibalong, the Musical” ng Tanghalang Pilipino). Gustong ipakita na hanggang sa kasalukuyan ay nakikibaka pa rin ito sa pakikipag-ugnayan sa mga mortal kahit na nagkaroon na ang tao ng sariling sinasamba (relihiyon o kung ano pa man). Sa isang frame ay ipinakitang sumabog ang bulkan na tila nasa kontrol ni Oryol at hindi ng kung ano pa mang higher being. Kung tutuusin, s'ya ang manifestation ng pagiging deboto dahil sa walang katapusang paniniwala n'ya sa mga tao.

ANG NAWAWALA (Marie Jamora) Pangatlong ulit ko na ‘to at naapektuhan pa rin ako. ‘Yung isang eksena pa lang na sumalang ang “Minsan” ng Eraserheads, nakuha na naman ako. Inulit ko lang ‘to dahil sa dalawang aktor na sana ay may pelikula ngayon sa Cinemalaya: Alchris Galura (sa “Instant Mommy” sana) at JM de Guzman (sa “Sana Dati” sana).  

BRUTAL (Marilou Diaz-Abaya) Lutang na lutang sa materyal na ito ang pagka-at ease ni Ricky Lee, bilang manunulat, sa mga subject na tumatalakay sa mga kababaihan. Ewan ko, pero basta sa mga ganitong aspeto, parang ramdam na ramdam ko ang koneksyon n’ya sa mga babaeng nangingibabaw (Charo Santos bilang Clara), nangingilalim (Amy Austria bilang Monica) at ang nasa gitna (Gina Alajar bilang Cynthia). Hindi ko pa masyadong makita kung ano ang distinct na Marilou Diaz-Abaya rito bilang direktor maliban sa tema na tinatalakay (“Ikalabing-Isang Utos: Mahalin mo ang Asawa Mo”, “Milagros”, at iba pa). Kung meron man akong higit na hindi makakalimutan, ito siguro ‘yung presence ni Jay Ilagan bilang asawang mapang-abuso.

INSTANT MOMMY (Manolo Abaya) Base sa reaction ng mga nanood sa Main Theater kagabi, epektibo ang pelikula sa pagbuo ng build-up sa karakter ni Eugene Domingo (na hindi ako magugulat kung makakasungkit na naman ng Best Actress award sa festival) bilang isang wardrobe assistant na si Bechay na nagpanggap na buntis para sa kanyang nobyong Hapon (Yuki Matsuzaki). ‘Yun nga lang, hindi masyadong bumenta ang isang parte ng script na kailangang gumamit ng dream sequence. Hindi ito nakadagdag sa kabuohang integrity upang tuluyang ma-appreciate ang pelikula. Maliban d’yan, epektibo naman ito sa pagtawid ng isang comedy na hindi kailanman nahulog sa patibong na maging slapstick o mababaw. Ganito sana ang template ng mga pelikulang kinagigiliwan ng mas malaking audience.