Chill na lang ang ikalawa sa huling araw ko sa festival (Linggo,
November 17). Dalawa na lang kasi ang kulang ko mula sa listahan ng mga kasali.
Wala na namang masyadong kaganapan maliban sa mangilan-ngilang Q&A at ang
mahabang pila ng mga manonood ng Shift.
Ilang note:
WOMAN OF THE RUINS (Keith Sicat) Ang problema ko sa pelikula ay
hindi ako makakonek sa kanya. Parang ang layo nito sa akin at wala akong
makapitan. Noong una nga ay hindi ko alam na post-apocalyptic pala ito (o ang
sinabi ng director sa Q&A na alternate history dahil post-WWII daw ito). Maganda
sana ‘yung konsepto ng isang maliit na community at kung paano mama-magnify ang
isang bansa mula rito pero wala akong masyadong naramdaman na ganito. Buo naman
ang naratibo rito at dahil nga alternate history, puwedeng maging generous sa mga
eksenang magtataka ka kung bakit ginawa. Dahil sa pagka-distant nito, halos
hindi ko napansin na mataas ang grado sa teknikal dito. Maganda ang kulay,
malinis ang rehistro sa screen ng mga eksena, idyllic ang ginamit na ruins sa
Corregidor at relatively well acted.
SHIFT (Siege Ledesma) Hindi ko masyadong nakitaan ng
lalim ng Endo, ang mga undertone nito at pagbuo n’ung mga karakter, dahil
masyadong iisa ang direksyon ng pelikula. Para s’yang video journal nang minsang
makaramdam ng pag-ibig at mabigo. Napaka-authentic, sa totoo lang. Merong
pinaghuhugutan. Maganda rin ‘yung peek sa BPO life though tingin ko, marami
pang puwedeng ma-explore dito na mas thought provoking kesa sa pag-iimbestiga
ng metrics. Naka-deliver naman si Yeng Constantino (bilang Estella) rito pero
sa mga stare ni Felix Roco (bilang bading na si Trevor) ko nakita ‘yung
emotional requirement n’ung karakter. Sayang lang at masyadong flat ang pagkakasulat
sa kanya to a point na hindi mo maintindihan sa dulo kung ano nga ba talaga ang
gusto n’ya. Kung meron man akong sobrang nagustuhan dito (kasama ng OST) eh ‘yung
parang study s’ya sa isang (work) environment na people come and go, at kung
paano ito makakaapekto sa pagbuo/pagkawala ng isang relationship
No comments:
Post a Comment