Full house ang
The Theater at Solaire kagabi sa tribute concert para kay Rey Valera. Sabi ni
Maestro Gerard Salonga (konduktor ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra), 12 araw
bago ang palabas, sold-out na raw ito at iniisip nila kung paano magkaroon ng
repeat. Nagpasalamat s’ya sa mga patron ng orchestral music na pumuno ng venue.
Kumportable naman ako sa crowd. Hindi ako na-intimidate. Parang from all walks
of life ang demographic. May mukhang doktor. May mukhang lumuwas pa mula
probinsya. May naka-suit. At may ilang madalas kong makita sa mga theater
event. Pero maliban sa tao (na madalas kesa hindi ay subject ng mga awit ni Mr.
Valera), heto pa ang ilang bagay na naiuwi ko hanggang sa pagtulog:
1. Masarap
talagang awitin ang Lupang Hinirang kapag merong live na orchestral music. At
doon ko lang napansin na ang mga cellist pala ay hindi kailangang tumayo bilang
pagpupugay. Art muna, bago ang bayan;
2. Mukhang
napag-aralan ang acoustics ng venue. Ang ticket ko, halimbawa, ay nasa ikatlong
row pero hindi ito ang pinakamahal. Siguro ay mas optimized ang listening
experience kung medyo nasa may gitna. Hindi ko matandaan na ganito ang
Tanghalang Nicanor Abelardo sa CCP at Meralco Theater pero baka naman mali ako;
3. Walang
binebentang program pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay madali ko namang
nai-associate ang mga kanta. Maliban sa tatlong number: Don’t Let Your Woman
Cry at Hello na parehong kinanta ni Edgar Allan Guzman at Manghuhula ni Tippy
Dos Santos. Respeto kay EA dahil lesser known songs ang kinanta n’ya at kay Ms.
Dos Santos dahil sa karagdagang choreography sa number n’ya na swing ang
areglo. Sampung Pogi Points naman sa direktor ng palabas (kung sino man s’ya
bilang wala ngang program), na habang kinakanta ni EA ang linyang “Hello” sa
pagtatapos ng kanta ay s’ya namang pasok ni Ms. Dos Santos sa stage. Sinundan
agad ito ng isang duet version ng “Naaalala Ka” (na fresh at maganda rin ng
areglo);
4. Ang
pinaka-surpresa siguro sa gabing iyon ay ang “operatic novelty” number ni Arman
Ferrer (credited by the Maestro as “Antonio Ferrer”), isang tenor (na huli
nating nakita sa Mabining Mandirigma ng TP), na kumanta ng “Ayoko Na Sa ‘Yo”.
Ang intro ng kanta ay parang ni-recycle na tono mula sa mga bull fight theme sa
Spain na sinahugan ng babaeng flamenco dancer bilang “object of desire” ng
mang-aawit. Ang drama, tukso ang babae at kunyari ay iniiwasan ito ni Mr.
Ferrer. “Sinong tinakot mo, ako ba? Lalake yata ako.” Malinis ang boses, walang
pagkurap sa kakaibang areglo ng kanta at pumaibabaw bigla ang versatility ng
pagiging musikero ni Mr. Valera;
5. Ang ikalawang
surpresa siguro, at least para sa akin, ay ang talent ni Michael Pangilinan.
Binigyan s’ya ng acoustic number (Cesar Aguas sa gitara) ng kantang Walang
Kapalit. Kung meron man akong runner-up sa 10 Best OPM Songs of All Time
kasabay ng Minamahal Kita ni Freddie Aguilar, ito na siguro ‘yon. Malakas ang
hugot. Mayaman sa emotion. At ganitong ganito ang ginawa ni Mr. Pangilinan sa
kanta. Hugot. Emotional. Naramdaman ko ‘yong bigat. Naramdaman ko ‘yong
panunuyo. ”Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin.” Manonood na talaga
ako ng musical version ng Kanser @ 35 ng Gantimpala bilang s’ya ang gaganap na
Crisostomo Ibarra;
6. Love her or
hate her singing style. ‘Yan ang verdict ko sa contribution ni Vina Morales sa
OPM. Pero sa gabing iyon, na-appreciate ko ang kanyang Malayo Pa ang Umaga at
ang inaasahan ng lahat na Pangako Sa ‘Yo sa maraming bagay. Una, naramdaman ko ‘yong
joy n’ya na mabigyan ng pagkakataon na ma-cover ang mga awit ni Rey Valera.
Ikalawa, na-capture n’ya ‘yong hinihinging drama ng mga soap opera, isang
pruweba na ang mahuhusay na singer ay puwedeng maging mahusay na aktres. At ikatlo,
props talaga sa kalibre ng kanyang boses na distinct. Walang pinagkaiba ang
kanyang live performance sa kung ano ang na-record;
7. Isa sa
dalawang number na orchestral music lang (walang singer) ay ang Kung Tayo’y Magkakalayo.
Dalawang cello, isang piano. Kinilabutan
ako. At halos mabasa ang mata ng luha. Nakakalungkot nga ‘yong kanta kahit
walang lyrics. Kudos sa areglo ni Gerard Salonga;
8. May dalawang
insidente kagabi na may kinalaman sa boobs. Una, si Rico J Puno na galing sa
isang operation kung kaya’t may excuse sa mga notang nahihirapan s’yang abutin
(at sa tuwing nangyayari ito ay pinapakiusapan n’ya ang mga tao na
magpalakpakan). Habang kinakanta ang ikatlong kanta n’ya (Sorry Na, Puwede Ba),
umupo s’ya sa harapan ng stage. Sa isang pagkakataon, may dalawang babae sa
harapan ang nais magpa-picture. Please note na tuluy-tuloy pa rin ang kanyang
pagkanta. Ang isang babae ay mas matanda at ang isa naman ay medyo bata pa. Sa
pamamagitan ng body language sa pagitan ni Mr. Puno at ng dalawang babae,
mukhang napagkasunduan ang picture taking. Nauna ang mas matanda. Sabi ni Mr.
Puno: “Akala ko naman, ‘yong bata ang magpapa-picture”. Umugong ang tawanan.
Siguro dahil napilitan ang mas bata, nagpa-picture na rin ito. At siniguro ng
OPM icon na nakatingin ito sa suso ng babae at hindi sa camera mismo. Nag-comment
pa ito, bagama’t pabulong, ng “Ang laki.” Ang ikalawang boob incident naman ay
kasama si Megastar Sharon Cuneta. Matapos kantahin ang Mr. DJ ay naghanap s’ya
ng doctor sa audience. Noong una, akala ko eh merong emergency na nangyayari sa
backstage. May isang doktor, babae, ang tumayo at pumunta sa stage. Inalalayan
ni Mega ang doktor papunta sa backstage. Kita ko mula sa kinauupuan ko na
parang nagtago si Mega sa isa sa malalaking kurtina. Wika n’ya gamit ang mic, “Not
you, Martin (Nievera). Stay away fro me. Ngayon, doc, please put your hand
inside my bra. Pakikapa ho kung totoo. Are they real?” Sumagot ang doktor, “Yes,
they are real.” Halos mahulog ako sa inuupuan ko. Kunsabagay, it takes a
Megastar to do anything you want to do onstage. Matagal-tagal ko ring inisip
kung anong subtext ng totoong suso sa mga kanta ni Mr. Valera. Siguro, kung
utong lang ang OPM, tayong tayo ito;
9. Wala naman
akong nakitang flaw sa mga rendition ni Martin Nievera maliban siguro sa isang
linya na na-miss n’ya ang lyrics. Pero wala rin akong makita na sobrang
outstanding ito. Sigurado akong nakita ko na dati ang kanyang greatest
performances. Madali lang itong i-assess. Hindi talaga s’ya kumportable sa mga
kantang tagala ang pananagalog. Pero sure he did his best;
10. Balik tayo
kay Mega, ang huling performer ng gabi na nararapat lamang dahil sa kanyang affiliation
kay Mr. Valera, tatlo rin ang kanyang kinanta. Mr. DJ nga na sobra kong
nagustuhan dahil kasama pang “kinanta” nang live ang narration part sa may dulo.
“Hello, Mr. DJ. Hi! Puwede ba akong mag-request? Yeah. ‘Yon bang kantang
gustung gusto ko. Oo! Thank you.” Vocally, ang number na ‘yan ang pinaka-relax
s’ya at mukhang overjoyed. Ang kanyang Kahit Maputi na ang Buhok Ko ay malakas
ding maka-throwback pero sa Tayong Dalawa n’ya ako tinamaan kahit na evident
ang struggle sa palitan ng totoong boses at falsetto. Was she crying after
doing the song? Parang eh. Sabi n’ya, first time daw n’yang ginawa nang live ‘yong
kanta dahil mahirap daw ito, not to mention na masakit kantahin bilang theme song
ito ng movie nila ni Gabby Concepcion;
11. Ang Sinasamba
Kita (lyrics lang si Rey Valera rito, si George Canseco talaga ang kompositor)
ni Morissette Amon ay for the books din. Mahusay naman talaga ang batang ‘yan.
Naging birit song ‘yong kanta. Hindi ko alam kung paano at saan nanggaling pero
basta na lang lumipad nang pagkataas-taas. Well, doon sa tribute para kay Mr.
C, scene-stealer din ang kanyang Sometime, Somewhere;